Mga Ideya Para Sa Mga Bagong Palabas Sa TV

Pasensya na naman po kung nagta-tagalog na naman ako. Meron na naman kasing nangungulit sa akin at nagtatanong kung ano ba talaga ang mga palabas na dapat itaguyod ng ating media. Tinatanong nila kung ano ang puwedeng maging alternatibo sa mga teleserye at mga noon-time show na meron ang Pilipinas. Matagal na akong nagbibigay ng mga ideya pero may nagsabi na dapat ko daw itong i-Tagalog para mas maintindihan ng nakararami.

alternative_television

Lilinawin ko lang na hindi ko pinagbabawalan ang panunood ng teleserye. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may karapatan na panoorin ang gusto nilang panoorin. Ang masaklap kasi, halos lahat na lang ng mga palabas sa TV ay mga teleserye na puno ng kadramahan at kalaswaan o nakakabobobong noon-time show na pinapaasa ang mga tao sa mga bagay na “libre”.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Kaya heto ang mga palabas na, sa opinyon ko, ay puwedeng makatulong sa mamamayang Pilipino:

Mga Palabas Na Edukasyonal (Educational Programs)

Naalala niyo pa ba ang Sineskwela, Bayani (ang totoo, pinagdududahan ko ang palabas na ito dahil parang biased siya pero hind na iyon mahalaga) at Epol Apple? Bakit tila tinanggal na sila sa mga mainstream na channel? Nilipat nga sila sa The Knowledge Channel e ang tanong, sino bang mga nanunood doon?

May narinig pa nga akong nagsabi na masyado daw pambata ang mga nasabing palabas kaya sila tinanggal sa sirkulasyon pero gusto ko sanang sabihin sa nagsabi noon na napaka isip-bata naman niya. Wala ba siyang paki-alam sa susunod na henerasyon? Hindi ba niya na-isip na kung hindi mabibigyan pansin ang mga pag-iisip ng mga bata ay lalaki silang mangmang at walang alam sa buhay?

Kuwentong Ditektib (Detective Stories)

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, mas sikat pa sa South Korea ang mga detective stories kesa sa mga drama nila na gustong-gusto natin. Sabi pa nga sa akin ng isang Koreano na kakilala, trinatrato lang nila ang kanilang mga drama na palabas para sa mga hindi nakapag-tapos ng pag-aaral. Isa pa, isang aspeto lamang ng media ng South Korea ang drama, mas marami pa silang ibang palabas maliban sa drama at ang paborito ng nakakaraming Koreano ay ang mga kuwento ng pulis at mga detektib.

Kutng tutuusin nga naman, masasabi na ang mga kuwentong ditektib ay nakakahasa ng kaalaman ukol sa mga importanteng aspeto ng realidad tulad ng mga krimen, ang pag-iisip ng isang tao at ang mga gawain sa isang pamayanan. Tignan niyo na lang kung paano mahalin ng mga Briton si Sherlock Holmes at popularidad ng tinatawag na Film Noir (mga kuwento ng pulis noong mga 1950’s-1960’s) sa Estados Unidos. Ang mga kuwentong ditektib ay nagtuturo sa nakararami na maging maingat at masuri sa kanilang lipunan. Pinapa-alala din ng mga ito na maraming bagay na hindi mauunawan o maiintindihan sa madaling paraan at kailangan munang suriin ng mabuti.

Matigas Na Sci-Fi (Hard Sci-Fi)

Maraming klase ng science fiction, sa totoo lang. Siguro naman, marami sa inyo ang pamilyar sa mga palabas tulad ng Star Trek at Star Wars. Meron nga din tayong mga lokal na palabas na puwedeng tawagin na science fiction tulad ng Rounin at Batang X.

Ngunit, sa aking palagay, walang mga gaanong pamilyar sa genre na hard sci-fi. Ang hard sci-fi ay mga palabas na science fiction na naayon sa realidad at puwedeng makapagturo ng tamang kaalaman ukol sa agham at paano nito naapektuhan ang mga susunod na henerasyon. Ang mga magandang halimbawa nito ay ang palabas na Firefly na ipinapakita na kahit sa hinaharap ay magiging problema pa rin ang kahirapan at krimen at ang pelikula na Interstellar kung saan ang paglalakbay sa ibang parte ng kalawakan ay puwedeng abuting ng ilang taon at nangangailangan ng maraming gasolina o enerhiya.

