Angkas Taal Relief Efforts Cover Up Lang Ba Para sa Maaaring P13.5 B na Iligal na Kita?

Grabe ang nangyari sa mga kababayan natin na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Kailangan nila ang lahat ng tulong na maiaabot natin para makabangon sila sa pagkakalugmok at makatawid sa loob ng mga susunod na buwan.

Nakakagaan ng loob makita ang dami ng mga taong nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta. Sabi nga ng ilan, litaw na litaw ang kabayanihan ng mga Pinoy tuwing may sakuna.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Mas tutoo yan malamang sa mga taong nagbibigay dahil sinsero sila at hindi dahil gustong magpakitang tao sa pagbibida nila.

Katulad na lang ng mga politikong hetot at mga kumpanyang nuknukan ng pagkabuwakaw.

Kapag iyan ang mga nagbida ng tulong sa mga biktima ng sakuna, nagmumukha silang mga naghuhugas ng konsensya.

Tulad na lang nitong Angkas.

Itong mga rider ng Angkas mismo, tingin ko naman sinsero sa pagtulong. Pero ang kumpanya nila ang tingin kong may malaking kakulangan at ginagamit lang ang mga riders nila para maitago ang pagkabuwakaw nila.

Di ko alam kung magkano ba ang ginastos MISMO ng mga may-ari ng Angkas para makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng pagsabok ng Taal, pero sa tingin ko kulang pa rin ito.

Bakit ko nasabing kulang? Bakit ko nasabang buwakaw ang mga may ari ng Angkas?

Ganito kasi yan… Nitong nagdaang anim na buwan, nasa 27,000 riders ng Angkas ang namayagpag sa Metro Manila, Metro Cebu at pati na sa ilang siyudad na Mindanao — kahit walang silang permiso mag-operate doon.

Sa tutoo lang, nasa 2,000 lang na Angkas riders ang pinayagan ng DOTr talaga. Ibig sabihin nito, may 25,000 na ILIGAL na Angkas riders ang namasada sa loob ng anim na buwan nuong 2019.

Ang 25,000 na ILIGAL na Angkas riders na kumikita ng hanggang P3,000 kada araw. Ibig sabihin, sa isang araw, ang gross revenue ng Angkas eh nasa P75,000,000 a day at sa loob ng isang buwan, maaaring umabot ang kita nila ng P2,250,000,000.

Sa loob ng anim na buwan na operasyon ng Angkas, P13.5 Billion ang kinita nila sa mga riders nilang hindi nabigyan ng permiso ng DOTr na mamasada!

Alam kaya ito ng BIR? Babayaran ba ng Angkas ng tax sa P13,5 Billion na kinita nila?

Kung hindi, balewala ang pagbibida ng mga riders nila sa paghahatid ng relief goods sa mga biktima ng pagsabog ng Taal.

Harap harapang pagpapakitang tao at pagbabalat kayo lang!

Kung sinsero talaga ang Angkas sa pagtulong sa bansang pinagkakakitaan nila ng bilyon bilyong piso, hindi lang barya baryang donasyon ang dapat nilang ibigay.

Dapat magbayad sila ng tamang buwis para masuportahan ang mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Huwag naman kabig ng kabig Angkas! Huwag subo ng subo ng pera ng malalaki niyong bunganga!

Kasi kung ganyan kayo ng ganyan, kukunin ng DDS si George Royeca at itatapon sa bunganga ng Taal bilang alay.

Hindi na buhay ng birhen ang hinahanap ng bulkang Taal kungdi ang buhay ng mga buwaya, magpagsamantala, at ubod ng tuso tulad ng Angkas.

4 Replies to “Angkas Taal Relief Efforts Cover Up Lang Ba Para sa Maaaring P13.5 B na Iligal na Kita?”

  1. Obvious na bayaran ka ng kalaban ng Angkas. At ang BOBO mo pa mag analisa. At saan mo naman nakuha yung numero na 2000 lang ang pinayagan noong unang 6 na buwan na Pilot Run? Idinamay mo pa mga DDS, eh puro Duterte Supporters ang Angkas Riders.
    Hindi lahat ng Angkas Riders ay kumikita ng 3000, mas marami pa rin ang Part time na Angkas Rider na kumikita lang ng more/less ay 1K lang. At hindi lahat yan ay araw araw nabyahe.
    20% lang ang napupunta sa Angkas Management at 80% sa Angkas Rider. Ano yang sinasabi mo 13.5 Billion na yan? Marunong ka ba talaga sa Math?? O katulad ka rin nung maglulugaw? Ikaw yata kalaban ng DDS eh. Ikaw yata ang dapat sabihan ng GET REAL eh.
    O ayan may konti ka ng impormasyon, kompyutin mo uli kung tatama ka. Ulitin ko lang, ang BOBO mong mag-analyze at sa magcompute sa Math.

    1. Ang lakas mo namang makatawag na bobo. Haha!

      DOTR MISMO ang nagsabi na mahigit 2,000 lamang ang aprubadong riders ng Angkas, pero 27,000 thousand ang namasada. Kungdi ba naman ubod ng siba ang hayup na buwitreng kumpanyang yan.

      “Despite the guidelines set by the TWG for the registration of authorized riders, Angkas has only submitted 2,204 authorized riders as of today, a far cry from its claim of 27,000 rider partners,” according to an open letter to Angkas, posted by the DOTr in its social media Monday night.

      https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/720019/dotr-says-angkas-has-submitted-only-2-204-authorized-riders/story/

      Ibig sabhihin ILIGAL na namasada ang 25,000. Ibig sabihin, kahit PISO ang kita ng isang rider… ILIGAL PA RIN ANG KITANG YAN. Pero sinong TANGA ang maniniwalang PISO lang ang tatanggapin ng isang rider? WALA.

      Pagbibigyan kita sa putong maaaring hindi lahat ng riders eh kumita ng 3,000 pesos. So, I average natin ang 3,000 at yang 1,000 na sinasabi mo. Lalabas diyan eh 2,000.

      P2,000 a day X 25,000 na iligal kamoteng Angkas riders is equal to P50,000,000/day. Times 30 days equals P1,500,000,000. Times 6 months equals P9,000,000 na ILIGAL NA KITA.

      Ang tanong, nagremit ba ang Angkas ng tax para dyan? Haaaa???

      Ako pa tatawagin mong bayaran ungas kamote! Tonto! Hindi ko kailangan ang pera para bistuhin ang maling ginagawa ng Angkas. Duty ko yan bilang isang citizen.

      DDS ang binangga ni Royeca nang mag-rally sya at tawaging KORAP ang administrasyong Duterte komo nabusalan ang malaking bunganga ng kumpanya nyang masiba.

      Malamang ikaw ang bayaran ni Royeca o di kaya ikaw mismo si Royecang na doghouse ng asawang Singaporean.

      1. Napakalinis mo naman sir. Naka pag donate ka ba? Kung oo hindi mo kailangan manilip ng donate ng iba. May karma sau yan paps. Wag masyadong garapal. Dami natulungan ni angkas gaya naming mga biker. Wala k nman naitulong s mamamayan kung mkapagmata ka. Pwe!

        1. Tumulong na po ako sa mga nasalanta ng pagsabog ng Taal.

          PERO HINDI PO AKO TULAD NG MGA EPAL NA KUMPANYANG ANGKAS NA PINANGANGALANDAKAN ang pagtulong sa kapwa.

          HALATANG PAGKITANG TAO LANG ANG GINAGAWA NG KUMPANYANG ANGKAS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.