Alas Kwatro y Medya

Alas Kwatro y Medya

Hindi ko marinig ang kantang tumutugtog sa munti kong radyo dahil sa sobrang lakas ng ulan. Kanina pa akong nakahiga sa marupok kong papag at nakatulala, nakatitig sa butiki sa bubong. Pakiramdam ko ay mas mainam pang naging butiki na lang ako. Napakaraming lamok at insekto sa paligid ang maaari nyang kainin samantalang unti unting naduduling ang mga mata ko sa sobrang gutom. Nag umpisa nang tumulo ang tubig ulan mula sa butas butas kong bubungan at nag landing sa mukha ko ang una nitong patak, humalo sa luhang kanina pang nakatambay sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Napakataas ng pangarap ko noon pero wala akong magawa ngayon.

social_justiceIsa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Teka, asan si Jasmin. Ayun. Walo. Syam. Sampu. Labing isa. Labing dalawa. Naliligo na naman ata si Jet sa baha. Labing tatlo. Sigurado kasama sina Janjan at Jericka. Labing apat. Labing lima. Nilamukos ko ang mukha ko at pumikit . Huminga ako ng malalim. Buntis na naman ang asawa ko at magiging labing anim na sila. Putang inang buhay to.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinubsob ko na ang aking mukha sa mabaho kong unan. Pinipigil kong umiyak. Tinapon ko na palayo ang palarang kanina ko pa sinisinghot at muli kong hinawakan ang baril ko. Ito na lamang ang natitirang materyal na yaman na pwedeng magligtas sakin mula sa mga paghihirap na tinatamasa ko. Tinangka ko dating magpakamatay, pero hindi ko kinaya. Mas nanaig ang pag ibig ko sa aking pamilya. Ayokong umiyak. Nagugutom na ako. Nagugutom na ang asawa ko at ang sangkatutak kong mga anak. May sakit ako at hindi ako makapag trabaho. Dumagdag pa ang putang inang ulan na to kaya hindi makalabas ang asawa ko para magtinda ng banana que. Putang ina talaga. Kelan ba ko mamamatay? Bakit ba pilit kaming nagsisiksikan sa maliit na squatter dito sa mabahong Maynila habang ang lawak lawak naman ng lupa namin sa probinsya.

Ay puta.

Oo nga pala. Tinitigan ko ang malaking tattoo sa braso ko. Krus. At ang isa pang tattoo sa kaliwa kong dibdib. Pusong may dugo. At tatlo sa binti, na mga letra ng pangalan ko, isa sa tyan na munting bulaklak at isa sa likod na hindi ko matingnan. Sangkatutak na mga marka mula sa malupit na hagupit ng buhay ang hindi mabura bura sa manipis kong katawan.

Punyeta.

Siguro, kung hindi ako tumakas sa kulungan, baka ang taba taba ko ngayon.

Pero nagbago na ako. Ayoko nang maging masama. Ayoko nang bumalik sa impyernong probinsya kung saan itinakwil ako ng buong angkan ko. Ayoko nang makasakit ng tao. Natuto akong magmahal. Natutunan kong gamitin ang puso ko, pero hindi ko naman pinagana ang utak ko. Natutunan kong maging tanga. Putang ina talaga.

Umaga na. Panibagong araw. Humupa na ang ulan. Pero hanggang tuhod ang putang inang baha. Kalat kalat na naman ang mga anak ko na parang mga basura. Kinuha ko ang isang bundle ng envelope sa ilalim ng unan ko at kasama si Jerik at Joan, lumabas kami upang magkunwaring nanghihina sa pag asang makalikom ng ilang barya mula sa mga nagpapakahirap magtrabaho. Kinuha ko ang tungkod ko.

Nung isang araw, sa Buendia kami nagpagala gala. Konti lamang ang napanglimos namin. Tama lamang pambili ng isang kilong bigas at fish cracker. Ngayon, plano naming tumambay sa may bungad ng Makati, kung saan maraming mga call center agent na mahilig uminom ng mamahaling kape. At isa pa. Marami daw mga Amerikano dun. Bago umalis ay nag dasal muna ako sa kung sino mang Diyos ang makakarinig sa akin.

