Ang Mga Kababaihan, Ang Kagandahan At Kapokpokan Sa Pilipinas

I would like to apologize in advance to our non-Tagalog readers for this latest article. Unfortunately, the matter to be discussed here is very sensitive and I want to be as clear as possible to my countrymen who may want to read this. Secondly, this matter is very personal and, if at all possible, I want to be very intimate with my target audience as they really need to think about this. I hope you understand.

Kamakailan lamang, ako ay napaaway ako sa aking MMORPG gaming community. Lubusang sumama ang loob ko sa pangyayari at muntik na rin umalis sa aming grupo kung hindi lang ako pinaki-usapan ng aming mga guild admins. Nasaktan talaga ako sa mga salitang narinig ko at hanggang ngayon medyo torete pa rin ako sa kung ano ba ang dapat ko na ngayong isipin.

Sa totoo lang, balak ko muna sanang magpahinga sa pagsusulat ng mga artikulo dito sa GRP at namnamin ang aking Pasko. Ngunit sa kasawiang palad, mukhang kailangan ko na namang maglabas ng sama ng loob sa website na ito. Hay, mukha ngang may mga katotohanan na ayaw nating tanggapin kaya masluma-lala ang sitwasyon natin bilang isang bansa.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

kapokpokan

Heto muna ang gulo na nangyari sa aming gaming community na aking isinalin sa Tagalog:

Katatapos lang naming manalo ng isang “castle siege” nang mangyari ang insidente. Ito yung sinusugod niyo ang kastilyo ng mga kalaban para makuha ang bandila nila, parang yung mga bakbakan din na nagaganap noong Panahong Medyibal, yung panahon na may mga kabalyero o knight na patakbo-takbo kung saan-saan, mga mamamana na nagpapaulan ng mga pana sa mga nasabing kabalyero at mga walang kamuwang-muwang na mga kawal na hindi lubos alam ang dapat gawin. Kung naalala niyo pa, nasabi ko na na multi o international ang guild namin at apat lang kaming mga Pilipino ang naglalaro sa ngayon at nagkataon na nag-iisa lang akong Pilipino sa grupo nang mangyari ang insidente. 

Amerikana #1: Yay! Nanalo tayo! Sa wakas, malapit na tayong magkaroon ng sarili nating kastilyo!

Amerikano #1: Tama ka! Pero salamat iyan sa ating teamwork! Kung hindi tayo nagtulong-tulong ay malamang talo na naman tayo!

Amerikana #2: Oo nga, mabuti na lang at may mga magagaling tayong mga “healer” kaya hindi tayo gaanong namatay sa laban na ito! Buti na lang sinama natin si Grimwald para may pang-apat na healer tayo!

Ako: Kayo naman. Siyempre gusto ko rin namang makatulong sa guild natin. Kaya nga ako sumali dito.

Australian: Pero ang galing din ng naiisip natin. Dahil hini-heal ni Grimwald ang mga tatlo nating dedicated healers, nagawa nating tumagal sa mga kalaban kahit mas-marami sila sa atin. Okay ka palang healer Grimwald.

Grimwald: Siyempre, nurse yata ‘to sa tunay na buhay.

Gagong Briton: Meron din naman palang puwedeng ipagmalaki ang mga Pilipino maliban sa mga pokpok niyo.

Amerikano #2: Ano?

Russian: Hmm?

Meksikano: Ano kamo?

Ako: Pare. Hindi ko alam kung ano ang problema mo pero sana huwag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi ako madaling magalit pero sana naman walang ganyang bastusan.

Gagong Briton: At bakit? Ano pa bang puwedeng ipagmalaki ng Pilipinas kundi ang mga pokpok nito. Alam mo bang nagkakandarapat ang mga iba’t-ibang lahi sa Europa at iba pa para makapag-asawa ng mga Pilipina at mukhang handang-handa naman ang mga kababaihan ninyo na tanggapin at pagbigyan sila. Ano pa ba ang ibang puwedeng itawag sa kanila, ha?

Nanahimik ang chat room ng halos tatlong segundo.