Hay… Pasensya na po ulit sa aking pagta-Tagalog…

To all my English-language readers out there:

Don’t worry, this isn’t going to be a trend. I am only doing this per request as I was asked via PM to translate some of my work. My next article will be in English again so just sit tight until I finish it.

 

13 Replies to “Mga Ideya Para Sa Mga Bagong Palabas Sa TV”

  1. “May narinig pa nga akong nagsabi na masyado daw pambata ang mga nasabing palabas kaya sila tinanggal sa sirkulasyon…” – Ang ipinalit nila ay yung palabas na walang ibang tinalakay kung hindi kung ano ang meron sa bida at sa kanyang anak, araw araw mula Lunes hanggang Biernes ng umaga.

    Nakakahinayang na ang haba ng oras sa isang araw inuubos lamang ng mga malalaking himpilan ng TV sa bansa natin ang malaking bahagi nito sa pagpalabas ng mga kwentong paulit-ulit lamang ang tema at ang iba ay di pa nga “original.” Ang masakit nito, ito ay patuloy na tinatangkilik ng maraming Filipino.

    Sa mundo ng negosyo, mayroong tinatawag na “Corporate Social Responsibility”. Ang tanong ko sa mga himpilan ay hindi ba kasama sa kanilang CSR ang magsimulang magpalabas ng mga palatuntunang kaiba sa karaniwan nilang pinapalabas? Ang pakay nito ay para naman mapaglingkuran ang mga ibang manonood na may ibang panlasa? Maaring ito ay magdulot ng kabawasan sa manonood ngunit ito naman ay naaayon sa tinatawag na “responsible broadcasting.” Totoong malamang ay maraming tututol sa una ngunit ito lang naman ay hanggang sa maintindihan na nila na ito din naman ay para sa kanilang ikabubuti.

    Sa huli, dinadalangin ko na sana maisip ng mga may-ari ng mga himpilang ito kasabay na rin ng malaking bahagi ng ating mga kababayan na panahon na para palitan ang mga uri ng palabas sa TV araw-araw.

    Sa mga nangyayari ngayon, palagay ko gising na si Juan dela Cruz, mukhang ayaw lang nya bumangon.

  2. What the Failippines mass media offers is not popular art, but entertainment which is intended to be consumed like food, forgotten, and replaced by a new dish.

  3. Bata pa ako nung napanood ko ng “Star Trek” . Diyan ako naging interesado sa Siyensia at Teknolohia. Kaya nung lumaki ako, yan ang hanapbuhay ko: siyensiya at teknolohia. Naging OFW ako , pagkatapos ng pagaaral ko sa Estados Unidos.

    Maganda ang hanapbuhay ko. At nakamit ko ang gusto ko sa buhay…

    Kaya ang Media ay isa sa mga naghuhubog sa mga isip ng mga kabataan. Pasok ang basura sa ulo nila. Labas ang basura sa lipunan natin…

  4. Isa pang magandang suhestyon ay ang drama ukol sa pulitika at epekto nito sa lipunan. Halimbawa ay ang “House of Cards”, kung saan matututo ang tao kung paano ba naipapasa ang ‘bill’, kung papano mag-isip at gumamit ng impluwensya at kapangyarihan ang isang taong nasa pusisyon, kung ano ba ang epekto ng ‘lobbying’, at iba pa.
    Nang sa gayon mas makapag isip o mabigyan ng kahit kaunting edukasyon ang mga botante dito sa Pilipinas.

    Gusto ko din ibalik ang mga Political Satire katulad ng ‘Sic O Clock News’ at ‘Mongolian Barbecue’

  5. Puro basura at kalaswaan ang pinalalabas, kayo takbo ng utak ng tao, walang maganda na matutunan. ONLY IN THE FAILIPPINES . LOL

  6. naalala ko nung maliit pako eto mga pinpanod at sinusubaybayan ko:

    the incredible hulk
    thundarr the barbarian
    batibot
    airwolf
    blue thunder
    macgyver
    ora engkantada
    tundercats
    silverhawks
    transformers
    sine sa 9
    knight rider
    at marami pa

    ngayon tingnan ninyo ang mga free channel at sabihin ninyong me makikita pa kayong variety ng tulad sa taas. partida wala kaming cable tv nun pero nakakapanod ako at mga kaedad ko ng mga de-kalidad na programa. anyare?

  7. Sir, mga tv series sana na base sa ating mga historical myths and legends. Mula sa lahat ng tribo ng ating kapuluan. Number one na gusto ko maging mahabang serye ay ang Hudhud hi Aliguyon ng mga Ifugao. Ito ay mas makakapagpatibay ng ating kamalayan sa ating mga ninuno at ang ating national identity.

