Kristiyano Ba Talaga Tayong Mga Pilipino?

Linggo ngayon mga mahal kong kababayan at feel kong manermon. Oo, alam kong hindi ako pari o pastor pero nakasulat din naman sa Bibliya na hindi mo rin naman kailangan ng basbas ng kahit anong simbahan para mangaral ukol sa mga salita ng Diyos. Basta buo ang pananampalataya mo at bukal sa loob mo ang pagturo ng mabuting aral sa kapwa mo ay puwede mong bigyan ng magandang pangaral ang mga tao sa paligid mo. Wala na akong paki-alam kung hindi kayo maniniwala sa aking dahil karapatan niyo iyan. Pero, huwag niyo akong pipigilan dahil kayo na rin naman ang nagsabi na “walang basagan ng trip” at trip ko ngayong mangaral.

Ang artikulo na ito ay kasagutan sa mga commenter na nagtatanong kung may Diyos ba akong sinasamba. Puwes, sana nasagot ko ang mga katanungan ninyo at sana maunawaan niyo ang aking mga pinupunto. Ayan nga, nagta-Tagalog na ako para mas lalo niyong maintindihan ang mga sinasabi ko. Para hindi niyo sinasabi na dayuhan ako at hindi ko kayo maintindihan o elitista ako na walang paki-alam sa mga taong hindi makaintindi ng Ingles.

christianity_philippines

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

O sige, tahimik na, magsisimula na ako…

Matagal na nating pinagmamalaki na tayo ang nag-iisang Kristiyano o Katolikong bansa dito sa Silangnang Asya. Madalas natin itong sabihin lalo na pag may mga dayuhan na nagtatanong sa atin kung ano ba ang meron tayo. Ngunit hindi ko rin maiwasang isipin: “Mga Kristiyano nga ba talaga tayo?” “Sinusunod ba talaga natin ang mga aral ni Kristo?” “Naiintindihan at isina-sabuhay ba talaga natin ang mga aral na naka-saad sa Bibliya?”

Kung sa bagay wala naman talaga akong karapatan na manghusga ninuman. Isa rin naman akong hamak na mortal na makasalanan at balang-araw ay malalagutan din ng hininga. Ngunit, sa ngayon, marami na kasi akong nakikitang mali sa ating lipunan na dapat na talagang itama o kahit man lang mapuna dahil sa tingin ko ay masama na ito sa paningin ng ating Panginoon.

Ito ang mga tatlong bagay na napapansin ko sa ating lipunan na sa tingin ko ay kumokontra sa ideya na tayo ay mga Kristiyano…

Sinasamba Natin Ang Mga Celebrity

Sabi nga sa Sampung Utos: “Wala Kayong Ibang Sasambahin Maliban Sa Akin.”

“Pero, humahanga lang naman kami! Hindi naman namin sila sinasamba!” Iyan siguro ang isasagot ng nakararami sa inyo.

Puwes, handa kong sabihin sa inyo na mali ang intindi niyo sa salitang “paghanga”!

Heto ang tunay na halimbawa ng salitang “paghanga”:

“Wow, ang cool naman ni Bob Ong! Gusto kong maging katulad niya! Gusto kong gayahin ang istilo niya nang pagsusulat! Bukod sa lahat, naniniwala ako sa gusto niyang mangyari sa bansa at kahit ako ay dapat magsikap para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino!”

Heto naman ang “pagsamba” na sa tingin ko ginagawa ng nakararaming Pilipino:

“Wow, nakakakilig naman ang tambalang Kathniel! kahit saan sila magpunta, pupunta rin ako doon kahit napakalayo pa nito! Handa kung bilihin lahat ng produktong ine-endorso nila kahit pera ni mama ang ginagamit ko at halos wala na kaming pambili ng pagkain! Basta para sa akin, laging tama at laging cool ang tambalang Kathniel kahit ano pang sabihin ng iba diyan at handa akong masaktan at manakit ng iba para lang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa! Handa ko rin silang ibotong president at vice president ng Pilipinas kahit wala silang kaalam-alam sa pagpapatakbo ng isang bansa!”