Ako: Pare tanggap ko naman na hindi talaga ganoon kayaman at kaunlad ang bansa ko. Pero sana naman piliin mo nang maayos ang mga salitang gagamitin mo. Konting respeto naman sana para sa mga kababaihan.

Amerikana #2: Oo nga, grabe ka naman makapag-bitiw ng salita. Sino ka ba para tawagin silang mga “pokpok”, ha? Nakarating ka na ba sa Pilipinas at anlakas nang loob mong tawaging “pokpok” ang mga kababaihan nila?

Intsik: Oo nga, anyabang mo naman…

Gagong Briton: Oo, nakarating na ako sa Pilipinas at maraming mga babaeng nakilala ko doon ay handang makipag-talik sa kahit sinong maputi na handang magbayad sa kanila ng malaking halaga.

Briton (Scottish): May pagka-gago ka rin ano? Halos lahat naman yata ng bansa e may mga pokpok. Huwag kang magmalinis dahil kahit dito sa UK ay merong mga pokpok. Mukhang nasobrahan ka yata sa pagdo-doggie mo kung sino ka mang hayop ka at nagulo na ng STD yang utak mo.

Gagong Briton: Hay naku! May pokpok man dito sa UK ay panigurado namang masmarami sa Pilipinas. Halos lahat ng babaeng nakita ko doon ay gustong magpagamit sa akin. Handa nilang ibenta sa kahit kaninong dayuhan ang kaluluwa nila basta malaki ang halaga.

Babaeng German: Tumigil ka na nga! Nakakabastos ka na e!

Intsik: Hindi ko alam kung paano mo nasasabi iyang mga ganyang bagay. Napakabastos mo naman palang tao. Wala ka ba talagang respeto para sa kapwa mo?

Russian: Oo nga, napakagago mo namang tao para magsalita ng ganyan. Akala ko noon gago na ako, iyon pala meron pang mas-malala.

Gagong Briton: At bakit naman ako titigil. At para sa kaalaman ninyo, totoo ang lahat ng sinasabi ko. Ang pinakamalaking industriya ng Pilipinas ay ang prostitusyon at gusto nila kadalasan ang mga customer na dayuhan. Sa buong mundo yata ang Pilipinas lang ang tumatawag ng “success story” sa pagaasawa ng mga kababaihan nito sa mga dayuhan. Ano pa bang ibang puwedeng itawag sa kanila kundi mga “pokpok”?

Ako: Puwede ba tumigil ka na. Kung nagpapatawa ka, hindi ka na nakakatawa.

Intsik: Oo nga, tama si Grimwald. Tumigil ka nang loko ka. Nag-asawa lang ng dayuhan, “pokpok” na kaagad?

Briton (Scottish): Pambihira ka naman pala mag-isip. Para sa kaalaman mo, nag-asawa ang isa sa mga kapatid ko nang Koreano, ibig ba sabihin nito ay “pokpok” na siya? Tarantado ka talaga!

Gagong Briton: Hindi ko alam. Pero tignan niyo, pati yung Ms. Universe nila e produkto ng isang pokpok na nag-asawa ng German. Pinagmamalaki pa kamo nila iyan. Pinagmamalaki ng mga Pilipina na mga pokpok silang nag-asawa ng dayuhan.

Umalis ako sa chat room at lumipat sa isang private channel. Habang nire-report ko ang pangyayari sa mga admin at pinag-iisipang umalis, tuloy ang away sa chat.

Amerikano #2: Kung sino ka man, manahimik ka na! Umalis tuloy yung tao dahil sa ‘yo.

Gagong Briton: Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi ko. Magaling lang talaga ang mga Pilipino sa kapokpokan. Tignan mo nga, pinagmamalaki lagi nila ang mga pokpok nila sa mga beauty pageant.

Amerikano #1: Papaano naman naging kapokpokan ang mga beauty pageant?

Gagong Briton: At bakit? Hindi ba’t matatawag mo rin namang pokpok ang babaeng ang tanging katangian lang niya na kaya niyang ibenta ay ang kagandahan niya?