Umakyat si Joan sa isang jeep at namahagi ng ilang sobre. Umandar ang jeep. Ang usapan namin ay magkikita uli kami sa may Mcdo. Medyo nagtagal ang anak ko at nang syay bumalik ay may dala syang isang tinapay, at trese pesos. Ayus na din kesa wala. Dumating na rin si Jerik sakay ng jeep pabalik. Wala syang dala. Wala rin akong nahingi sa mga dumadaan. Putang inang mga tao to. Ang laki laki ng sahod. Pero piso, wala.

Pinagsaluhan namin ang munting tinapay na dala ng anak ko. Kahit papano, masaya ako. Nakangiti ang mga anak ko na para bang walang problema. Mahal na mahal ko sila. Hindi ko alam kung nabusog ko sila, pero busog na ko sa pagmamahal mula sa kanila.

Puta, ang drama ko.

Tumakbo si Jerik palayo, sinamantala nya ang trapik. Sinundan ko ng tingin ang anak ko. Pinagmasdan ko sya habang namimigay ng sobre.

Inaninag ko ng maayos ang jeep na sinampahan ni Jerik. Isang putang inang babae ang dinuduro ang anak ko. Hindi ko napigilang lumapit.

Jerik! Bumaba ka na dyan!

Dahan dahang bumaba ang anak ko.

Walang nagsasalita sa mga tao sa loob ng jeep habang lahat sila ay nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang panlilibak mula sa matatalim nilang mga mata. Oo. Alam ko. Ako yung tipo ng taong hindi dapat kaawaan, sapagkat ako ang syang gumawa ng katangahan. Oo. Mahirap kami. May kaya sila. Isa sa mga desisyon ko sa buhay ang maging mahirap, at hindi ko ito maiisisi sa kanila. Wala akong ibang pwedeng pagbalingan ng sisi. Sa lipunan? Sa gubyerno? Hindi eh. Wala silang magagawa nung magdesisyon akong buntisin ng paulit ulit ang asawa ko. Naaawa ako sa sarili ko. Naaawa ako sa libo libong mga tangang katulad ko.

Nakatingin pa rin sa akin ang mga nanlilisik na mata . Bumudyok ang jeep pagkatapos ay biglang namatay ang makina. Muntik mapasubsob ang anak ko pero magaling na lang at nagawa nyang kumapit sa lalaking nasa bandang kanan. Napakadumi ng kamay ng anak ko, habang napakaputi naman ng damit ng lalaking kinapitan nya.

Isang malakas na hampas ng kamay ang tumama sa ulo ng anak ko. Tuluyan syang sumumsob sa harap ko. Nagtiim ang mga bagang ko. Unti unting naging mga halimaw ang mga tao sa loob ng jeep at dahan dahang nagdidilim ang paningin ko.

Hinugot ko ang baril sa loob ng bag ko. Taimtim ko itong itinutok sa lalaking nasa harapan ko. Unti unting nagbago ang itsura ng lalaki at nabalot ng takot ang loob ng jeep. Naging musika para sa akin ang kanilang mga iyak at pagsusumamo. Nagsimula na silang humingi ng tulong sa putang inang mga diyos na kanilang sinasamba. Puta. Walang Diyos! Hindi ba nila naiintindihan yon.

Binilang ko ang mga tao sa jeep. Pito. At may walong balang nakakarga sa baril ko.

Napakalupit ng tadhana. Minsan, kelangang mong mag astang malakas para amining mahina ka. Bakit nga ba ako nabuhay? Anong bagay ang itinakda ng tadhana upang aking gampanan? Sa lagay ko ngayon, napaka imposibleng matupad ang pangarap kong magandang buhay. Walang kwenta ang lipunan. Sapagkat wala ring kwenta ang mga taong bumubuo dito. Wala akong kwenta.

