Matutulog na lang ako kagabi may nag-message sa aking Facebook page na naka-link dito sa author account ko sa Get Real Philippines. Mukhang may galit sa akin dahil sa naunang blog ko kung saan pinuna ko lang naman ang pagkakulang sa balanse ng report ni Maki Pulido.
Ang sabi ng nag-message mula kay Chris P. Chicken na obvious na fake account (dahil malamang nag-aalangan gamitin ang tutoong mukha at pangalan): “Ikaw pala ang writer ng balanseng article na nato (.) hintayin mo comeback mo sa pagsusulat ng puro maling impormasyon at pagtatanggol ng government ng rodriguez. May diyos at malakas ang karma tandaan mo yan.”
Usually, di ko na binibigyang pansin ang mga ganitong mensahe at komento. Kung sa opinion niya mali ako, okay lang. Opinion niya yun at nire-respeto ko yan. Apir!
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Pero natimbrehan ako ng iba ko pang mga followers at nagsumbong sila sa akin na may nag-share ng blog ko sa isang Facebook group na taga MONTALBAN kami (tMk). (FYI Montalban ang dating pangalan ng bayan ng Rodriguez.)
Sa grupong ito, parang pinutakte ng comments ang blog ko at parang iisa lang ang script ng mga comment: “Hindi nagpapakita si Mayor” or “Wala si Mayor”
Imposible naman na wala si Mayor lagi sa bayan at zero talaga ang ginawa niya sa bayan ng Rodriguez. Kung tutoo man ito, malamang na-report na ito sa DILG at the very least.
Kaya tinignan ko isa-isa ang mga accounts na nag-comment para makilatis kung tutoong mga accounts ba ito na naghahayag lang ng honest opinion.
Kaso yung ilan, ang nakalagay na location tinitirahan eh Manila o Quezon City — akala ko ba taga Montalban sila?
Yung iba naman, mistulang FB account na ginagamit na pang-share ng kung ano anong mga links. Yung iba pa, nitong buwan lang na ito naging aktibo base sa mga public posts. Yung iba pa, halos walang mga pang personal na posts tulad ng makikita kapag New Year o Christmas o kung meron man, wala itong mga reactions o comments ng mga kamag-anak o kaibigan.
May kutob ako na either fake FB account ang mga ito kung hindi mga tutoong FB account na nabili o hiniram para magamit na pang post o pang comment sa mga FB groups.
Ito yung tipo ng mga accounts na ginagamit para makapag kumbinsi ng mga nasa FB group para umayon sa isang pananaw o para i-up ang mga posts para mapansin ng lahat ng nasa grupo.
Di ko inaalis ang posiblidad na mayroon talagang mga tutoong FB account na nadala ng mga negatibong mga comments at nakisali na sa pag-comment ng negatibo laban sa mayor.
In anycase, mukhang ang objective ng mga comments na ito eh masabing di ginagampanan ng Mayor ng Rodriguez ang kanyang tungkulin.
Naisip ko rin na baka ang objective nito eh ilarawan na natutulog sa pansitan si Mayor Tom Hernandez para magalit ng husto ang mga taga Rodriguez, makaabot ito kay Pangulong Duterte at matanggal sa pwesto si Mayor Tom Hernandez.
Bukod diyan, hinala ko na baka parte na ito ng isang operation na ang objective eh guluhin ang bayan ng Rodriguez.
Di malayo itong magamit na oportunidad ng mga pwersang kalaban ng gobyerno na makapaghasik ng lagim, diba?
Sa dami ng mga taong nasa class D at class E sa Rodriguez, madali-dali rin silang mahikayat na mag-alsa at kung ganun ang mangyayari, maaaring humantong sa napaka delikadong sitwasyon na pwedeng pumilay sa National Government.
Kaya ngayon pa lamang dapat na talagang tutukan ng NBI at maging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) itong nangyayaring troll operations na ito sa Rodriguez.
Writer.
OMG, Mr. Paul Farol…you have been blogging and writing blogs, for many years…you know that bloggers don’t use their real names, and show their real faces. They use : pen names; assumed names or fake names,or maybe the names of deceased people… The thing that I wonder is: why did you use your real name, and showed your real face ?
Trolls are parts of the population in blog sites…the NBI, the U.S/F.B.I or any investigating agency cannot stop or catch, any “wise and good troll”. If the troll is dumb, as any YellowTard troll; he/she can be caught and stopped…
If you are subject to “troll attacks”, you must be ready to do your own “defensive and offensive positions”. Be smart, and outsmart any troll…
The Blog sites are like the uncharted territories in the “U.S. WILD WILD WEST”….it is full of bad people of all kinds. You must be ready “to be shot”, and “to shot back in return”….if bloggers , Bash you…Bash them back. Complaining to the N.B.I., is somewhat ridiculous…because, the bloggers who attacked you are : faceless, colorless, nameless people, and people we don’t even know where they are….Hyperspace is like the Outer Space…
So, please stop complaining, this is part of the job of any “good blogger”….to blog with sense; and tell the truth , no matter who get hurt !