Meksikano: Hayop ka! Alam mo bang kasama ang ate ko sa isang beauty pageant?

Babaeng German: At ang nanay ko naman ay dating sumasali sa mga beauty pageant noong kanyang kabataan!

Bago pa lumaki ang issue ay dumating ang isa sa mga admin na kasama ako. Nag-usap, nagtalo at nagmurahan kami hanggang sa may mga sumisigaw na. Hindi ko na isasama ang mga detalye noon dahil masakit lang sila sa puso’t damdamin ko.

Bueno, tinanggal ang tarantadong Briton sa guild namin makalipas ang ilang oras. Ayaw nga naman ng mga admin sa mga “bully”. Nanghingi din ng dispensa ang aking mga kasama at sinabi sa akin noong isa pang Briton (iyong Scottish) na hindi naman daw lahat ng Briton e ganoon ang tingin sa mga Pilipino at Pilipina.

Pero ngayon, oras na para harapin ang malagim at mapait na katotohanan. Totoo man na mali at bastos yung Gagong Briton sa pagtukoy sa ating lahi, sa palagay ko may mga nakikita siya sa ating bansa na nagbigay sa kanya ng ideya na sabihin ang kanyang mga sinabi. Bastos man ang kanyang mga sinabi at ganap na nakakasira ng araw, naisip ko rin na hindi niya gawa-gawa ang mga sinasabi niya. Mali at malaswa man ang tingin niya sa mga Pilipina, masakit isipin na malamang, ang mga maling ugali din natin ang nagbigay sa kanya ng mga maling saloobin.

Bakit Nga Ba Baliw Na Baliw Tayo Sa Mga Beauty Pageant?

Binanggit na ito ni Binibining Ilda sa aming FB community page pero gusto ko lamang itong ulitin at ipaliwanag. Wala naman talagang masama sa pagiging “maganda” at pagsali sa mga beauty contest, ngunit ang gusto ko sanang itanong, bakit nga ba parang kagandahan na lang ang kaya nating ipagmalaki? Naalala ko lang tuloy yung batang babae sa isang pelikula ni Vice Ganda na hindi ko maalala ang titulo (at sa totoo lang ayaw ko na talagang maalala) na pinagpipilitan na wala nang ibang mas mahalaga kundi ang kagandahan niya. Kung ganito nga naman mag-isip ang tipikal na Pilipino, ano nga ba sa palagay natin ang magiging tingin sa atin ng mga dayuhan.

Malinis man talaga ang mga beauty pageant, huwag sana nating kalimutan na sa bandang huli ang basehan din nito ay sekswalidad. Tignan na lamang natin kung paano paliit ng paliit ang mga two-piece na suot ng mga kalahok dito. Hindi man malaswa ang gusto nilang ipahiwatig at may Question and Answer portion ang mga beauty pageant, hindi natin maitatanggi na bumabagsak lang talaga ang kompetisyon sa kung sino ang pinakamaganda, pinaka-sexy at pinaka-masarap maging asawa. Kaya nga sa bandang huli, parang pagpapakitang gilas lang sa mga kalalakihan ang mga beauty contest.

Sabi nga ni Binibining Ilda, para naman kasing nakaka-insulto na kagandahan na lang talaga ang pagsukat sa galing at katangian ng mga kababaihan ng Pilipinas. Kahit ako, naniniwalang maraming Pilipina na matalino at maparaan sa buhay kahit hindi sila ganoon kaganda. At kung tutoosin din naman kasi, hindi kayang ipaunlad at payamanin ng kagandahan ng isang babae ang buong bansa.

Sa sarili ko namang punto, wala rin naman kasing masama sa pagiging maganda o sexy. Totoo nga naman na bumebenta talaga ang kaseksihan sa panahon ngayon. Kaya nga lang kung puro kaseksihan na lang talaga ang kaya nating ipagmalaki, ano nga naman ang iisipin ng ibang tao tungkol sa atin. Bilang isang halimbawa ng sinasabi ko, tignan niyo na lang ang anime na Witchblade. Isa ito sa mga paborito kong anime dahil meron itong isang kuwento ng isang ina na naghahanap ng paraan para maibigyan ang anak niyang babae ng maganda at masaganang kinabukasan at naalala ko ang sarili kong ina doon sa bidang babae. Ang problema nga lang, dahil masyadong “sexy” ang cover ng anime, iniisip kaagad ng mga tao na ito ay malaswa (kahit hanggang Rated PG lang naman ito) o isa nanamang palabas na “hentai”.

