Binibining Uson,
Congratulations sa iyo, Ms. Uson! Isa ka na ngayong myembro ng MTRCB at mamamahala ng mga palabas dito sa ating bansa. Pag-pasensyahan mo na sana ang pagta-Tagalog ko dahil lumaki ako sa puder ng lolo kong Amerikano kaya hindi talaga ako sanay mag-type sa Tagalog. Bueno, pipilitin kong gawing maiksi at deretso ang mensahe na ito dahil alam ko namang mas gusto mo (at ng mga taga-sunod mo) ang deretsahang pag-uusap. Iyon nga lang, pasensya na lang kung minsan lumilihis ang mga sinasabi ko dahil ganito talaga ako gumawa ng artikulo at maging sa pananalita ko sa tunay na buhay.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Ngayon, sige, magsimula na tayo.
Hayaan mo munang mag-kuwento ako ng konti tungkol sa aking nakaraan at sa aking mismong pagkatao. Oo, tulad ng sinabi ko sa taas, lumaki ako sa puder ng lolo kong Amerikano. Dahil doon, wala akong gaanong alam pag dating sa mga lokal na palabas dito sa Pilipinas. May pagka-conyo tuloy ang dating ko sa ibang tao pero, sa totoo lang, ganoon lang talaga ako pinalaki ng aking lolo. Lumaki ako sa mga palabas tulad ng Duck Tales, Goof Troop, G.I. Joe, Transformers at Robotech at wala akong kaalam-alam pagdating sa mga lokal na palabas tulad ng mga teleserye pero kahit papaano na-appreciate ko rin naman ang mga comedy shows noon tulad ng Ober Da Bakod, Home Along Da Riles at Beh Bote Nga.
Ngayon, punta na tayo sa punto ng lahat ng ito…
Sabi ng dakilang scientist na si Albert Einstein na hindi edukasyon o katalinuhan lamang and batayan ng dunong ng isang tao kundi ang kanilang imahinasyon. Oo, alam kong parang ang baduy pakinggan at alam ko rin na parang sa Spongebob ko lang ito nakuha pero napakatotoo nito. Isipin mo na lang sa kasaysayan na kung hindi dahil sa akda ni Jules Vernes na 20,000 Leagues Under the Sea e wala pa rin mga submarine hanggang ngayon at ang relo na radio ni Dick Tracy ang nagpaisip sa mga scientist na gumawa ng portable communication devices tulad ng mga walkie-talkie at cell phone.
Ang problema kasi sa panahon ngayon, wala ng imahinasyon ang karamihan ng mga Pilipino…
Iyan, sa aking palagay, ang dahilan kung bakit napakatanga at napakabobo na ng ating mga kabataan. Sa nakikita ko kasi, dahil punong-puno na lang ng mga teleserye at walang kakuwenta-kuwentang noontime shows ang mga TV channels ngayon, wala ng ibang pumapasok sa isip ng mga kabataan ngayon kundi kalandian at kabobohan. Sa totoo lang, wala namang masama sa panonood ng mga teleserye at prize-winning show, pero sana naman, dami-damihan nila ang ibang mga show tulad ng comedy, action at horror ang mga palabas sa TV.
Ito lang ha, noong ako’y teenager pa lang at nadidiskubre pa lang ang sining ng pagsusulat, ito ang naririnig ko sinasabi ng mga batang naglalaro sa labas ng bahay ko:
Bata 1: “Dakilang Batzula, alisin ang sumpa kay Zenki!”
Bata 2: “Ako si Zenki! Ang dakilang tagapagbantay!”
Bata 1: “Ganyan nga Zenki! Labanan mo ang halimaw na iyan na nangunguha ng mga bata!”
Bata 2: “Rah! Ibalik mo ang mga bata na kinuha mo sa kanilang mga magulang!”
Ng tumongtong na ako sa edad na bente at natututo na akong bumuo ng sarili kong mga kuwento, ito naman ang mga naririnig ko:
Bata 1: “Ako si Ultraman! Tagapagtanggol ng mga naapi!”
