Ang Kakulangan ng Respeto sa Lipunang Pilipino

This is a translation and expansion of this previous article

Hindi na talaga kagulat-gulat kung maraming ibang lahi na walang respeto para sa mga Pilipino. Kung hindi ninyo nakakalimutan, sa bansa ng Greece, ang tingin lang sa atin nila doon ay mga katulong tayo. Hindi rin natin maitatanggi na merong mga bansa na ang tingin lang sa mga Pilipino ay mga pok-pok. Ngunit kung iisipin nating mabuti, ang puno’t dulo rin kung bakit tayo binabastos ng mga dayuhan ay dahil tila hindi rin natin alam kung paano gamitin ang salitang “respeto” sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

respect_filipinos

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Kung hindi kayo naniniwala, heto ang mga magagandang halimbawa ng aking mga sinasabi:

Wala Tayong Respeto Para Sa Ating Mga Batas

Ngayon, puwede ko rin namang aminin sa sarili ko na hindi ko gusto ang batas ng ating lipunan. Sa katunayan nga, isa ako sa mga matitinding kaaway ng ating kasalakuyang konstitusyon at administrasyon. Ngunit, sa bandang huli ay nirerespeto ko pa rin sila bilang mga institusyon ng ating bansa. Tandaan, ang mga batas ang bumubuklod at nagbibigay ng kaayusan sa isang bansa kaya dapat pa rin tayong magpasalamat na meron tayong mga batas na prumo-protekta sa ating lipunan.

Kaso nga lang, hindi kasi nirerespeto ang mismo nating mga batas…

Ilang dekada na rin ang nakalilipas mula ng tayo ay “palayain” noong 1986. Ang tanong nga lang, alam ba talaga natin ang ibig sabihin ng mga salitang “demokrasya” at “kalayaan”? Naiintindihan ba natin ang responsibilidad na ka-akibat ng pagiging malaya?

Sa palagay ko, ang sagot ng nakararami ay hindi.

Bakit kamo?

Kasi, kadalasan, ang ibig sabihin ng kalayaan sa nakararaming Pilipino ay puwede nilang gawin ang kahit anong gusto nilang gawin kahit makakasakit ng kapwa o makakasira ng lipunan ang gusto nilang mangyari.

Kasama na dito ang pagbalewala ng mga nagmamaneho ng sasakyan sa mga batas pangkalsada. Kaya tuloy halos araw-araw may nababalitaan kang naaksidente o nadidisgrasya dahil wala talagang paki-alam ang mga driver sa kanilang mga ginagawa. May mga hindi na marunong gumamit ng turn signal o brake lights dahil wala rin naman silang paki-alam sa kapwa nilang nagmamaneho at mga naglalakad. Basta maipasada at maipagmalaki nila ang sasakyan nila, masaya na sila kahit ilang nakakaawang askal at matatandang babae na ang nasasagasaan nila. Basta makakuha lang ng pasahero ang mga nagmamaneho ng mga sasakyang pampubliko, hindi na baleng nagdudulot sila ng matinding trapik sa kalsada at nakakaperwisyo sa iba pang mga driver.

Isa na rin dito ang tila walang pakundangang pag-ihi ng mga kalalakihang Pilipino sa kahit saang lugar nila gusto. Naiintindihan ko rin naman na mahirap magpigil. Lalaki din naman ako. Kaso lang, ilugar niyo naman sana ang gusto niyong gawin. Kung nasa gubat o liblib na lugar ka, wala namang sigurong pipigil sa’yo. Kung sarili mo ring bakuran ang gusto mong ihian, karapatan mo iyan. Kaso lang, bakit sa mismong mga lungsod at sa mismong pader ng mga gusali pa gusto niyong umihi. Kaya tuloy siguro maraming mga Pilipina ang gustong mag-asawa ng dayuhan…

Wala Tayong Respeto Para Sa Ating Mga Sarili

Ang isa sa mga tinuro sa akin ng aking amo ay dapat ko munang irespeto ang aking sarili bago ako irespeto ng aking kapwa. Ang masakit tanggapin ay bakit tila iilan lang na Pilipino ang nakakaalam o naniniwala dito. Bakit sa tuwing nakakanuod ako ng noon-time show e parang tuwang-tuwa pa ang mga kalahok na malait o mapahiya sila ng mga sadistang host sa TV? Bakit para silang mga masokista sila na basta na lang silang ginagawang katatawanan kahit ang mga mismong pamilya nila ay iniinsulto na? Ganito na lang ba katindi ang kagustuhan nilang sumikat o yumaman?

Darating kaya ang araw na may kalahok na magsasabing: “Hindi na po makatarungan o makatao ang pinapagawa ninyo sa akin!” o “Naapakan niyo na po ang karapatang pantao ko sa sinasabi at pinapagawa niyo sa akin!”

Kaso lang, mukhang hindi mangyayari iyon.

Parang tuwang-tuwa pa ang marami sa atin na mapahiya at malait sila sa TV na napapanood sa bawat sulok ng Pilipinas at maging sa ibang bansa. Basta lang para sa pagkakataon na sumikat o yumaman, nawawala ang halaga ng dignidad at pagkatao para sa mga Pilipino.

Wala Tayong Respeto Para Sa Kapwa

Magkaugnay ito sa unang halimbawa ko sa taas tungkol sa pagkawalang respeto natin sa batas.

