Dilawan Party is Doomed by its Genetic Predisposition for Divisive Politics
Maraming nag-react at comment dun sa huling post ko tungkol sa inaasahang pagtakbo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte bilang Pangulo sa 2022 at sa pag-angat ng mga local government executives bilang hanay na pinagkukunan ng posibleng kandidato sa mga pambansang elective positions.
To be sure, hindi lang si Mayor Inday Sara ang lumutang na local executive na kinukonsidera bilang kandidato sa pagka-pangulo. Andyan rin si Mayor Vico Sotto ng Pasig, ang Yorme naming mga Manilenyo na si Francisco Domagoso alyas Isko Moreno, at si Gapan Mayor Emeng Pascual sa Nueva Ecija.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Sa akin, magandang senyales ito na sa wakas, gets na rin ng karamihan sa ating mga kababayan ang idea na ang Pangulo ay executive or tagapagpatupad, at ang dapat bigyan ng mas mabigat na konsiderasyon sa posisyong ito eh yung may matitinding pruweba bilang executive.
Either that, or, sa wakas nagkalakas ng loob na rin magpakatutoo sa pagboto at ang tutoo eh ang gusto ng mas nakakarami na lider eh iyong tipong BOSS o AMO.
Ito yung tipong lider na kapag may inutos, maraming sumusunod at walang choice ang iba kungdi ang sumunod. Parang sa trabaho lang, or sa loobang tinitirahan kung saan may iisang sinusundan at kinakatakutan na banggain.
Ito rin yung tipong lider na nalalapitan tuwing may tulong na kailangan o aberyang nangyari.
Iyong tipong pinaka-barako sa mga barako.
In fact, itong imaheng ganito ang tingin kong nagdala kay dating Vice President Jejomar Binay sa taluktok ng kanyang political career bilang kandidato sa pagka Pangulo nuong 2016.
Mula sa mala-sacristan na pamumuno ni Pnoy, naghanap ang mga tao ng Pangulong brusko na mukhang kakatakutan kahit ng mga demonyo.
Si Binay na sana iyon. Kung patigasan na rin lang ang lalabanan, si Binay siguro eh parang gulong ng trak sa tigas. Kaso natapatan siya ng mala asero naman ang tigas, isang Rodrigo “Digong” Duterte na tila lahat ng aspeto ng pagkatao balot ng katigasan — pati dila matigas.
Bukod diyan, nabakbakan si Binay ng husto bilang pangunahing kandidato nuon.
Dagdag pa diyan ang pagka watak-watak ng kampo ni Pnoy na waring patunay na walang pagkakaisa sa prinsipyo at kanya-kanyang interes ang nangingibabaw. Patunay rin na puppet lang si Pnoy ng mga interes na nagluklok sa kanya, hindi siya boss or amo na may kakayanang timunin at balansehin ang mga magkakasalungat na interes.
Nahati ang sanay solid force ng mga Coryista — isang sinaunang political cult na lumitaw nung napatalsik sa pwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos ng isang military junta. Ito yung kulto kung saan lahat ng basbasan ni Cory eh mabuti at dapat suportahan — kahit mali, gaya na lamang nung halos pikit matang ratification ng 1987 Philippine Constitution.
Bukod kay Binay, tumakbo rin si Mar Roxas at si Grace Poe na pawang dilawan. Bale ang nangyari, pinagtulungan ni Mar at ni Grace si Binay… Ayun, kahit puti ng mata nagkalatay.
Kahit ba sa usaping partido partido, itong Liberal Party na sinasabing dilawan party eh mahaba ang kasaysayan bilang partidong bitak-bitak at hindi solid. Mayroon dati itong Drilon Faction, Roxas Faction, Defensor Faction, at kung ano anong grupo na naglalaban-laban para kilalanin na tunay na Liberal Party.
At paano naman magkakaruon ng solid supporters ang mga ito? Eh sa kalakaran nilang pinakita sa mahabang panahon, sariling interes lang nila talaga ang pinaglalaban. Tsaka ko na ungkatin sa ibang blog post kung ano ano ang mga asta ng bawat isang paksyon kung kaya’t di nila makuha ang amor ng ordinaryong tao.
Non-enactment of an Anti-Political Dynasty Law Says Dynastic Politics is the NORM
Na-inspire ako ng bahagya sa sinulat ni Benedict Exconde tungkol sa dynastic politics.
Sangayon ako sa sinabi niya na ang malaking dahilan kung bakit namayapa ang dynastic politics sa bansa eh dahil rin sa term limits na nakabaon sa 1987 Constitution at sa Local Government Code.
Ang madadagdag ko sa sinabi niya, at ito ang pinakadahilan kung bakit may naghahari ang mga political dynasties sa bansa: lampas tatlumpung dekada nang hindi naipapasa ng Senate at House of Representatives ang enabling law na kailangan para maisakatuparan ang probisyon ng Cory Constitution na nagbabawal sa political dynasty.
Ayon sa Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.“
Isa lang ang ibig sabihin ng hindi pagpasa ng anti-Political Dynasty Law: Gusto ng mga mambabatas na kinatawan nating lahat ang pagkakaruon ng Political Dynasty. (Mismo ngang mga nagsalang ng anti-Political Dynasty bill eh mga miyembro ng political dynasty. Asa pa tayong papasa yan sa third reading. Walang ganun! Haha!)
Di lang siguro makapagsalita ng deretsahan ang ating mga mababatas dahil pinagbabawal ito ng Constitution at baka maakusahan pa na lumalabag sila sa Saligang Batas.
