To Sec. Art Tugade of the Dept. of Transportation:
Magandang araw sa inyo mula sa isang biktima ng monopoliya sa TNVS na walang choice kungdi mag-Grab car at soon, wala na ring choice kungdi mag Grab Motorcycle Taxi.
Bagamat napakaganda ng imahe po ninyo sa mga kaibigan ko sa Facebook at Youtube to the extent na sinasabi nilang pwedeng-pwede kayong maging senador, medyo nawiwindang naman ako sa nangyayari dito sa trabaho ng DOTr Technical Working Group para sa Pilot Testing ng Motorcycle Taxis. (Sa mga usapan namin tungkol sa TWG na ito ng ilang political at government observers, nabansagan na namin itong Terrible Working Group o Tolongges Working Group.)
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Sa akin lang, baka mali ang mga friends kong isiping senatoriable po kayo kasi ang kelangan po naming sa senado eh yung sisita sa mga kalabisan at babalanse sa powers ng ibang branches of government.
Kaso, sa sarili niyong department, mukhang naiisahan kayo ng mga dapat sana’y taga-sunod at tagapag patupad ng mga utos ninyo.
Paano naman kasi Sec. Art, mukhang napapaboran na naman ng ultra-mega bongga ang banyagang ride hailing app na Grab.
Kung kayo po hindi nabobola at nabubudol ng Grab, itong mga bataan niyo mukhang sobrang daling mapa-ikot na parang gulong o tsubibo.
Hindi pa ba sapat na Grab na lang ang car ride hailing app, pati ba naman sa motorcycle taxi wala nang choice kungdi Grab?
Paano ko ba ito nasabi? Hindi ba tatlo ang motorcycle taxi hailing apps na kasama sa Pilot Testing?
Kung sa pangalan at itsura ng logo sa cellphone ang pagbabasehan sir, siyempre magmu-mukha silang tatlo.
Among motorcycle taxis po, andyan ang Angkas, Move-It at Joyride. Pero sa tatlong yan, mukhang dalawa ang sa Grab at isa lang ang hindi.
Technically daw po kasi ang Angkas eh kadikit ng bituka ng Grab at itong Move-It naman eh mukhang sa Grab na rin sa pamamagitan ng kiyeme-kiyemeng collaboration agreement. (Mukhang napilitan itong Move It dahil di nito kayang gampanan ang serbisyo nito.)
Pasensya na sa masasagasaang mga undersecretary at assistant secretary ninyo, pero mukhang sinasamantala nila ang pagka senior niyo at sa pamamagitan nitong collaboration agreement na di naman binuksan para masuri ng lahat, eh nakapasok itong Grab sa motorcycle taxis sa kabila ng pagpa-hold niyo dito.
Kumbaga nakapuslit at lumalabas na nag-backdoor itong Move It kasama ang Grab.
Supposed to be, itong collaboration agreement daw eh para lang sa data gathering. Okay, fine… kaso meron mga lumitaw na information na:
- Ginagamit na ng Move It ang training facilities ng Grab
- Lahat ng registration, onboarding, selling at distribution ng gears kasama ang ibang activities na required sa Move It ay ginagawa at pinangangasiwaan na ng Grab – kasama na rin ang pag gamit ng Grab systems at documentation
- Ang Grab ang nagbe-benta ng Move It gears sa mga bikers
Kumbaga sa halaan o kabibi sa dalampasigan, balat na lang ito. Isang shell na walang laman. Sa sisteng yan, masasabing nagba-backdoor ang grab sa pagkakagamit nito ng anyo ng Move It.
Sir, siguro naman po naabutan niyo ang post WW II war na kasabihan na “if it walks like a duck, talks like a duck, and swins like a duck, IT IS A DUCK!”
Sa ibang salita kasi, lumalabas na sa Grab na ang Move It at nangangahulugan ito ng malaking kadupangan pagdating sa allocation ng mga riders sa bawat motorcycle taxi service.
Ayon na rin sa rules ng TWG, kung may aatras sa mga kasama sa Pilot Testing, ang rider allocation nito eh hahatiin sa nalalabing mga motorcycle taxi companies.
Kaso ang nangyari po sa pag-atras ng Move It, buong buong binigay ang allocation nito sa Grab.
Lumalabas nito, kung sa paghahati ng isang buo into thirds or tig-katlo, two thirds o dalawang katlo ang napunta kay Grab. Yung unang katlo sa kadikit ng bituka ng Grab at itong panglawang katlo kay Move it.
Hindi po dapat pinapayagan ang ganyang ka-swapangan kasi yung mga tumitingala sa inyo ang mismong mapeperwisyo kasi mawawalan sila ng choice kungdi ang magtiis sa masamang serbisyo na mataas ang presyo.
Yours truly,
Paul Farol
Biktima ng Grab at Move It Budol Gang
Writer.