Kung ang nakikita niyo sa Facebook lang pagbabatayan niyo lang sa pagboto niyo sa 2022 ng mayor o vice mayor ng Quezon city, baka magkamali kayong iboto si Councilor Winnie Castelo.
Ang mga manaka-nakang pagpapakitang gilas nito sa harap ng kamerang gamit sa Facebook videos at mga litrato ang nagtatago ng mga kahindik-hindik na mga gawaing di nararapat para sa isang pinuno ng lungsod.
Nuong halalan ng 2019 lamang nakita na ang tunay na kulay ni Castelo at kung gaano kawalang kwenta ang mga salitang binibitawan.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Tatlong taon nang nakakalipas nang maghayag ito na tatakbo bilang Vice Mayor ng Quezon City. Katambal siya dapat ni dating congressman Bingbong Crisologo.
Matapos mag-iikot at magpakitang nagtitipon para sa pagtakbo bilang Vice Mayor, bigla na lang itong naglaho at tumakbo na lang bilang konsehal sa District Two ng Quezon City.
May mga nagtanong sa distrito niya na mga kaibigan ko kung ano ang nangyari sa suportang natanggap ni Castelo at mayroon din sa kanilang nagsabi na malamang napa-atras kapalit ang malaking halaga.
Bilang isang matagal nang communications consultant sa politika, ang sabi ko maraming dahilan ang pag atras ng isang nagpakilalang kandidato.
Sabi ko maaaring kulang sa pondo o di kaya pangit ang resulta ng survey. Pwede ding napakiusapan at pwede ding nga na nakipag CASH-sunduan.
Sa mga yan, hindi ko masasabi ng tahasan kung ano talaga ang dahilan pero given na may mga nakapaligid kay Castelo na kilalang hustler at raketero, di ko ma eliminate ang ikahuling posibilidad.
Sa pag-iikot ko sa district two, lagi ko ngang nadidinig ang bansag kay Castelo na Cashtelo.
Anya ng isang matandang political observer, bantayan mo kung ano ang papansinin ni Cashtelo at malamang may pakay yan dun.
Sabi niya, “Mula sa trapik dahil sa construction ng MRT hanggang sa mga away away ng subdivision, pansinin mo. Binaril nga nyan sarili niyang pwet para lang makasuhan ang isang sheriff at para gumulo lalo ang kasong kaugnay ng isang writ of possession.”
Dagdag pa ng nakausap ko, “Huwag na nating pag-usapan yung mga kwento sa kongreso nung congressman pa yan. Kung sa mga reporter may nababayaran para mag-ingay, ganun din sa kongreso..”
Pero, kung ganun, kataka-takang walang naibalita tungkol sa kung ano man ang pinatutungkulan ng kausap ko.
Kung sabagay, di na bago ang kagawiang paghahatag sa mga reporter para magtikom ng bibig at ang pagpapayola sa mga editor o producer na huwag maglabas ng negatibong balita.
Kung tutuusin, minsan lang nadawit ang pangalan ni Castelo sa napakasamang balita.
Ito yung tungkol sa pagkakapatay sa boyfriend ng babaeng kapatid ni Konsehal Winston na si Nanette Castelo Daza.
Nung unang lumabas ang balita tungkol sa pagkapatay kay Noel Orate, a district manager of United Laboratories, nasabing MURDER ang nangyaring pagkakabaril sa kanya ng limang beses habang nasa loob ng bahay ng mga Daza sa Maningning Street, Barangay Teachers’ Village East in QC.
Ang salarin ayon sa mga naunang report ay si Allan Robes na nakita ng mga pulis na may dalang baril habang palabas ng pinangyarihan ng krimen.
Sa tinutulan na hatol ng piskal sa Quezon City, naging homicide na lang ang kaso kay Robes imbes na murder.
Paano naging ganun, anya ng mga kampamilya ng napatay na boyfriend ni dating Congresswoman Nanette Castelo Daza?
Kung self-defense, bakit kailangang limang beses barilin? At bakit may baril na dala si Robes sa pamamahay ni ex-Congresswoman Nanette?
Sa kalaunan ng pagdinig ng kaso laban sa asawa ng pamangkin ni Konsehal Winnie, pinalipat ng mga kamaganak ng napatay na si Orate ang hearings mula sa Quezon City papuntang Makati City. Ayon sa mga Orate, nangangamba sila na gantihan ng mga Castelo at mukhang hawak nila ang batas sa Quezon City.
Writer.
Politics is for crooks…
What the hell is a “Bingbong”?