Handa kong aminin sa inyong lahat na meron din akong mga hinahangaan katulad ni Ronda Rousey. Pero hindi lang umiikot ang buhay ko sa kanya dahil sa palagay ko wala rin naman siya sigurong paki-alam sa akin. May buhay ako sa labas ng paghanga ko kay Ronda Rousey.

At kahit hinahangaan ko si Ronda Rousey, hindi ko pa rin siya puwedeng tawagin na perpektong babae. Magaling siyang makipag-laban tulad din ni Manny Pacquiao pagdating sa boxing at sa tingin ko siya ay isang napaka-gandang babae. Pero hanggang doon lang ang paghanga ko sa kanya dahil sa aking palagay, hindi naman siya siguro marunong tumugtog ng violin o hindi niya siguro kayang itula ang mga akda ni Edgar Alan Poe.

Pero nakakagulat din na dahil lang “sikat” ang isang aktor o aktress, parang napaka-talentado na nila. May mga “singer” na hindi marunong kumanta, mga “dancer” na hindi naman marunong sumaway at, pinaka-masaklap, mga actor o actress na hindi naman talaga marunong umarte at panay pagpapacute lang ang alam.

Mga Patago Tayong Mga Sadista

Naalala niyo pa ba ang mga sinabi ko tungkol kay Vice Ganda?

Bakit nga ba nakakatawa para sa atin ang panlalait at pananakit? Hindi ba sinabi din ni Kristo na dapat nating mahalin ang isa’t isa? Mahirap man mahalin ang mga kaaway natin, bakit hindi na lang natin sila respetuhin bilang mga kapwa tao?

Bakit kinakailangan pa natin makakita nang taong sawing-palad para matawa tayo? Marami namang ibang paraan ng pagpapatawa, hindi ba? Hindi ba dapat naawa at nalulungkot tayo pag nakakakita tayo ng mga kinakawawa?

Nasaan ang pagmamahal natin sa kapwa kung nakakatawa para sa atin ang panlalait, pamamahiya at pananakit ng damdamin?

Ito ang gusto kong itanong sa mga taong tumatawa pa pag nakikita nilang may pinapahiya o ginagawang katawa-tawa sa telebisyon. Basta ako, ayokong mapahiya o masaktan. Siguro, okay din sa karamihan sa inyo kung kayo o ang mga anak niyo ay lalaitin at ipapahiya sa harap ng napakaraming tao.

Masyado Tayong Arogante

Napansin ko din na bakit parang galit na galit tayo pag pinupuna tayo ng mga dayuhan pero anggaling-galing natin manlait ng ibang lahi lalo na sa mga hindi kaputian. Ang masaklap pa diyan, marami sa atin ang hindi kayang tumanggap sa sarili nating mga pagkakamali. Hindi na natin maitatanggi na meron talaga sa atin na kailanman hindi marunong magpakumbaba at manghingi ng tawad.

Nakasulat sa Bibliya pa mismo na ang pagpapakumbaba ay susi sa kaligtasan. Dahil sa pagpapakumbaba, nalalaman natin kung saan tayo nagkakamali at kung paano natin malulutas ang mga problema natin. Gamit ang pagpapakumbaba, nalalaman natin ang sarili nating mga kahinaan at ang mga pagkukulang natin sa ating kapwa. Hangga’t hindi natin nalalaman ang ibig sabihin ng tunay na pagpapakumbaba, hindi na rin natin mahaharap at malulutas ang mga suliranin sa buhay natin.

***

Sige, sige. Tapos na ang pagsesermon.

Umayo kayo at mamuhay ng responsable!

 

[Photo courtesy NDTV.com.]

11 Replies to “Kristiyano Ba Talaga Tayong Mga Pilipino?”

  1. Amen…Amen…Padre Thaddeus Grimwald. Tayong mga Pilipino, ay Kristiyano lang sa Araw ng Linggo. Sa ibat araw; Lunes hanggang Sabado. Hindi na tayo Kristiyano. Mga swapang na tao na tayo.

    Kung Kristiyano tayo, dapat natin sundin ang mga aral ni Hesu Kristo. Huwag magnakaw. Huwag kang pumatay. Huway kang mangaliwa. Huwag maraming asawa. Huwag mong pagnasaan ng ari-arian ng iyong kapwa.