Bata 2: “Naku, Ultraman, iligtas mo kami sa halimaw na wumawasak sa lungsod namin!”
Bata 1: “Halimaw! Huwag mong sirain ang lungsod na iyan! Maraming mga inosente ang nakatira diyan! Hwah! Lalabanan kita kung kinakailangan!”
Ngayong lagpas na ako ng trenta, ito na lang ang naririnig ko:
Bata: “Kunyari ikaw si Don X, ako si Donya Y at siya si Ms. Z at kunwari aagawin ka niya sa akin!” (Pasensya na dahil wala talaga akong pake sa mga tauhan sa mga lokal na palabas dahil parang pare-pareho lang sila kung tutuusin.)
Ngayon alam kong halatang isa akong anime fanatic o “otaku” para sa iyo pero alam ko rin naman na hindi lahat ng mga anime ay puwede sa bata. Sa totoo lang, hindi ko rin naman kasi gusto ang Tenjo Tenge at Air Gear. At fan man ako ng Berserk, masasabi ko rin naman na hindi talaga ito nilikha para sa mga bata. Pero hindi din naman anime ang punto ng mensahe na ito.
Ang punto ko ay ang mga lokal na palabas sa kasalukuyan ang pumatay sa imahinasyon ng mga Pilipino…
Sa totoo lang, meron naman talagang ibubuga ang mga Pilipino sa larangan ng sining at pagiging malikhain. Iyon nga lang kasi, nasasapawan ang lahat ng ito ng mga nakakabwisit na tema at ideya sa mainstream media. Mga komedyang nakakasakit ng damdamin, mga dramang puro pangangaliwa ang nangyayari at mga love story na “moral” kuno pero puro kabastusan naman ang nangyayari.
Tapos, ang masaklap pa, pag meron nakaisip ng bagong ideya ang tanong pa ng mga tao: “Kikita ba iyan?”
Nasabi ko na ito dito sa GRP, pero uulitin ko lang:
Kumakain ako sa isang karinderya ng may marining akong dalawang mag-ina sa likod ko na nag-uusap:
Batang Babae: “Mama, gagawa ako ng babaeng superhero, may kapangyarihan siya ng ipis! May mga patalim siya sa kamay, nakakalipad siya at mahirap siyang patayin! Tatawagin ko siyang ‘Roach Girl’!”
Wow, sabi ko sa isip-isip ko habang sumasakmal sa isang footlong hotdog sandwich. Weird pero parang may dating iyong naisip ng bata. Hindi tulad ng karamihan ng mga mainstream writers and directors na puro panggagaya lang alam.
Ina ng Bata: “Ano ba iyang pinagsasabi mo? Tigil-tigilan mo nga iyan! Mag-isip ka na lang kung paano ka magkakaroon ng guwapo at mayamang boyfriend! Lalo na iyong foreigner!”
Muntik ko ng ibato sa ina ng bata iyong kinakain kong hotdog sandwich. Iyon na lang ba talaga ang naiisip niyang solusyon sa kahirapan? Wala na ba ibang maisip na alternatibo ang ina ng bata kundi i-puta ang sariling anak sa foreigner.
Ewan. Siguro ganoon na lang talaga ang pagiisip ng mga tao ngayon. Sana magawaan pa ng paraan.
Sa totoo lang kasi, maliban sa mga paaralan at mga magulang, kasama ang media sa paghuhubog sa pag-iisip ng mga mamamayan. Kung mababago ang karamihan sa mga palabas ngayon, sa palagay ko kahit papaano magbabago din ang ibang mga pangit na ugali ng mga Pilipino. Iyong iba lang, hindi lahat. Marami pa tayong dapat baguhin para umunlad pero nagbabaka-sakali ako na meron magbabago kung babaguhin ang mga palabas sa TV.