Bakit Nga Ba Natin Sinasamba Ang Katangian Ng Mga Taga-Europa?

Isa pa ito sa mga katanungan na bumabagabag sa aking pag-iisip. Isa rin ito sa hindi lubos maintindihan ng mga ibang mambabasa ng aking mga nakaraang artikulo. Bakit nga ba pag-pinaguusapan ang kagandahan, maging ang konsepto ng kaunlaran, lagi ang mga Taga-Europa at ang kanilang mga katangian ang tanging pumapasok sa kaisipan ng tipikal na Pilipino. Totoo nga ba ang mga sinasabi ni Zaxx sa kanyang artikulo na hanggang ngayon ay bihag pa rin tayo ng mga dayuhan sa ating pag-iisip.

Ang gusto ko sanang sabihin e bakit ganoon na lang ang tingin natin sa mga babae (o minsan maging sa mga lalake) na walang katangian na taga-Europa. Kung hindi sila maputi, matangos ang ilong at unat ang buhok, wala na ba silang karapatan na matawag na “maganda”? Kung sila ba ay medyo tustado ang kutis, hindi katangusan ang ilong at kulot ang buhok, ibig ba sabihin e “pangit” na sila? Naisip ko nga, papaano na lang kung Pilipina si Ms. Miyamoto, iyong Ms. Japan noong Ms. Universe, susuportahan ba natin siya o pagsasabihan ng mga masasakit na salita dahil may katangian siyang pang-Aprikana?

At naisip ko nga rin, bakit nga ba itinuturing natin “success story” ang mga Pilipinang nag-aasawa ng dayuhan? Kung ang isang Pilipino ay nag-asawa ng babaeng dayuhan, matatawag din ba itong success story? Siguro nga lahat ng ito ay may kinalaman sa “Cinderella Mentality”, iyong tipo bang imbes na magsikap tayo sa ating sariling ika-uunlad, naghihintay pa rin tayo ng tapagligtas na aayos sa lahat ng mga problema natin at hindi na tayo kikilos para sa ating sarili.

Hindi ko rin naman sinasabi na masama magkaroon ng katangian ng taga-Europa. Ang sinasabi ko nga lang, sana naman dumating din ang panahon na lahat ng mga Pilipina ay makuhang mahalin ang kanilang sarili kahit hindi sila maputi o matangos ang ilong. Sana naman magkaroon din tayo ng pagmamahal sa sarili nating mga katangian kahit hindi ito mukhang nakuha natin sa mga taga-Europa.

 

 

21 Replies to “Ang Mga Kababaihan, Ang Kagandahan At Kapokpokan Sa Pilipinas”

  1. Hindi tayo baliw sa beauty pageants – we only celebrate beauty through these events. To a woman who has been successful on these contests it can mean a lot of things, morale boost, new career, travel all over the world, meet new people and see other cultures. Sure it feels outdated but no one has forced them to do it. To all feminist who disagree – its bizarre as this contest is a celebration of a woman’s beauty and freedom of choice for these women.

    As for your second question. My answer is all about evolution. This is not just a Filipino thing its the whole of mankind. Ever since we lived in caves certain features has evolved to attact the opposite sex. Blonde hair, blue eyes and fair skin. They have evolved to get the best mate or strongest mate. I am not an expert on this but this is a well known fact. Most of these has occured or concentrated in northern europe.

    So it is normal to be attracted or adore euro type looks but other races has features that can be also very attractive. As for that British tw@t, saan ba kasi sya pumunta sa Pinas? I can go sa local red light district dito sa amin siguro ganun din mangyayari hehe.

