Bakit Tuwing Panahon ng Eleksyon sa QC, Dumarami Ang Kamaganak Mo?

“Ano bang kailangan mo at nagpapanggap kang kamaganak namin?”

Dahil sa hindi pinagbabawal ng Comelec ang pangangampanya ng mga politiko at gusto maging politiko kahit sobra pang layo ng official campaign period, naglipana na naman ang mga nagpapakilalang kamaganak ng kung sino-sino.

Ito ang isa sa pinakalaos na gimik ng mga kakandidato para sa kung ano anong mga posisyon.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Time pa ni “Tita Cory” Aquino ito nuong panahon ng 1986 snap election ito pinauso para daw mas madali siyang makilala at mapamahal sa masa. Mula noon, naging kagawian na ng mga politiko ang magpatawag ng tito, tita, kuya, ate, ninong, ninang, at kung ano ano pang mga karaniwang tawag sa nakatatandang kamaganak.

Grade 7 ako nuong nangyari itong 1986 snap elections at noon pa lang, mali na ang dating ng ganitong gimik sa akin.

Nuong kabataan ko kasi ng 1970s, pinalaki kami ng mga kapatid ko na tanging mga tunay na kamaganak lamang ang kinikilala sa tawag na tito, tita, ate, kuya, lolo at lola. Sa ibang mga nakakatanda na kaibigan ng mga parents namin eh karaniwang Mang o Aleng ang katagang inuuna namin sa mga pangalan nila bilang sign of respect.

Kung mas pormal ang sitwasyon, diyan lumalabas ang mga English prefixes tulad ng Mister, Miss, at Misses o minsan-minsan, kapag lola ko sa Quiapo ang nagpapakilala eh Senyor o Senyora.

Nuong panahon na iyon, kapag may kumatok sa pintuan ng bahay namin at nagpakilalang estranghero sa amin na “Tita” o “Tito”, tinatawag namin agad ang magulang namin. Usually, nanay ko ang humahalili at pinapapasok na kami.

Tatalakan ng nanay ko ang kung sino man ang estrangherong iyon at sasabihang, “Huwag kang masyadong pamilyar, di ka namin kamaganak. Ano ba ang kailangan mo at nagpapanggap kang kakilala namin?”

Sa panahon ngayon, sa halos lahat ng pagkakataon, madidinig mong tinatawag na tatay, nanay, tito, tita, ate, o kuya ang kung sino sino. Para bang wala nang pormalan talagang alam ang karamihan at masyado nang pamilyar ang lahat.

Gayunpaman, andyan pa rin ang katotohanan na sambit na nanay ko, basta’t masyadong pamilyar eh karaniwang may kailangan o kailangan ka lang goyoin.

Mga Pekeng Kamaganakan Mo sa Quezon City

Nitong nakalipas na weekend, pumunta ako sa Novaliches bayan para dumalo sa magkasunod na birthday ng mga kaibigan ko doon.

From Commonwealth, dumaan ako sa Jordan Plains subdivision at duon sa bukana nito napansin namin ang halos sunod-sunod na mga tarpaulin ng isang Rose Nono Lin na nagpapakilala na Ate mo, Ate ko, Ate nating lahat. Ate Rose Lin ang Ate ng Distrito Singko.”

Sa halos five years ko nang madalas na pagbisita sa Novaliches, ngayon ko lang nalaman na may Ate pala akong Rose Lin. Hahaha!

Ang madalas kong makitang mga pangalan sa mga kalye ng Nova eh Susano, Asuncion, Visaya, Vargas, at Liban. Ito yung mga institution na sa politika ng 5th District ng Quezon City.

Nagtanong tanong ako sa mga friends ko sa Novaliches at mga karatig pook nito kung kilala nila itong Ate Rose na ito. Ito yung mga taong ilang henerasyon nang nakatira sa Novaliches. Ni isa sa kanila eh di nakapagsabing kilala nila si Ate Rose.

Saan banda ba daw nakatira sa 5th District si Rose? Baka daw bagong lipat lang yan.

Naalala ko tuloy yung parang biglaang pagtakbo ni Mike Defensor (isang haligi ng politika sa 3rd District ng Quezon City) bilang senador nuong 2007. Doon, siguro batay na rin sa advise ni Boy Abunda nuon, eh binansagan niya ang sarili bilang Tol at may campaign tag-line pa yan na Walking Tol.

Potek! Dami naming tawa nuon sa sulok-sulok ng HUDCC at Pag-IBIG Fund na pinamunuan nya bilang chairman nuong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nag-appoint sa kanya sa pwestong iyon.