Bakit nga ba parang andami-dami sa atin ang tila walang respeto para sa kanilang kapwa. Sa halip, parang natutuwa pa tayo pag may napeperwisyo tayo. Kasama na siguro dito ang sinasabi kong kasadistahan ng ating sariling media. Tila wala talaga tayong paki-alam kung nakakasira ng iba ang ginagawa natin basta magawa lang natin ang ating gusto.

Kahit may pasok bukas ang ating mga kapit-bahay at kailangan nilang gumising ng maaga, tuloy-tuloy pa rin ang pag vivideoke natin na parang wala ng bukas. Kahit alam nating puwedeng magdulot ng mga matitinding sakit ang pagdura-dura natin kung saan-saan, ginagawa pa rin natin ito. Kahit nakakasakit na tayo ng damdamin ng iba at naapakan na natin ang dignidad nila, wala pa rin tayong paki-alam basta lang sumaya o matawa tayo.

Wala Tayong Respeto Sa Ating Kapaligiran

Alam na nating lahat na taon-taon, may dumarating na matinding sakuna sa ating bansa. Milyon-milyon ang nawawalan ng tahanan, nasusugatan o tuluyang namamatay dahil sa mga bagyo at baha. Pero kahit gaano pa karami ang nabibiktima ng mga kalamidad sa Pilipinas e bakit tila andami pa rin nating hindi natuto.

Alam ko na parang sirang plaka na ako sa paulit-ulit kong pagsasabi na dapat itapon ang ating basura sa tamang lugar pero isa ito sa makakatulong sa pagbawas sa mga insidente ng baha. Ang mga kanal ay daluyan ng tubig baha at hindi sila ginawa para gawing tapunan ng basura. Sa pagtatapon natin ng basura kung saan-saan, naiipon ang mga ito at nababarahan ang ating mga kanal na siyang nagdudulot ng baha.

Ang pag-abuso natin sa kalikasan tulad ng pagputol ng mga puno at pag-huli sa halos lahat ng mga hayop na makikita natin ay ang isa sa dahilan ng paglala ng ating kapaligiran. Ang malungkot nga lang, bakit tila iilan lang talaga ang may paki-alam at nais kumilos para sa ikabubuti ng kalikasan sa Pilipinas.

***

Gustong-gusto nating ipamukha sa mga dayuhan na malinis at maganda ang Pilipinas. Nais natin ipakita na mababait at produktibong tao ang mga Pilipino.

Ngunit, sa kasawiang palad, hindi ito ang nakikita nila sa atin. Tapos, pag sila ang nakakapansin sa maling paguugali ng mga Pilipino, tayo pa ang may ganang magalit.

Ewan ko ba…

9 Replies to “Ang Kakulangan ng Respeto sa Lipunang Pilipino”

  1. Hindi dahil na sa mataas ka ng pwesto ng gobierno, karapatan mo na ang respeto.

    Wala tayong disiplina sa sarili. Wala tayong simpatia sa ibang tao. Gusto natin lamangan ang mga kapwa natin. Gusto natin, kamkamin ang lahat para sa atin; o para sa mga pamilya natin. Tignan ninyo si Aquino, at ang Hacienda Luisita niya.

    Ito ang dahilan na meron mga pamilya na namumuno sa matataas ng pwesto sa gobierno.

    Kami muma… bayaan mo ang iba. Manigas kayo diyan…Masagwa ang mga ugali natin…

  2. The national oath has been reduced to meaningless blabber as the people who recite it have a total disconnect from its actualization in their lives:
    Iniibig ko ang Pilipinas
    Ito ang aking lupang sinilangan
    Ito ang tahanan ng aking lahi
    Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
    Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
    Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
    Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
    Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
    Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
    Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.

  3. Karapat-dapat lang sigurong isalin sa wikang Filipino ang bawat artikulong inilalatha niyo rito sa GRP. Sa ganitong paraan, ang inyong mga pagpuna sa baho ng lipunang Pilipino ay maiintindihan at mababasa rin ng kapwa Pilipino, hindi lamang mga mambabasang marunong ng Ingles dahil sa una pa lamang, ang mga limbag niyo ay para lamang sa Pilipino at hindi sa mga dayuhan. Pinupuri ko ang nagpasimula ng “pangtayo” point-of-view. 🙂

  4. What needs to be done to the Failippines and the Failipinos?

    Launch an all-out, free-for-all, strategic-tactical nuclear strikes on every available ICBMs.

    Make the country uninhabitable for 2,000 years.

    Rebuilt and reconstruction from tne ground up.

    And then establish a new country.

  5. What needs to be done to the Failippines and the Failipinos?

    Launch an all-out, free-for-all, strategic-tactical nuclear strikes using every available ICBMs.

    Make the country uninhabitable for 2,000 years.

    Rebuilt and reconstruction from tne ground up.

    And then establish a new country.

  6. Kabuki ta tookie, entrada de mondata, ent tu da pooky, de odar ti pukey, det sama di tama, di mada di fada, et allo retada, de poplo me nada. SO THERE!

  7. “Wala Tayong Respeto Sa Ating Kapaligiran”

    napaka-halaga nito sa totoo lang.
    ibabahagi ko ang awit ni Bullet Dumas na pinamagatang “Ninuno”.

    mga hugot sa liriko:

    sige kulayan mo ng basura
    ang iyong paligid
    isemento ang bukid, ano pa ba?
    kelan tayo matututo
    kung kelan meron nang masisisi?
    kelan ba tayo kikilos?
    sayang pinagkatiwalaan pa naman tayo
    ng ating mga ninuno

    RadioRepublicPH:
    https://www.youtube.com/watch?v=O5VxzL9AI1Y

    BallutRadio:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.