    Ang mga namumuno natin, ay silang unang hindi sumusunod, sa mga aral ni Hesu Kristo.

    Kristiyano tayo sa pangalan; pero sa gawa, hindi…

  2. OK, we get it, your sick of Westerner’s who can’t read/write Taglog/Cebuano. Next time you speak/write english and fuck it up…watch out !!! you will be grilled on it.
    IDK, maybe Westerners do not belong here anyway. The Philippines is completely fucked, maybe best left to Filipino’s to figure out what the way forward is.
    Question: Can/Do citizens own tanks?

    1. Nah, this is just for those so-called “Christians” in the Philippines who like to bash other people they don’t like with their religion.

      I wrote it in Tagalog because I ran into a bunch of the SOBs the other day. They keep saying that “other countries like Korea deserve their fate because they’re not Christians like us”. I wrote it in Tagalog to make it feel personal.

      The point of the article is: Religion is NOT for bashing people you don’t like nor is it some kind of award that gets you special treatment.

      1. A Muslim friend of mine mentioned a verse that states that one should not assert superiority over the other, so yes, just because you’re Christian doesn’t entitle you to bash at people or use the Gospel to further your bigotry. You’d be no better off than a typical Pharisee with such behaviour.

  3. OO…Huwag kang kumaliwa…o makiapid sa hindi mo asawa. Maraming mga pinuno natin ay maraming asawa. Kay mapilitan magnakaw sila, parang buhayin ng maraming pamilya nila…Pulis, matataas na opisyal sa gobierno, pulitiko… ganyan din…maraming asawa..

    1. Gusto nyo malaman, Grimwald at Hayden, ang typical Kristianong Pinoy? Here are some classics:
      Episode 1:
      Interviewer: Bakit, Imam, kayong mga Muslim pwede lang sa apat na asawa. Payag na rin lang naman kayo sa polygamy, at hindi monogamy, bakit hindi kayo pumayag sa lima, o anim, or more?
      Imam: Nagbibiro ka ata. Kapag lagpas na sa apat asawa namin, hindi na Muslim ang tawag sa amin pag nangyari yun. Hindi ba Filipinong Katoliko na ang tawag sa amin kapag lima na asawa?
      Episode 2:
      Babae: Bilisan mo, honey, late na tayo sa misa.
      Lalake: Ma-una na kayo, sweetheart, at meron akong importanteng appointment. Hayaan mo na lang akong maka-usap si Kristo sa aking munting pamamaraan.
      Babae: Ay naku, kalimutan mo na yang appointment na yan. Kakilala ko yan kristong sinasabi mo. Yan yun Kristo sa sabongan. May mga pa-munting pamamaraan ka pa dyan, ha!!!.
      Episode 3:
      May dumaan na babaeng sexy.
      Boy1: oh wow. Ayaw ko, Lord. Please Lord, close my eyes.
      Boy2: oh yes. Gusto ko, Lord. Please Lord, close your eyes..

  4. To the foreigners, sorry about the language barrier. I think GRP should be read and actively participated by foreigners from the first world, as they will help open up the eyes of Filipinos blinded by their twisted reasoning.

    I did a quick google translate of a section of this article. it goes: “What we proud that we are a single Christian or Catholic country in Asia. We often say it is particularly foreigners asking us what do we do. But I also do not help thinking: “Christians who we really are?” “Do we really follow the teachings of Christ?” “I understand and pondered, we really APPLICATIONS lessons that are promised in the Bible?” Hope that helps.

    I’m Filipino, but somehow since grade school I had struggled to read Tagalog with all those repeating syllables, and it’s so inefficient, like: “by” is translated “sa pamamamagitan ng” – what a chore! I think the only thing Filipinos are efficient at is making babies. Not something to be proud of. I was reflecting on what I (being in the technology field) can be proud of as a Filipino and did a search for “machine made in philippines” in google. The top result was: RECONDITION HOLLOW BLOCK MAKING MACHINE JAPANESE MADE IN PHILIPPINES. turns out to be made in Japan !!!

    back to the topic: Yes Filipinos are majority Christian in name. I agree. And God says: “My name is blasphemed among the nations because of you”. Prepare for judgement day – no wonder we get 20x more calamities and typhoons than any other nation in Asia.