Sa mga nakakakilala kay Mike o Boss Mike, medyo mage-gets ko ang pagkabansag sa kanyang Tol. Karamihan ba naman ng mga pina-appoint nya sa ilalim niya eh mga brad niya sa fraternity. Wala namang masama duon kasi magaganda naman ang qualifications nuon at dahil kilala nga nya ang mga ito dahil sa frat nila, eh malakas ang tiwala niya sa mga ito.

Anyway, di ako nakuntento sa pagtanong tanong tungkol dito kay Ate Rose Nono Lin para malaman ang katotohanan sa pagkatao nito. Kaya dumulog na ako sa tanungan ng buong mundo, ang Google at Facebook Search.

May nakita rin akong Instagram account na Rose Nono Lin. Kung siya nga itong nsa IG post na public na may kasamang dalawang bata at isang lalakeng kamukha ni Jack Ma ng Alibaba, abay naman… Kasarap naman ng bakasyon nila sa Palawan nung May 2015.

Meron din syang selfie sa IG kasama si Ogie Alcasid at isang nagnga-ngalang Meng Ronquillo na mukhang malapit kay 4th District Councilor Marvin Rillo.

Bukod diyan, rin ang Facebook Page na Ate Rose Lin at iba pang mga Facebook Account na may pangalan na Rose Nono Lin.

Sa Facebook Page na Ate Rose Lin, makikitang nitong taon lang ito ginawa at ang creation date ito ay nasa February 18, 2021.

Ang unang post ng page na ito ay February 18 din at sa post na ito makikita ang isang logo na may mga salitang Dragon De Fuego Holdings Company.

Nakasaad din na may related pages ito na Isko Moreno Official Supporters pero ang URL nito ay https://www.facebook.com/YormeIMD/ na nakakapagtaka. Si Yorme Isko kay kilala sa pangalang Isko Moreno at Francisco Domagoso, malayong malayo sa YormelMD.

 

Sino ang Yormel MD? Baka naman pinagsamang Moreno Domagoso. Pero pwede ring Mike Defensor, diba? Ang pangit pangit lang kung lalabas na sumasakay lang sa popularidad ni Yorme Isko ang page na ito tapos later gagawing Mike Defensor for QC Mayor ang page.

Nakita ko na yang before nuong 2009 kung saan ang memorial page ni Cory Aquino eh biglang naging page ni Pnoy. Ang laking panloloko sa taongbayan.

Isa sa pinakabong post ng page eh nitong June 12 lamang.

Abay… Napaka-active pala ni Ate Rose nitong nagdaan na Independence Day. Sa isang post ng Ate Rose Lin page, may makikitang isang babae na namimigay ng sobre na may mukha niya.

Wow! Ano kaya laman ng sobreng yan?

Nakoh… Mukhang alanganing gawain yan Ate Rose.

Kung sabagay, wala namang politiko o magpopolitiko na nakulong na dahil sa vote buying.

At gayon nga na sabi naman ng Comelec na okay lang ang mangampanya kahit wala pa tayo sa official campaign period, tingin ko OKAY LANG itong pamimigay ng sobre na may mukha at pangalan. Sabi nga ng Comelec, BASTA WALANG KATAGANG “VOTE” HINDI ITO ILIGAL.

May video rin si Ate Rose kung saan waring pinapakilala niya sarili niya.

Bagamat marami siyang sinabi bilang pagpapakilala, nakalikha ito ng mas maraming katanungan tungkol sa pagkatao niya.

Galing daw siya sa mahirap… pero nakapagtapos ng kolehiyo.

May negosyo daw siya, pero hindi sinabi kung ano itong negosyo na ito.

Hindi pinakilala kung sino ang mga magulang at kapatid. Kahit asawa eh hindi pinakilala, which is karaniwang ginagawa ng mga politiko. Masama man pakinggan, pero pinagmukha syang putok sa buho ng sarali niyang video.

Abay, Ate ROOOOOSE LIN… NAPAKAHIWAGA MO NAMAN!

Itong mga tipong biglang pagpapakilala tapos may pabigay-bigay pa ng ayuda, halos tiyak na tanda na may hahangarin na posisyon sa pamahalaan. Kaya di dapat maituring ito na sincere o tunay na pagtulong sa nangangailangan, ITO AY SUHOL sa madaling sabi.

Kung bahagi man si Ate Rose ng bagong sibol na Malayang QC, tanungin sana niya sarili niya kung paano matatawag na MALAYA ang taong sisingilin ng UTANG NA LOOB?

Ang pangit naman isipin na ang tingin ni Ate Rose sa mga taga NOVALICHES at mga karatig pook nito eh mga BAYARAN.

Kalimitan, kung anong tingin ng tao sa sarili niya, yun rin ang tingin sa kapwa niya.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.