Kung ayaw mo sa anime, okay din naman kung mga educational programs ang ipalit mo tulad ng Sineskwela, Math-tinik at Epol Apple noon.
Ngayon, kung sasagot ka o susunod ka sa mga sinabi ko ay nasa-sa’yo na iyon. Ang hinihiling ko lamang ay basahin mo ito ng buo at pag-isipan mo itong mabuti. Sana rin naintindihan mo ang ibig kong sabihin kahit magulo ito.
Paalam at Magandang Gabi,
Thaddeus Morvacle Grimwald
I HAVE RETURNED TO LAY WASTE TO OUR ENEMIES!
Chair ba o member lang?
board member siya ng MTRCB at kasammang palad hanggang Sept 30 lang siya doon. Pero tignan na natin kung itatalaga ni President Duterte si Mocha Uson sa posisyon ng MTRCB chairwoman at nasa kanya na yan kung gugustuhin niya o kung maganda ang kontribusyon sa kanyang trabaho bilang MTRCB board member.
Anyway, dapat nga kailangan na talaga ng extreme makeover ang ating entertainment industry sa ating bansa. Dapat ibalik ang well balanced programing sa TV sa ating bansa katulad noong dekada 80s at 90s. Nami-miss ko na ang mga shows na galing sa States tulad ng Knight Rider, The A-Team, The X Files, Macgyver, ALF, Murphy Brown, Sienfeld, etc. Pero sa ngayon yun ganyan klaseng foreign shows sa States ay makikita mo na lang sa cable TV o kaya sa Netflix o IFlix at wala sa local TV network natin. And even worse, pinapalabas ang mga Hollywood films na puro Tagalog dubs at sobrang korny to the max!!! >:(
Kasalanan kasi ito ni Sen. Tito Sotto kung bakit nagkaganyan at balita ngayon eh gusto niya magpanukala ng batas na ihiwalay ang mga palabas na indie films sa MMFF at dapat daw may sariling film fest para sa indie films. LOL!!! Mukhang napikon siya kung bakit hindi naisama ang latest sequel ng kanyang kapatid na si Vic Sotto ang Enteng Kabisote. BS talaga siya!!! Haay, at yan ang isang Pinoy na artista at pulitiko na puro pagiisip ng kasikatan, pera at pageepal kaysa sa i-focus na lang niya kung paano i-improve ang Philippine entertainment industry natin at bigyan ng benepisyo ang mga direktor, cameramen, producers, etc., etc. para sa trabaho nila.
And finally, maganda itong ginawa ng topic ni Grimwald at ipakita ko ito sa official website o twitter ni Mocha Uson para basahin niya ito at sana naman magawa niya ito ng tama para sa kapakanan ng ating bansa at sa ating kababahan at hindi sa pangsarili lamang. 😉
Maganda ang write-up na ito, lalung-lalo na ung ukol sa mag-ina.
Naalala ko tuloy ang bangayan ng mga Pinoy comic book community at kay GMA-7 writer Suzette Doctolero. Ah, those were the days…
Salamat sa iyo, Ginoo Thaddeus Grimwald. Wala akong reklamo sa pagkapili kay Mocha Unson sa Movie and Telivision Review Board.
Siya ay bata…at alam niya ang kakulangan sa atin “entertainment world”.
Mag Taglish na lang ako.
Ang atin mga programa sa movies at television, ay kulang ng mga Educational Programs, na magbigay ng mga :knowledge, skills, talents, etc…sa mga nanunuod.
Sana may mga programa sa: history; arts; Science; Technology; agriculture; aqua culture; solar and wind turbine technologies; military science and history; technical programs, like: carpentry, electrical technician’s skills, plumbing, house building , etc..
Those who are interested Arts, may see programs like: painting, tailoring, dressmaking, dress designing, and other arts.
Programs to teach Filipinos foreign languages, like: Arabic, Japanese, Chinese, English, Dutch, French, German, Russian, Spanish, etc…ay kailangan din. Marami ang OFW sa atin…ako ay isa diyan !