  5. Paumanhin ngunit mas gusto ko sabihin ang aking pag-ayon sa panulat sa itaas sa salitang English.

    Are we truly Christians? Good question.

    We have always been praying and continuously praying led by the most respected religious leaders both in the country and abroad (Pat Robertson, Pope Francis and others). The Bible (since we are predominantly Christian, hence my reference) explicitly described God as approachable, responsive, lover of justice, and all other good things. And he is a hearer of prayers, by the way. How come we are still in a state that we don’t like? Perhaps we should begin questioning our methods of worship. “Am I praying the right way?” “Am I still pleasing God with the way I pray or the way I live my life after worshipping him?” It could be that God doesn’t hear our prayers since it is not founded on good, we are praying the wrong way or for the wrong reasons.

    Example: From the book “Pagbabagong Loob: Reseta sa Krisis” by Ed Lapiz(1), he said about “Pray for genuine and God-appointed leaders”

    “Jeremiah 7:16 – So do not pray for this people nor any plea or petition for them; do not plead with me, for I will not listen to you.”

    “Jeremiah 14:11-12 – Then the Lord said to me, ‘Do not pray for the well being of these people. Although they fast, I will not listen to their cry; though they offer burnt offerings and grain offerings, I will not accept them. Instead, I will destroy them with the sword, famine and plague.”

    “Ang sabi ng Dios sa propeta, ‘Hoy, hoy hoy, huwag mong maipapanalangin sa akin ang mga taong ito, ha? Huwag kang makikiusap para sa kanila. Huwag kang mamamagitan. Hindi kita pakikinggan.’ Hindi komo ipinapanalangin ay natutuwa ang Dios. ‘Ano ang ipinapanalangin mo eh nakita mong mali-mali ang ginagawa nila? Gusto mo i-bless ko, gusto mo i-prosper ko? Eh di lalong lumakas ang loob nyan na sabihing tama pala sila dahil bini-bless. Ibabagsak ko yang mga yan; wawasakin ko sila. Yun ang gagawin ko sa kanila. Kaya huwag mong ipapanalangin sa akin,’sabi ng Dios.”

    How do you think God would feel if the prayer is about passing an exam if the week before it was spent on partying?

    How do you think God would take an offering if the money used to buy it were from plundered public funds?

    How do you think God would feel if an aspiring politician prays for the death (regardless how) of his opponent so he could be win by default?

    HOW DO YOU THINK GOD FEELS EVERY TIME AN ABLE-BODIED PERSON CONTINUOUSLY PRAYING THAT HE BE ALLOWED TO WIN THE LOTTERY BUT REFUSES TO LOOK FOR A JOB?

    Perhaps we should review our means and reasons of worshipping and praying to God. Maybe we are not “Christians” enough any more. Let’s adjust a little and perhaps we could get a different response.

    On the subject of “Masyado Tayong Arogante”

    I remember when I was working abroad, most of the Filipinos I was working with use to mock the expatriates from India. It’s because they said they’re stupid at work, under-qualified, inexperienced, and to top it all-they stink (My apologies. Just stating what I heard and observed then). But you know what, here are the questions: Between India and the Philippines -(a) who has nuclear weapons? (b) who is more war-capable? (c) who has sent a rocket on the Moon or at least in space? (d) who is planning to buy military equipment to who?

    Footnote:

    (1) Pagbabagong-loob: Reseta sa Krisis, by Ed Lapiz, 2004, p. 34-35

  6. Ang problema ko sa mga Katoliko ay ang pagiging ipokrito ng karamihan sa kanila. Una at pinakaimportante sa lahat, sinasamba nila ang isang taong babae at ang mga Santo, Santa at ang masama pa nito ay dito pa sila nagdadasal, Akala ko ba iisa lng ang Diyos nila ngunit bakit kailangan pa silang magdasal para humingi ng grasya o kaya ng himala sa mga imahe na luwad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.