Kahina-hinala ang Depensa ni Ariel Inton sa Colorum Ops ng Angkas

Ay sos! Nagpakawala na naman ang Angkas ng attack dog laban sa DOTr at ang siste, itong maling nagawa ng Angkas eh ginagawang tama.

Ngayong umaga lang nakita ko itong Tweet mula sa DWIZ kung saan tinutuligsa ni Attorney Ariel Inton ang DOTr sa pagsita nito sa COLORUM riders ng Angkas.

Ang sabi niya, bakit ngayon lang daw sinita ng DOTr ang Angkas.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

With all due respect Attorney Inton, sa tingin ko parang bale-bale at mapanlinlang ang “reasoning” mo.

Sa sinabi ni Attorney Inton, pilit tayong binabalik sa script ng Angkas na kinakawawa sila at ang mga riders nila ng DOTr.

Hay nakuh! Bumenta na po yan at walang naniwala.

Pero, anyway, ituwid natin ang semplang na statement ni Attorney Ariel Inton…

Unang-una, hindi “ngayon lang” sinisita ang mga colorum na taxi services. Di pa nagsisimula ang DOTr TWG Pilot Testing program para sa mga motorcycle taxi services, eh naninita na ang mga ahensya ng gobyerno ng lahat ng mga colorum na namamasada.

Pangalawa, at para masagot mismo ang tanong mo kung bakit ngayon lang nasita ang Angkas sa mga colorum riders nila, dapat siguro eh kausapin ni Attorney Inton si DOTr Usec. Mark De Leon.

Bakit ba hindi nakita ni Usec. De Leon ang mga colorum operations ng Angkas sa mga lalawigang labas sa pinahintulutang area ng DOTr na Maynila at Cebu City?

Mukhang siya ang may sabit diyan, if ever.

Mahirap maglabas ng suspetsa, pero kahina-hinala na nuong nawala si Usec. De Leon sa DOTR TWG eh siya namang paglabas ng iba’t ibang report tungkol sa mga kalabisan at tahasang pangwawalanghiya ng Angkas sa DOTr.

Attorney Inton, sana si Usec. De Leon ang puntiryahin mo ng husto kung advocate ka nga talaga ng coimmuting public.

Kasi kung hindi, alam na this… Isa na namang PR ploy itong ginawa mo at hindi ito nakakatuwa.

2 Replies to “Kahina-hinala ang Depensa ni Ariel Inton sa Colorum Ops ng Angkas”

  1. as you know this is just a shakedown on the part of civil servants. how much do they want? speaking as a contractor, lgus are the worst

  2. Colorum operations have been with us, ever since….it is because public officials are fond of receiving “grease money” or “lagay” from colorum addicted people…

    Anyway, there are : colurum jeepneys, colorum buses, colorum tricycles, colorum guns, colorum people, colorum police officers, colorum public officials, etc…

    We are a nation of Fakes and colorums…we even have a colorum Fake Vice President, elected by the colorum Hocus Pcos and realized by the colorum Smarswitic !

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.