Kulturang Pinoy: Makalumang Pag-iisip Sa Modernong Mundo

2015 na at ilang buwan na lang ay darating na 2016 na siyang inaasahan ng nakararami na magdadala ng mabuting pagbabago sa ating bansa. Ganoon pa man, pasensya na kung hindi ako gaanong umaasa na darating ang pagbabago na inaasam ng ating mga kababayan dahil sa palagay ko, iilan lang naman talaga ang gustong magbago para sa ikabubuti ng nakararami. Mas marami pa akong kilala na masaya na sa kung anong sitwasyon ang meron tayo ngayon at wala na yatang balak na magbago kahit kasama ang mismong pananaw at pag-uugali nila na tumutulong sa pag-sira ng ating bansa.

philippines_flag

Gusto niyo ba ng mga halimbawa?

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Mas Inuuna Natin Ang Mga Mabababaw Na Pag-Aaway 

Isinama ko na ito sa mga gawa ko sa Ingles pero isasama ko ulit dito para mas maintindihan niyong lahat.

Sa mga Briton, ang pag-aaway sa opisina ay normal at hindi na malaking bagay. Marka ng pagiging “mature” at produktibo para sa mga Briton ang pagtratrabaho at pakikisalamuha kasama ng mga kaaway nila. Ang hindi pagtrabaho o pagsipot sa opisina dahil sa kaaway ay nakikita ng mga Briton na asal ng isang bata.

Sa Pilipinas naman, meron mga tao na halos ayaw ng magtrabaho dahil makakasama nila ang kanilang kaaway. Kung oobserbahan pa natin, kadalasan ang away nila ay umiikot lang sa inggit, pagseselos o paghihiganti, na malamang produkto na naman ng mga paborito nating mga teleserye.

Ang masakit dito, inaasam ng nakararami na magkaisa tayo bilang bansa ngunit halata naman na marami sa atin ay ayaw maki-isa sa mga tamang pagbabago dahil sa mga mabababaw na kadahilanan.

Ang Gusto Natin Ay Amo At Hindi Pinuno Ang Mamamahala Sa Atin

Ang isa pang malaking problema ng bansa na ito ay ang katotohanan na hindi pinuno ang gusto nating mamahala sa Pilipinas kundi isang amo.

Ang pinuno ay kadalasan ay nasa harap o ulo ng samahan o kilusan at nagsisilbing mabuting halimbawa na nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon para sa kanyang mga taga-sunod. Ang amo naman ay sumasakop sa kanyang mga taga-sunod at siya din ang nagdedesisyon sa bawat galaw ng kanyang mga nasasakupan tulad ng kung ano ang puwede nilang kainin at kung kailan sila matutulog.

Bandang huli, tulad ng mga sinabi ko sa mga nakaraan kong inakda, hindi pinuno o “leader” ang gusto ng nakararaming Pilipino kundi amo o “master” dahil sila mismo ay tinatamad mag-isip ng sarili nilang solusyon sa kanilang mga problema.

Takot Tayo Sa Pagbabago

Tulad ng nakasaad sa taas, ang masasabi ko lang ay wala talagang magbabago kung walang gustong magbago. Walang makakatulong sa ating kung tayo mismo ay ayaw tumulong sa ating mga sarili. Hindi tayo makakaahon sa kahirapan kung hindi natin pipilitin ang ating mga sarili na abuting ang magandang kinabukasan na halos nasa harap na natin.

Tulad ng sinabi na Bob Ong, ang problema natin ay kadalasan ang mismong sarili natin at ang baluktot nating pag-iisip. Sa halip na tuluyan na nating maiwan ang mga problema ng nakaraan, marami sa ating hindi ito maiwanan dahil meron itong mga pakinabang at natatakot tayo sa puwedeng mangyari pag nagbago tayo.

8 Replies to “Kulturang Pinoy: Makalumang Pag-iisip Sa Modernong Mundo”

  1. Mas Inuuna Natin Ang Mga Mabababaw Na Pag-Aaway
    The World is bigger than the Western ways.
    Ang Gusto Natin Ay Amo At Hindi Pinuno Ang Mamamahala Sa Atin
    Filipinos do not have slave mentality.
    Takot Tayo Sa Pagbabago
    OFW’s and many hardworking Filipinos exist to change their lives.

    1. If the Filipinos is afraid of change for what reason? The loss of being a true Filipino, of course. Oo nga mga Pinoy ay mga pasaway, bobo, tamad at inutil pero nakakahiya ito sa mga dahuyan kung ito talaga ang ugali at kultura natin. Maybe we should invent a nanochip device and implant into our brain so that could brainwash ourselves to become a better and stronger Filipino citizens. Which inventor will gonna create that? :\

      1. Mind-changing brain implant??? Pare na-imbeto na iyon (Finally) !!! It’s called the Zaxxun Creed (zaxxun.com/creed). You just have to recite it 30-seconds a day for a month, and you’ll find yourself having a “re-programmed mind”. I tried it out myself and my output became so excellent and organized in office that it’s like I’m a totally different person. And if you could see my office desk now – it’s spotless clean !!! Unfortunately, the creed only works on people who can recite it in 30-seconds BLINDFOLDED – that’s the catch.