Sana Miss Unson, mag-isip isip ka sa kabutihan sa atin mamamayan.
Ibasura ang mga teleseryas; mga walang kwentang comedy shows, at iba pa…
Sir Grimwald:
Hi, isa ako sa tumututok sa inyo sa Get Real Philippines, at gusto kong sabihin sa iyo na maganda yung sulat mo and i was thinking the same like you,…lalo na po sa tulad ko na walang kakayahang magpakabit ng cable tv, wala kaming magagawa kundi panoorin mo na lang yung nasa screen( parang sa pagkain din, yung “kainin mo ang nasa mesa). Kahit nagsasawa ka na o napakapredictable na ng teleserye,nakakainsulto yung mga biro dun sa noontime show, ganun. Walang bago, walang flavor,walang anghang,…kaya alam mo, sir grimwald, halos isinuko ko na ang panonood ng tv…buti pa sa internet, may variety.
Sir, gusto ko ring ipaabot sa inyo ang suggestion ko, sa mga programa. Yung mga teleserye, gawing parang indie films.yung, Ma’ Rosa, On The Job, o kaya Heneral Luna ang peg.yung educational shows naman, gawin nating model ( pero hindi gagayahin!) ang BBC ng Britanya, halimbawa. And sa children’s shows naman, kailangang magkaroon ng hiwalay na channel ( hindi sa cable!) para dito. At higit sa lahat, dapat magtatag ang gobyerno natin ng isang pambansang TV network upang ipantay ang kompetisyon at itaas ang pamantayan batay sa mga simulain ng MTRCB. May hiwalay na channel para sa balita, entertainment, sports,pambata,educational at pangkultura.may hiwalay ring channel ang mga istasyon ng pambansang network sa mga sumusunod: Vigan, Baguio, Tugegarao, Legazpi, Lingayen, Iloilo, Bacolod,Cebu,Tacloban,Catbalogan, Zamboanga, Cotabato, CDO, GenSan, Davao, at Jolo. At ay dapat sumahimpapawid sa ere, hindi sa cable!!!!!!
Sir Grimwald, hanggang dito na lang muna ako. At hello sa inyong lahat.
i agree. but we all knew most media outlet are yellow propagandist blinding the people about the truth. now the youths are all brainwashed. can it be taken out now from their minds? see what’s happening now, resistance is high…bad is good.
If you want to do something that really changes someone’s life, the best thing you can do is make the person you’re trying to help a participant in the process.
May mga okay naman na palabas. Best example encatadia. Ang kailangan talaga bantayan mga talk show (kris, boy abunda, vice ganda) dahil sa ginagawa nila pag sensationalize sa mga bida sa teleserye na lumilikha ng maling pag iidolo. Eto mga talk show ang mga may hidden agenda at nagpapabobo sa masa
Too harsh, Grim. They will still learn. Also I just read ChinoF’s article on inferiority complex, saying bobo at tanga ang kabataan does affect them greatly especially since they’re still in the learning stage.
I’ve no problem with Mocha Uson being a board member of MTRCB. In fact we are in the position to challenge and support her to do better than the past MTRCB officials and members. She has the grit, for one. The problem is how the disenteng crowd judged her at the onset of her appointment. People making an issue out of her appointment saying those people who voted for Duterte wants to be represented by Mocha and the other crowd saying they don’t want to be represented by Mocha Uson because it’s Mocha Uson, the sexy star. It’s more about self-righteousness than making things work for all of us.
Why not let her prove her worth, right? I’m sure everyone wants to be given a chance especially when given the good opportunity.
guys, what can you say about media censorship in our country, especially right now we heard a news that our government is blocking some of porn websites?
I would like to give you a link related to it & I’d read it coming from a famous social activist by the name of Juana Change. This will be a challenge for Mocha Uson who are now working on MTRCB as a board member there & I hope she’ll read this one:
https://www.facebook.com/mae.paner/posts/10154441107356028