Pinapatunayan rin nito na mananaig ang cultural norm sa kung ano mang sistema ang nais ipatupad. Malaking katangahan ang maniwalang system change will lead to culture change — it has never happened and will never happen.
Ang mas tutoo eh ang mga batas ng bansa eh nagmumula sa kultura ng mga taong bumubuo dito. HIndi mababago ng buo ang kultura ng bansa ng isang bigayan. Unti-unti yang binabago, tulad ng lahat ng bagay sa mundo.
Right now, mukhang okay lang o gustong gusto ng karamihan sa mga bumoboto sa atin ang pagkakaruon ng mga magkakamaganak na politiko na nakaupo sa iba’t ibang posisyon ng pamahalaan.
Bilang issue laban kay Mayor Inday Sara Duterte, walang kwenta ang isyung political dynasty laban sa kanya. FACTS lang yang dynasty dynasty, ikanga.
Labanan ng mga Dynasty sa QC
Sa pinakamalaking lungsod in terms of population, hindi issue ang dynastic politics.
In fact, masasabi na ang nagluluklok sa alkalde ng Quezon City eh ang koalisyon ng mga political dynasties na sinasabing pinamumunuan ng pamilyang Belmonte.
Sinasabing nagsimula ang koalisyong ito nuong 2001 sa pagkapanalo ni Sonny Belmonte bilang mayor, nagpatuloy sa ilalim ng pamumuno ni dating mayor Herbert Bautista, at hanggang sa ngayon, si Joy Belmonte — anak ni dating Mayor Sonny — ang nakaupo.
Bukod kay Mayora Joy Belmonte, nakaupo rin ang ilang kamaganakan nila tulad nila:
- Anak ni Mayora Joy, si Miguel Belmonte – councilor, 2nd District
- Christopher “Kit” Belmonte – representative, 6th District; son of Sonny Belmonte’s brother Dennis
- Ricardo “RJ” Belmonte – councilor, 1st District; son of Sonny Belmonte’s brother Reicardo
- Vincent Belmonte – councilor, 4th District; son of Sonny Belmonte’s brother Eric
- Irene Belmonte – councilor, 4th District
Kung tatakbo naman si Anakalusugan Congressman Mike Defensor bilang mayor ng QC, malamang tumiba ito sa balwarte nito sa 3rd District ng Quezon City. Nagsalitan sila Mike ng kanyang ama na si Matias Jr. at kapatid na si Maite bilang congressman ng 3rd District. Ang lolo ni Mike na si Matias Sr. eh naging mayor ng Quezon City mula 1946 hanggang 1948.
Pero mukhang hindi lang sa 3rd District makakakuha ng suporta si Mike kasi kasangga naman niya si Congressman Onyx Crisologo, na anak ni dating Congressman Bingbong Crisologo ng 1st District ng Quezon City.
Di ko lang alam kung magiging factor ang relasyon ng mga Crisologo kay Luis “Chavit” Crisologo Chavit Singson na halos kadikit ng pangalan ni Senator Manny Pacquiao.
Pero kung may ibabansag man ako sa alyansa ni Mike at ng mga Crisologo, siguro maganda ang Team Revival o Team Negosyo. (Sorry na lang sa nakaisip sa pausong Malayang Quezon City. Malaya saan? Malaya, papaano? Baka naman hango lang yan sa pagiging Liberal Party ni boss Mike dati, eh masyadong literal naman at the same time pag-iisipin mo pa tao kung ano ibig sabihin niyan. Peyups na peyups ang datingan.)
Bakit kanyo Team Revival? Eh kasi nabuhay uli si Mike sa mundo ng politika matapos nitong maging minero ng ilang taon. Tapos si tatay Bingbong naman eh matagal nang kilala sa Catholic revival ministry niya.
Bakit kanyo Team Negosyo? Eh dun lang sa kampanya ni dating Congressman Bingbong, lahat ng may kinalaman sa business tax at property tax ang naging issue niya. Pati nga Quezon Memorial Circle gusto niyang negosyohin para sa mga taga Quezon City sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang sports coliseum.
Si Mike naman, matagal nang kinakampyon ang pagtatayo ng Quezon City Business District na tulad ng BGC o Makati. Sa naalala ko, ito’y dapat sa bandang Trinoma ilalagay, duon sa area kung saan marami pang mga mahihirap ang nakatira. Napakagandang proyekto, kung ako ang tatanungin. Kung meron mang kakayang mag clear ng mga pamilya sa lugar na iyon at iba pang lugar sa Quezon City na may informal settler, si Mike na yan. Nakita ko kung gaano siya ka effective sa pag-clear ng PNR kung saan daang libong informal settler ang natanggal.
Bukod kay Mike, isa pang sinasabing maaaring mag challenge kay Mayora Joy eh si Councilor Winnie Castelo. Tulad ng mga Belmonte, malawak-lawak rin ang sakop ng pamilya ni Councilor Winnie at maraming mga Castelo na councilor rin sa ibang distrito ng Quezon City. Bukod pa diyan ang asawa niya na si Congresswoman Precious.
Kaso lang, ayon sa aking source, baka too early pa na tumakbo si Councilor Winnie. Baka daw sa 2025 pa niya i-consider ang pagtakbo bilang Quezon City Mayor at hindi pa daw siya hinog.
Maniniwala na sana ako pero, mukhang naka set-up na ng husto ang makinarya niya para maging matinding mayoralty candidate. Ang lalim na nang naibaon na pakikisama at tulong niyan sa napakaraming distrito.
Between Mike and Winnie, tingin ko mas serious na challenger itong si Councilor Winnie kay Mike.
Writer.