Di Balansadong Report ng 24Oras, Dagdag na Pasakit sa Rodriguez Rizal LGU

Bukod sa epektong pandemyang dulot ng COVID19, dumagdag sa kalbaryo ng bayan ng Rodriguez, Rizal ang ilang di balansadong report ng 24 Oras tungkol sa diumanong mga pagkukulang ng LGU sa pamimigay ng ayuda.

Umangal ang isang Facebook page sa di magandang paglalarawan sa pamumuno ng naturang bayan ng Rizal, na isa sa pinakamataas ang population density sa bansa:

napakalaki ng impluwensya ng media noong dalawang (2) beses n dumalaw si Maki Pulido, reporter ng GMA 7 sa Montalban at di nya na-imterview si MAYOR TOM HERNANDEZ.

 

Ang larawang iniwan nya s mga manonood ng 24 Oras ay tila laging wala ang aming mayor.

 

At hindi po yon totoo kasa-kasama namin si Mayor Tom sa mga pamamahagi ng food assistance sa lahat ng brgy.

 

Iba talaga ang layunin ng iba sa mga nag-komento sa pangyayaring ito ang makapanakit lang sa taong kanilang gustong siraan.

 

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Sa report ni Maki Pulido sa 24Oras  di malaman kung sinadyang itinuon lang ang halos kabuuan ng report sa galit at hinagpis ng mga mamamayang nakapila para sa ayuda.

Sa maikling bahagi sa dulo ng naturang report lamang kinabit ang paliwanag na sa 97,000 na households na dapat mabigyan ng ayuda, para sa 38,000 na households lamang ang na-release ng National Government.

At dahil nga hindi sinadya ni Pulido ang Mayor ng Rodriguez na si Tom Hernandez upang ipaliwanag ang sitwasyon sa kanyang bayan, napagmistulang walang ginagawa ang walang ginagawa ang naturang opisyal.

Taliwas ito sa katotohanan kung susuriin ang Facebook page ni Mayor Hernandez kung saan makikita ang halos araw-araw na pagkilos nito upang mahatiran ng ayuda ang mga mamamayan ng Rodriguez.

Hindi ito madaling gawin para sa isang bayan na Rizal kinilalang most densely populated at mayroong 2,439 residents per square kilometer. Bukod diyan, ang bayan na ito ang tumanggap ng halos lahat ng mga informal settlers na ni-resettle mula sa Quezon City sa loob ng mahigit isang dekada.

Kaya hindi malayong nasa Rodriguez din ang isa sa pinakamataas na bilang ng mga households na nangangailangan ng ayuda.

Ang mas delikado pa dito, malamang makalikha ito ng oportunidad upang makapaghikayat ng gulo ang ilang militanteng grupo dahil sa masamang imaheng nilikha ng di-balansadong report ng 24Oras.

Makikita nang tinatadtad na sa Facebook ng sari-saring mura at pang-aalipusta ang Mayor ng Rodriguez, kung saan yung iba dito’y banggit ang masamang pagsasalarawan na katulad ng nasa report ng 24Oras.

Kung makalikha ng gulo ang palyadong pagre-report ng 24Oras, sasagutin ba ng GMA7 ang gastos para sa maaaring masaktan o mamatay?

Maalala natin na sa isang journalist din ng GMA7 na si Arnold Clavio nagmula ang report tungkol sa tambak tambak na patay diumano sa East Avenue Medical Center. Nabato si Clavio ng husto ng kutya mula sa mga netizens kaya napilitang tanggalin ang post niya sa Instagram na nagsilbing mitsa ng galit ng mga taong nagsabing nag-FAKE NEWS si Clavio.

Kung paulit-ulit naman gagawin ni Pulido ang paglimot sa rule of fairness and balance in reporting, baka matulad siya kay Clavio sa mga darating na araw.

5 Replies to “Di Balansadong Report ng 24Oras, Dagdag na Pasakit sa Rodriguez Rizal LGU”

  1. We have a fake VP; we have fake news reporters; we have fake news media network;we have fake bloggers; we have politicians with fake political parties; we have a fake commie ideology that hide their true intentions of being a Mafiosi…everything is fake now….

    It is hard to determine, what is true and what is fake…who are the real and who are the fakes !

  2. Di lang pala ang ABias-CBEnd ang nagpapakalat ng fake news at sensationalized na balita kungdi pati na rin ang GMA! Dapat ikansela na rin ang prankisa nya at madalas ang nakikita natin ngayon na balanseng at transparent na balita ay sa PTV-4 at mga blog sa social media pero sa mainstream media ay puro panloloko lang at binabahiran na ng pera.

    Kaya ayan tuloy, ginawang tanga si Spox Roque sa itinanong ni Joseph “Moron” tungkol sa isyu ng mass testing para sa COVID-19 noong nakaraang linggo. Dapat si RJ Nieto aka Thinking Pinoy na lang ang naging SPox ni Pangulong Duterte at hindi na lang bumalik pa si Harry Roque at sigurado sasagutin niya ng tama agad tungkol sa isyu na yan at pwede niya isagot yung katanungan ni Mr. Moron sa ginawa niyang isang blog sa kanyang FB account at sigurado mananahimik agad ang ogag na reporter na yan: https://www.facebook.com/TheThinkingPinoy/photos/a.568177789995995/1625427987604298/?type=3

    1. Naging tanga talaga si Harry Roque para hayagang akusahan, hiyain at insultuhin sa madlang bayan ang CNN reporter na si Triciah Terada ukol sa isang ulat na hindi niya nagustuhan pero hindi naman pala ito ang sumulat.

      Hindi rin masama na ipagtanggol ang kapwa mamahayag, katulad ng ginawa ni Joseph Morong para kay Binibining Terada, para sa isang bintang na walang basehan at naglalaro lang sa isipan ng isang naging tanga lang na si Roque dahil sa kanyang bibig mismo nanggaling ang mga sinambit na salita na nagdulot ng kalituhan na hindi niya agad naipaliwanag.

  3. Wala akong nakitang bahid ng di-balansadong report ng 24Oras. Hindi ito limitadong nagaganap lamang sa lokal na pamunuan ng Rodriguez Rizal kung di sa iba pang bayan.

    Dapat bang baguhin ang pag-ulat sa tunay na nakikita, naririnig at nagaganap upang maging balansado sa iyong pananaw?

    Maraming paraan at pagkakataon upang ipaliwanag ng Punong Bayan ng Rizal ang kanilang mga programa para rito. Kailangan ba na sa pamamagitan pa ng Facebook magpahayag kung pwede namang magparating ng mesahe para sa mga nasasakupan sa 24Oras na rin mismo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.