Almost kasing tatag ng dolomite sa Manila Bay at kasing bagsik ng mananita powers ni PNP Chief Debold Sinas ang SD Biosensor. Kung baga sa na friendzone na manliligaw o sidechick na clingy, di mawala-wala.
Mantakin niyo, bagsak na sa DOH at RITM… eh pilit pa ring pinapasa.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Mapapansin niyong mainit ang mata ko sa STANDARD Q COVID 19 Antigen Test ng SD Biosensor.
Tama lang ito dahil kailangan bantayan ng maigi ang mga naglipanang kung ano anong COVID-19 testing kits at baka malusutan tayo ng mga palpak, eh siguradong siyento por siyentong maraming mapapahamak.
Itong mga testing kits ng SD Biosensor eh may lamat na matindi ang reputasyon sa US at sa di malamang katuwiran, sobrang pilit na pinapalusot para gamitin sa bansa.
Nakakapagtaka lang dahil BAGSAK ang SD Biosensor sa pagsusuri mismo ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sa isang report na lumabas sa Manila Bulletin, heto ang sinabi:
In a report, the RITM said the antigen test kit only yielded 71 percent sensitivity in its evaluation. WHO recommends a sensitivity rate of not less than 80 percent.
“STANDARD Q COVID-19 Ag Test Kit showed 71.43% sensitivity and 100% specificity among asymptomatic patients as compared to the reference PCR test and 100% specificity among asymptomatic healthy volunteers,” the report read.
Makikita ito mismo sa evaluation report ng RITM.
Kung ganun, ang laking panloloko itong nakalagay sa brochure ng SD Biosensor kung saan sinasabi nilang 96% ang sensitivity ng mga tests nila. Mukhang ang LAKAS makaloko.
Pero kahit na bagsak sa required na 80 percent sensitivity rate, may pumipipilit pa rin na maipasa ito.
Ayon sa FDA ng Pilipinas:
“Antigen Rapid Diagnostic Tests, such as the ones provided by Abbott and SD Biosensor, have been extensively researched, and are widely used and accepted even by the WHO,” said FDA Director General Dr. Eric Domingo.
“The WHO would not approve SD Biosensor in their EUL if the test did not pass their strict standards and guidelines. They approved it based on several validation tests done in different centers. In the Philippines, the 71.43 percent sensitivity estimate of the RITM (with a 95 percent confidence interval of 55.42-84.28) is not significantly different from their 80 percent requirement,” Domingo said.
Source: https://mb.com.ph/2020/10/16/antigen-testing-kits-still-viable-for-use-fda/?fbclid=IwAR35U5QmsNG0ULvHU-U_5D_u3PMfvjMrlAmMJIgwTCzjUj_1eltb8Ei1hzg
Pero parang kalokohan itong pinagsasabi ni Domingo na ang 71 percent eh maituturing na pasado na rin.
Para sa ating mga nag-aral at dumaan sa iskwela, kapag nagkaruon ka ng 74% na marka at 75% ang passing grade… Nangangahulugan na BAGSAK ka.
Nakakalito lang itong pinagsasabi ni Domingo at lalo lang nakapag bigay ng kaba sa mga mamamayan na umaasang walang papalusutin ang FDA na makakapagdulot ng sakit o pinsala sa ating mga mamamayan.
Napakatalim ng mata ng FDA sa iba’t ibang mga bagay, pero dito sa SD Bionsensor na BAGSAK sa 80 percent sensitivity requirement ng RITM.
Dapat siguro dito kay Domingo eh kausapin ang RITM para ibahin nila ang standard nila.
Kayo kaya, kung sabihin ko sa inyo na sa sampung kasama niyo sa jeep o bus eh walo lang ang siguradong walang COVID, sasakay pa rin ba kayo?
Kung ako kayo, malamang hindi at maglalakad na lang ako kung kailangan.
Sa panahon ngayon, dapat maging sensitibo ang mga kawani ng pamahalaan at ILAGAY ANG SARILI sa kinalalagyan ng mga DAPAT PINAGSISILBIHAN NG MAAYOS… ANG MAMAMAYAN.
Okay ba, DOLOMITE?
Writer.
Na Dolomite na ang utak nila, lalo na kung meron : Lagay….
PCR tests are invalid per the inventor, Karry Mullis. Fools.
Kapag ang dolomite natabunan ng basura – madaling linisin
Kapag and mangroove natabunan ng basura – bahala kayong maglinis