  2. “… hindi pinuno o “leader” ang gusto ng nakararaming Pilipino kundi amo o “master” dahil sila mismo ay tinatamad mag-isip ng sarili nilang solusyon sa kanilang mga problema.”

    Halimbawa:

    Barangay Captain: Ayon kay Mayor, tayo ay magpapasimula ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa ating barangay. May mga mungkahi ba kayo?

    Mamamayan 1: Di dapat ikaw ang nagiisip ng solusyon? Ikaw ang kapitan e?

    Barangay Captain: O sige, ako na kung ako. Simula bukas, Lunes, mga nabubulok lang na basura ang kukunin ng truck. Sa Martes ang hindi nabubulok. Pagkatapos salitan ito.

    Mamamayan 1: E kung di pa kami nakakapaghiwa-hiwalay? Puedeng sa sunod na linggo na lang ang simula.

    Barangay Captain: ‘wag ako ang tanungin nyo. Tanungin nyo si Mayor kasi sya may sabi nito. Nasunod lang ako sa kanya.

    Mamamayan 2: E saan ako kukuha ng lalagyan para paghiwa-hiwalayin ang basura.

    Barangay Captain: E di bumili kayo ng garbage bag.

    Mamamayan 2: Naku! Gagastos pa pala ako dahil sa basura ko. Puede bang ‘wag na lang gawin yan?

    Mamamayan 3: Di nyo ba naiintindihan ang magandang maidudulot nito? Di ba sa pamamagitan nyan e puede nating makita kung alin sa mga basura natin ang puede nating mapakinabangan? Bukod dyan ito ay ayon RA 9003.

    Barangay Captain: Tama sya. Ito ay ayon sa RE 9003. Matutuwa si Mayor pagsumunod tayo.

    Mamamayan 2: E nung di tayo naghihiwa-hiwalay ng basura wala namang problema noon a.

    Mamamayan 3: ‘di nyo ba napansin na yung basura na nagpabaha sa kabilang barangay e galing sa atin?

    Mamamayan 1: Problema nila yun!

    Barangay Captain: Wag ka magalala iho, naiparating na yan kay mayor.

    Mamamayan 3: Anong sabi ‘ho nya?

    Barangay Captain: Ha? Ano e, kwan. Yung kapitan ng kabilang barangay ang kausap sabi gagawan daw ng paraan.

    Mamamayan 3: Anong paraan?

    Barangay Captain: Magko-coordinate daw sila sa PENRO, saka parang sa DPWH na rin.

    Mamamayan 3: Kelan daw yun? Saka anong hakbang ang gagawin?

    Barangay Captain: Basta sila na lang daw maguusap-usap. Di pa rin kasi sinasabihan si mayor e. Hamo’t pagnagkita kami ni mayor, tatanungin ko sya.

    Mamamayan 1: Ay hayaan na natin sila. Problema nila yan. Manonood pa ako ng tele-serye ‘no.

    Barangay Captain: O anong napagkasunduan natin?

    Mamamayan 1: Ay bahala ka Cap. Gusto mo ikaw magsalansan ng mga basura namin. Ikaw naman nakaisip.

    Mamamayan 2: Sorry Cap wala naman ako mahihita dyan e. Buti pa sumali ako sa Kwarta o Kahon. Kikita pa ako. Kung di kukunin yung basura ko, itatapon ko na lang ‘to sa kabilang barangay.

    (Actually the role play I wrote above was inspired from an actual barangay meeting I sat on a few years ago. I am not resident there nor did I participated in the meeting. I just sat and watch hoping that I could witness something better. It’s not in Metro Manila. I exaggerated a few lines to emphasize how dysfunctional a citizen meeting like this could get.)

    1. The meeting you heard, was that really true? They lack to think of themselves due to lack of imagination and resources.

      1. Yes. I was assigned in that province a few years ago. It was a weekday and I had no work so I decided to walk around, get to know the place and I happen to catch that event from the start (lucky me).

        Of course, there were more than 4 people including the barangay captain. If I remember it right there were around 10 to 15 which I’m pretty sure is not the whole population of that community. Some of them are outside the venue like they’re having their own discussion different from the issue.

        It was a short meeting and everyone was like shouting and arguing and apparently they have little respect for their bgy captain. I can tell they never reached a consensus that day. I can’t say if they met another time because I didn’t return and I didn’t ask anymore. I don’t want to know anyway.

  3. Mahirap magbago, kung ang tao mismo ay ayaw magbago.
    Sinakop tayo ng mga Kastila. Sa loob ng 300 taon; sila ang mga Amo natin. Hinahanap pa natin ang mga Amo natin, hanggan ngayon.

    Ang mga KURAKOT na Pulitiko, ay silang pumalit sa mga amo natin mga Kastila. Ang mga Kastila na namuno sa atin ay mga krinimal: magnanakaw, mamamatay tao, masasamang tao, at iba pa.
    Kaya kung gusto natin magbago; umpisahan sa sarili natin pagkatao..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.