    1. maraming “identity” ang bawat mamamayan ng kapuluan. Ipugao, Igorot, Tagalog, Ilocano, Bisaya, Yakan, Lumad, Maranao, Ilonggo, Negrense, etc.

      Para sa akin, kailangan nating alamin ang kasaysayan ng ating pinagtubuang tribo/etniko. Iyon ang ating “identity”. tulad ko na isang tagalog, hindi ko pwedeng angkinin ang kultura ng ipugao.

  8. During our childhood we had Sesame Street and its Filipino version Batibot (no I am not referring to male masturbation, corrupted minded basterds hehehe).

    I can say, on a personal level, those shows were a big influence for me in jump starting my education. During the mid to late 80’s pre schooling or even kindergarten was not mandatory in our province, when you start education you start Grade 1 agad at ang norm na age ng Grade 1 was 7 years old. Those children shows basically made me able to recite my ABC, read and write basic letters, numbers and shapes well before being enrolled at six years of age.

    Well within the 90’s there were these Math & Science educational programs sponsored by DECS (old DepEd) and DOST aired in PTV 4 during weekends which I liked to watch along with that “Britannica Adventures”

    And furthermore, cartoons back then were ENGLISH DUBBED, seldom you would watch GI Joe, Transformers, He-Man, Centurions, Inhumanoids, Voltron, Voltes V, Sabre Rider, Mighty Orbots etc. in Tagalog (Tagalog lang syempre is yung mga local shows like Batibot) hence I acknowledge also that this had a big impact on my fair command of the English language.

    At around mid 90’s there where ATBP, Mathinik, Sineskwela, Epol Apol and these shows being discussed in the article which were cool, but since I have outgrown the genre did not follow them anymore.

    I am not exactly sure when it started, maybe around the mid to late 90’s around the entry of Latin Telenovelas and Tagalog Dubbed Japanese Animes like “Princess Sarah” and “Dog of Flanders”. Sesame Street slowly went off the local channels, Batibot got a reboot. Imported cartoons began to be more and more “tagalized”.

    And I may add, way back wala ako naalala na popular FM Radio Station sa Metro Manila na tagalog speaking. DWKC (now KC FM), DWLS (now Baranggay LS), Love Radio (still Love Radio), DWRR (now MOR FM), Energy FM had English speaking and smart sounding DJ’s that I find easy to the ears to listen to.

    Putcha, ngayon lahat nalang PURO TAGALOG sa Manila TAPOS KUNG MANALITA PARANG MGA SKWATER AT POKPOK SA KANTO. Kaya pati mga kabataan ngayon halos ganun na din magsalita mga kamote. I remember that by my college days the local FM radio has deteriorated so bad that I was limited to only listening to NU 107, RX 93.1, Magic FM and RJ Radio as my decent local radio stations, now I DON”T LISTEN TO LOCAL FM RADIO STATION AT ALL.

    With that I could say current local mainstream entertainment targeting the younger generationas far as free TV and Radio is concerned has deteriorated to absolute CRAP.

  9. I remember way back in the 2000’s there was this cool mystery/horror series by Erik Matti called “Kagat ng Dilim” aired in IBC 13

    In a time where braindead shows from major networks are dominating primetime weekends, I found that show relatively “Out of the Box” by Juan Tanga’s standards and refreshing.

    It was like some sort of Fictional Documentary-ish show dealing with local mythical creatures and urban legends giving them pseudo-scientific explanations as the story-line progresses.

    I watched only two episodes (One with Robin Padilla, one with G Toengi) and found the episodes engaging.

    Unfortunately the whole thing was cancelled with only two episodes since this was obviously not getting attention to a now already braindead public. Potanginatalaga

    1. Tonyang Muta, Nope, you are wrong. Kagat ng Dilim aired a lot of episodes, and I remember some scenes from a lot of these. Some of the memorable ones were starred by Judy Anne Santos (Bakulaw), Robin Padilla (shit, forgot the title but this episode is one of the best), G Toengi, Maui Taylor (as Star Bituon? from the episode re: Incubuses), shit stuff about UFO, illustrations of the devil, and a funny episode about an immortal whose family wanted to kill him because of his great fortunes, to no avail.

      Damn I miss that show.

  10. Edi wow!

    Gusto tayo ang Bagong Lipunan ni Marcos tungkol kay Orde Baru ni Suharto, tungkol kay Hitler, Stalin at Mussolini lol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.