  2. Me punto naman yun Gagong Briton. Karamihan naman talaga ng mga Pinoy e sa iba ibang paraan ibinubugaw ang mga anak. Sa dayuhan, mga anak mayaman o ano pa. Kaya nga lahat dito puro showbiz-oriented at puro superpisyal na ganda lang ang investment para makadagit ng kung sino dyan. Aminin na natin, ganun ang lipunan natin sa ngayon. Masakit pero totoo.

  3. In light of his remarks, he’s only as good as what he was getting. Perhaps, he could not find a decent girl because sa totoo lang di niya ka level.
    This link below is somewhat related to that dipshits behavior.

    1. Ughh, can’t seem to paste the link…
      But belowb is a good quote from that blog.

      “You can’t degrade the level of chicks you talk to without degrading yourself.

      You can’t low-rate them without low-rating yourself.

      If that’s all you can get, fine, that’s your life. Don’t act like they’re the only ones in the gutter and you’re looking down from the penthouse, wondering why you can’t score penthouse chicks. (not meaning the magazine, but the living quarters)”

  4. Di mo lang Alam na maraming mga pinoy sa boung mundo ang nagsisikap maging successful.dito kung San ako nariroon tinitingala tau ng mga dayuhan.ang ganyang comento at produkto ng isang taong marami ang insecurity sa buhay.racist.maraming mga pokpok kahit San sa mundo.mababaw lang tingin nila satin.kaya kelangan pang sikapin natin baguhin to.

  5. Ang akin maybahay, ay galing sa Britanya (Welsh). Hindi ko siya pinili, dahil sa “white cover” siya, at matangos ng ilong, at brunette ang buhok. Naging interesado ako sa kanya, dahil sa karunungan niya. Kaiskwela ko siya sa kolehiyo.

    Maganda naman ang ugnayan namin…ang kanyang pamilya, ay tinatangap ako. Hindi lahat ng Briton, ay ganyan kasama ng ugali, Ginoong Grimwald.

    Ang atin “national hero” na si Dr. Jose Rizal, ay mismong nag-asawa ng European, na si: Josephine Bracken. Isang Binibini na galing sa Ireland (British). Hindi ko tinutularan si Dr. Jose Rizal. Dahil ayaw kong mabaril ako sa Luneta.

    Kung ano man ang gusto ng mga Pilipino. Yan ang sundin niya. Tayo ay malaya na bayan. Hindi na tayo sakop ng mga dayuhan. Hindi lahat ng mga kababaihan natin, ay mga “Pokpok”…mayroon siguro ilan, ilan…

  6. Clap Clap!! para sa tagalog article na ito. Matagal na dapat. Halos lahat naman ng mga article dito ay tungkol sa ‘kabobohan’ ng pinoy at kung papano daw nito pinipigilan ang pagunlad ng bansa. Message Sent kumbaga. Wag alalahanin ang mga ingglisero, matatalino na sila.

    1. Masakit sa mata basahin yung tagalog ng article na ‘to. Google Translate ginamit dito? Sana ininggles na lang.

      You tried, but it somehow reminds me of the trying-hard-to-be-poor MARimar.

        1. Practice makes Perfect, dahil walang taong perpekto, maski na si Perfecto at si Perfecta.

          Si Giripat at Si Giripit, naupo sa bintana. Nahulog si Giripat. Sino ang natira?

          Si Giripit!

          Si Giripat at Si Giripit, naupo sa bintana. Nahulog si Giripat. Sino ang natira?

          Sigi Ripit! hehe…

  7. I think your ex guild member makes a good point. There is much truth to his assertions, though painful and offensive to the auditory faculty.

    I have often wondered, myself, why there is so much preoccupation with external beauty in the Philippines. As I’ve responded to your other post, the shallow value and emphasis on the external is indicative of an impoverished spirit and intellect, similar to that of Latin American cultures (e.g., Mexico, Columbia, etc.). The only assets these women possess are their bodies and looks, and using these assets to secure a Caucasian husband, partner or “customer” is, indeed, prostitution, especially in the latter case.

