Aiko Melendez Kakalabanin Si Ate Rose Nono Lin Sa QC 5th District?

Tila bigla-bigla na lang na nag-accounce si Ms. Aiko Melendez na babalik siya sa politika either as a candidate for Councilor or Congresswoman sa District 5. Nagulantang tuloy ang isa pang nag-aambisyon na maging councilor o congresswoman rin na si Ate Grace Nono Lin na mukhang malaki na rin ang naipuhunan sa maagang pangangampanya para sa mga naturang pwesto.

Bagamat matagal-tagal na rin na wala sa politika si Ms. Melendez, malakas pa rin ang recall ng pangalan niya sa usapang politika ng Quezon City. Isa itong three term councilor ng 2nd District ng Quezon City at tumakbo na bilang Vice Mayor na katuwang ni Mike Defensor nuong 2010.

Hindi man siya pinalad na maging Vice Mayor dahil natalo siya ng anak ni dating Mayor Sonny Belmonte na si Joy, eventually naging girlfriend naman siya ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Bilang councilor ng 2nd District ng Quezon City noon, naipagmayabang nito na in her three terms or nine years sa posisyon, DALAWANG multi-purpose hall ayon sa isang dating interview niya sa PEP.

“Ako, maipagmamalaki ko na may proyekto ako. Magugulat kayo na sa liit ng budget ko na yun, may multi-purppose hall ka na dalawa na pinapagawa and to think na ang district ko is the biggest in Quezon City… Hindi naman ako si Superman na magagawa ko lahat ng problema nila. But sa akin, I see to it that I do my job.”

Nasabi niya ito bilang pagsagot sa “biro” ng noo’y kandidato pa lamang sa pagka mayor na si Herbert Bautista. Nasabi diumano ni Herbert na “tamad” at “walang nagawa” si Ms. Melendez.

Hindi lang si Herbert ang pinuntirya ni Ms. Melendez, pati ang anak ni dating mayor Sonny Belmonte na si Joy eh tila nasabuyan rin niya ng maanghang na salita sa interview niya noon sa PEP.

Hindi ikinaila ni Aiko ang kanyang disgusto nang malaman niyang tatakbo bilang running mate ni Bistek si Joy Belmonte-Alimurung.

Ayon kay Aiko, kulang pa sa karanasan ang anak ni Quezon City Mayor Francisco “Sonny” Belmonte, habang siya ay three-term councilor na at kumuha pa ng crash course on Legislation sa University of the Philippines at kung paano maging isang mabuting vice mayor.

“Ako, wala kayong maririnig sa akin na bad about Mayor Belmonte because he has done so much for Quezon City. Siya ang isang rason kung bakit napaangat ang antas ng Quezon City. Tatay ang tingin ko kay Mayor Belmonte. Kaya lang, nung nag-usap nga kami nitong ano, last week, ang sabi niya sa akin, ‘I’m sorry.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Sir, you don’t have to say sorry, Mayor. Kasi alam naman ninyo po na 2003 pa lang tumimbre na ako sa inyo. Sabi ninyo mag-Congress na ako nung nag-aaway kayo ng isang pulitiko. Sabi ko, hindi na. Ibigay ninyo na lang sa iba dahil ang gusto ko po maging vice mayor. Gusto ko po tapusin kasi itong Council.’ It’s legislative ‘yan, e. Yung nagpe-preside ka. Eto yung I love debating. I love questioning…

“Parang nagsabong kaming ‘dalawang’ anak niya. Ang problema lang ang paborito niyang anak si Joy, ako yung ‘anak sa labas.’ So sabi ko, ‘Mayor, with due respect, wala kayong maririnig sa akin na paninira kung ano ang ginawa ninyo. Ang punto ko lang is, ang pinanghahawakan ko is my experience.’

“Si Joy Belmonte-Alimurung, hindi siya tumapak ni sa Council, out of nowhere. It just so happens na anak siya ni Mayor Sonny,” madiing sinabi ni Aiko.

“Hindi lang ako yung accidental candidate na, ‘Ah, anak kita, halika ka, takbo ka dito.’ Tinapos ko ang termino ko, e. At saka tumimbre ako sa inyo na tatakbo akong vice mayor. Nag-take ako ng crash course sa U.P. Pinaghandaan ko lahat ng laban na papasukin ko para kapag may isyu sa akin na ibabato, ready ako.

“That’s why nga I’m insisting si Mrs. Joy Belmonte-Alimurung na sana if she really loves Quezon City and she has truly concern about the city, dapat as early as now, hindi dahil pinatakbo ka ng kung sino or dahil may kadikit ka na malaking pangalan sa likod mo, e, yun ang rason mo sa pagtakbo, mali!

Medyo nagulantang lang ako dun sa sinabi ni Ms. Melendez na waring anak rin siya ni dating Mayor Sonny Belmonte. So… bale ang tawag sa kanya eh “Baby”? Ganon ba?

Hay nakoh Ate Rose Lin, kung si Ms. Melendez nga ang isa sa mga makakatapat mo sa 2022 either sa council o as kandidato sa pagka congresswoman, mukhang kailangan mong kalamayin ng maigi ang loob mo.

Sa tabas pa lang ng pananalita nito na sinasabing WALANG MASAMANG SASABIHIN, panay asido naman ang tumatalsik mula sa bibig.

Kay Ms. Melendez naman, baka akala niyo eh parang dati ang pagtakbo sa posisyon ngayong sobrang tutok ng masa sa social media ngayon. Marami nang magaling mang-ungkat ng mga record ng mga opisyal at marami na rin ang mabilis ang kamay sa pagre-record ng video gamit ang cellphone.

Di po tulad ng dati na hindi pinapansin sa social media ang local government officials. Ngayon po, madali-daling magviral ang mga government officials na tamad o may sungay.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.