    After living here for seven years, I continue to be appalled and disturbed by the degradation of women’s status and value. In every aspect of culture, whether it be through media, family values, or education, the idea of European facial features is held in high esteem. Even if a woman is a product of a prostitute and sex monger, there is no stigma at all. Filipinos consider the resulting mixed ethnicity product a trophy or type of achievement. Who cares that the child comes from an emotionally and spiritually (and likely intellectually) disadvantaged position. What’s important is that the child has European features and that it is good looking. Even if the father is 75 years old and the mother 18, it’s okay. What does that say about a society that condones and encourages women to pursue Caucasian men for financial gain and to produce mixed-breed children with the hope that one would become a future celebrity or possess a beauty crown and scepter.

    I’d say the average IQ is probably lower than 85, and dumb-downed t.v. programs continue to deteriorate the intellect of the population leading to such empty and shallow ambitions such as securing a Caucasian (or any foreigner with money) and producing “good looking” (European looking) children.

    Just my two cents.

    (I understood your writing, but I am so such more proficient in English when it comes to writing, thus the response in English.)

    1. Actually, it’s only recently and on occasion that I write in Tagalog. To be really honest, Tagalog still needs a decade to a century of evolving before becoming a more efficient language.

      1. Linguists say that so-called peasant languages not used by intellectuals and other specialists will tend to have a vocabulary that makes them inefficient, because the people that use them simply don’t have a need for the complex stuff.

        Tagalog according to Alexander von Humboldt, German linguist, is one of the most sophisticated Malay languages in terms of grammar, but I guess Spanish colonization took its toll on the vocabulary and usage. Romanian was also a “peasant language” when revived in the 19th century, and had to be enriched with French words to be useful. But it is the living language closest to ancient Latin – Dacia or Romania was where they dumped their convicts, a bit like Australia for the English. Re Humboldt and Tagalog, a German source:

        Link

        1. Now why do some of Filipinos use the phrase “NOW NA”?

          I guess because Tagalog has no NOW in the English sense. Ngayon is not an equivalent, it is a broader “now”, showing that Tagalog still is from a land that time forgot, i.e. the barrio. Now if I contrast German today with that of Goethe, or English today with that of Thomas Hardy’s novels, one can see the older usages are much less efficient, pre-industrial.

          What I have observed is that the word “katiwalian” is widely used for corruption in Filipino today, a word many did not even know years ago, reflecting that people now have a sense of what it is. Miss Smilla’s sense of snow, a novel and a movie, are ALSO about the Inuit words for different kinds of snow – things that people can’t name they can’t grasp.

  8. Nakakalungkot man, eh pano kasi, imagine, kahit 80 anyos na light-skin foreigners ay tinitiis kahit 18 anyos na Filipina. Why? Sabihin nating makafeminists na ang nation natin, may misleading concept pa rin, paano’t habang lumalaki ang mga anak, may mga magulang na sadyang pinasubsub lang ng gawaing bahay ang pinagagawa, walang recreational actives na makaenhance o makaexplore sa mga skills, lalo na sa mga babae (kahit sa mga lalaki rin) kaya lumalaking walang alam, kundi ang katawan ang gagawing puhunan para makaakit ng sugar babes. Subtle prostitution is always present. Eh sa tingin ba, may gustong virgin ay dahil yun ang moralidad ng babae,, pero may ibang magulang ay gustuhin yun para sa mga daughters ay para makapili ng pinakahottest at mayaman ang kanilang anak, para maiahon sila imbis na tumayo sa sariling mga paa, ginagawang puhunan. Eh pag di, cheap walang k makapili ng madatung…

  9. and from your story, it’s all too obvious you were not inclined to defend filipinas to that stupid briton because you basically agree with him. ang lakas mong mangbangay ng Pilipino pero hindo mo kayang makipag-palitan sa isang ingles na mahina ang utak? tsk tsk.

    1. Of course, there’s no refuting the truth. Nonetheless, I will not tolerate such rudeness. That is why he is no longer part of our guild as I stated.

      As for why I wasn’t very vocal is because I prefer not to argue with lowlifes. It causes needless stress and I am already stressed-out as it is. Besides, I’ll admit that I’m not very good at impromptu arguing, otherwise I’d have probably have quite a bit to say.

  10. Nagulat ako kasi Tagalog ‘tong article mo. Okay naman. Iba sa nakasanayan. At hindi masamang ulitin mo ‘to pag pakiramdam mo ay kailangan.

    ‘Wag mong pansinin yung nagsabing trying-hard MARimar ‘to. Kung alanganin ang dating ng artikulo mo, isa lamang itong repleksyong hindi na nagagamit nang tama ang wika natin at hindi na rin sanay ang mismong mga Pilipinong magbasa at umunawa ng kahit anong nakalathalang nasa wika natin. Yan ang malungkot na katotohanan.

    Una sa lahat, mahaba ang sagot ko (kasi nagtanong ka, bagaman sinagot mo na rin…), at malamang alam naman na ng lahat ang mga sasabihin ko. Hindi lang natin madalas pag-isipan.

    ‘Yung pagkahumaling ng mga Pinoy sa mga paligsahang pangkagandahan ay sumasalamin sa ilang mga bagay: sa isang bahagi ng kababawan natin; ng kawalang-saysay ng hindi naaangkop na paggamit ng “Pinoy Pride”; ng paghahangad natin sa katiwasayang hindi natin makamit; at ng pagnanasa natin sa kung ano’ng wala tayo, ng kaginhawahan.

    At bilang nabanggit ko na ‘yung paghahangad ng kung ano’ng wala tayo, idurugtong ko na ro’n ‘yung dahilan kung bakit nahuhumaling tayo sa mga lahing mas mapupusyaw ang balat kaysa sa atin, at hindi natatangi ang mga lahing Europeo rito.

    Sa palagay ko, una sa lahat ay gawa ‘yan ng pagkakaalipin ng karamihan sa ating mga ninuno noong nasasakop pa tayo ng mga Kastila. Ipinagduldulan nilang sa ati’ng ang mga kayumanggi o Indio ay mga mangmang, mahihirap at hindi maganda; at ang mga kalahi lamang nila at mga bersyon natin ng “mestizo” ang matalino, mayaman at kaaya-aya sa paningin.

    At sino nga naman ba ang gustong mahanay sa mga mahihirap at pangit? Wala.

    Lumawak pa lalo ang gap na yan nang dumating ang mga Kano. Maraming mga taga-Gapo ang naanakan ng mga puti (aka magaganda/pogi) at may ilang sinwerteng nakatagpo ng inaasam-asam nilang “dollars” at umangat sa buhay.

    Kaya hanggang ngayon, hindi ipinagmamalaki ng mga Pinoy ang sarili nilang kulay.

    Maaari ring dahilan ang isang natatanging aspeto ng pagiging tao natin, ang pagnanais ng “iba” sa kung ano’ng meron tayo. Variety, ‘ika nga.

    Hindi nga ba’t andyan ang katotohanan ng paghahakot ng mga pampaputi ng mga Pinoy habang ang mga taga-kanluran naman ay nagkakandarapang umitim sa mga tanning salon at nag-i-isprey pa ng instant tan sa mga balat nila?

    Ngayon, idugtong naman natin yung kapokpokan. Si kuyang Britong hinayupak ay halatang pokpok ang hanap. Naniniwala akong kung ano’ng hanap mo, yan ang lalapit sa ‘yo. Nguni’t hindi ko rin inaalis ang katotohanang sa mga “dating” site, mga Pinay talaga ang karaniwang naghahanap ng dayuhang asawa.

    Bakit nga ba ganoon? Malungkot ang rason ng maraming mga Pinay na sumasabak sa pagbebenta ng puri nila sa mga dayuhan o pagsasapalaran nilang makipagrelasyon sa kahit lolo na nila: ang posibilidad ng pag-angat mula sa kinasasadlakang kahirapan. Hindi ko sinasabing tama yan, pero yan ang katotohanan. Hindi ko rin nilalahat ang mga nagbabakasakali sa mga ganoong site.

    Hindi nga naman katulad yan ng mga legal na pokpok sa mga kanluraning bansa. (At oo, “pokpok” ang gagamitin kong salita dahil walang tumpak na katumbas yan sa wika natin. At maaaring patunay itong walang mga prostitute sa pre-colonial Philippines.) Marami sa mga nasabing legal na pokpok ay ‘yan talaga ang napiling hanap-buhay, at binubuwisan sila ng pamahalaan nila dyan.

    Karamihan (hindi lahat, ha?) sa mga kamaliang nakita ng dayuhang nabanggit mo sa mga Pinay ay silang mga dayuhan din ang may dala rito sa atin.

    Gawin na nating halimbawa ang dokumentaryong “Walang Rape sa Bontoc.” Walang akmang salita sa wika nila ang “rape” dahil wala ang konseptong ‘yon sa kanila. Kung ayaw sa ‘yo ng nililigawan mo, bakit mo pipilitin? Humanap ka ng iba. Sino ang nagdala ng “rape”? Mga Kano.

    Ganyan din sa wika natin, (at itama nyo ‘ko kung mali ako dahil sa Tagalog lang ako bumabase at baka mayroon nito sa ibang wika sa ibang probinsya at rehiyon natin) wala ring akmang salita para sa “prostitute,” na ang kosepto ay dala rin ng mga kanluraning bansa. Ang “puta” ay Kastila. Ang yupemismo lang na “kalapating mababa ang lipad” ang meron tayo.

    Ngayon, tanggapin nating masakit talagang marinig ang mga sinabi nung hinayupak na Briton dahil may katotohanan naman ang mga yon. Pero sa halip na maglunoy tayo sa kalungkutan, ang dapat nating gawin ay isiping mabuti kung paano natin matutulungang maiba ang persepsyon ng mga Pilipino at Pilipina sa mga sarili natin.

    Hindi madaling gawin ito dahil ang konseptong “maputi=maganda” ay matagal nang nakaukit sa bawa’t isa sa atin.

    Maaari nating simulan sa mga sarili natin at sa mga malapit sa atin.

    Isang halimbawa. Malapit sa equator ang bansa natin, at dahil doon ay kailangan natin ng melanin. Kaya hindi dapat natin tinatangkilik ang pagpapaputi. Kaya kung may mga kakilala kayong nagpapaputi, sabihan nyo’ng mag-sun block na lang kaysa mag-Likas Papaya. 🙂

    Ang mga nasa media, paaralan at simbahan (kahit na nakakairita sila kadalasan) ang may malaking responsibilidad na hubugin ang pag-iisip ng maraming kabataang Pilipino.

    Pero higit sa lahat, mga magulang ang dapat mangunang magpaunawa sa mga anak nilang hindi katumbas ng kaputian ng balat ang kagandahan o katalinuhan.

    Korny, oo, pero ilang pa ba sa mga magulang ngayon ang sumasaway sa mga anak nila pag narinig nilang tinukso ng mga anak nila ang kalaro nila ng “Eh, Negro!” o “Eh, Negra!” Wala na halos. Sumasali pa nga sila sa tawanan eh. Sabay sasabihin nung nanay ng tinuksong ipapa-“Belo” nya yung anak nya paglaki.

    Base ito sa obserbasyon ko sa mga kapit-bahay ko ha?

    Ayan, kaibigan ang mga naisip ko. Hindi ako eksperto o nagmamarunong. Nagbabahagi lang ng mga naiisip ko.

    At sana ay hindi mo isiping mahina ang wika natin dahil may mga hindi tayo maisaling salita. Lahat ng wika ay may saysay, depende lamang ito sa gumagamit at paggamit.

    (Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa ring sabihing “Kapal ng mukha mo!” kaysa sa “You’re shameless.”

  11. Wala kayong paki-alam kung gusto maging pokpok ng mga Filipina.

    Hindi kasalanan ang maging pokpok.

    I do not pity those willing prostitutes, I pity those who are willing to pay for sex. And I pity those who pimp others for self interest and their victims.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.