Patuloy ang pagdadasal ng mga putang ina. May isang babaeng nagtangkang bigyan ako ng pera umalis lamang ako. Tarantado. Magkahawak kamay na tumakbo palayo ang mga anak ko. Sumampa na ako sa loob ng jeep. Nag umpisa nang magtrapik. Tang inang mga tao yan. Dinagdagan ng babae ang perang gusto nyang iabot sa akin. Napakarami niyang pera, nakakalungkot dahil hindi kayang bilhin ng kanyang salapi ang aking galit. Galit ako sa tao. Sapagkat hindi nila kayang magpakatao.

Idinikit ko sa noo ng lalaki ang dulo ng aking baril. Nanigas ang lalaki. Mas lumakas ang mga iyak at sumamo. Mas gumanda ang daloy ng musika sa aking tenga.

Putang ina talaga.

Ang unang bala ay para sa putang inang gubyerno na wala nang ginawa kundi pahirapan ang mga tao. Umalingawngaw ang putok ng aking baril. Sumabog ang mga laman mula sa likod ng ulo ng lalaki. Ang kanyang napakaputing damit ay tuluyan nang namantsahan ng sarili nyang dugo.

Pinasabog ko na rin ang ulo ng katabi nyang babae. Napakabilis ng mga pangyayari. Ang ikalawang bala ay para sa tarantadong simbahan na wala nang ibang bukambibig kundi ang pagpunta ng tao sa kabilang buhay gayong hindi namin alam kung saan ang patutunguhan naming mga kasalukuyang humihinga sa impyernong mundo.

Ang ikatlong bala ay para sa mga putang inang mayayaman na wala nang ginawa kundi ang mahalin ang mga walang kwenta nilang mga pera.

Ang ikaapat na bala ay para sa mga mahihirap. Mga walang kwentang katawan na nabuhay upang sundin ang gusto ng mga mayayaman.

Ang ikalimang bala ay para sa mga karaniwang Pilipinong ang tanging pakinabang ay ang payamanin ang mga mayayaman. Oo. Yun lang. Sapagkat wala silang pakialam sa baluktot na sistema na hatid sa kanila ng gubyerno at simbahan.

Nakakatuwa. Unti unting bumabalik ang dating ako. Demonyo. Oo demonyo sapagkat impyerno itong bansang nilakihan ko.

Ang ika anim na bala ay para sa mga magulang na hindi marunong magpalaki sa mga anak nila. Isa ako dun at kailangang mamatay na ang mga kagaya ko. Tang ina. Puro dugo na ang loob ng jeep. Muntik pa kong madulas.

Napakaganda ng tanawing aking nakikita. Napakaganda. Umaagos ang dalisay na dugo mula sa mga tao sa loob ng jeep. Tumingin ako sa paligid ko. Trapik sa kabilang kalsada. Napakaraming tao at media kasama ang sinungaling nilang mga kamera. Isang babae na lang ang natitirang buhay at paulit ulit nya akong minumura. Putang ina mo, ang sabi nya. Naka syam na ulit nya akong minura.

Ang ikapitong bala ay para sa mga putang inang mga media. Na paulit ulit na itinatatak sa utak ng tao na lahat ng maling bagay tungkol sa gubyerno, simbahan at mga tao…..ay tama. At wala tayong pakialam sapagkat mga tanga tayo. Mga tanga ang tao. Ang tanga ko.

Nabalot ng katahimikan ang buong jeep. Tanging makina na lamang ang natirang buhay. Sa pagkakataong itoy napakarami nang baril ng gubyerno ang nakatutok sa akin. Bumaba ako sa mula sa loob ng jeep.

Kinuha ko ang natitirang sigarilyo sa bulsa ko. Sinindihan ko ito at ninamnam ang usok. Napakaganda ng kalangitan. Tinaas ko ang kamay ko habang nakapako naman ang aking tingin sa dalawa kong mga anak na magkayakap sa gilid ng puno malapit sa may kanto. Unti unti nang lumalapit ang mga pulis sa akin. Pito ang taong pinatay ko. Walo ang bala ng baril ko.

May natitira pang isa.

Ang huling bala ay para sa mga taong hindi nag iisip. Mga taong walang ibang pakinabang kundi ang wasakin ang ganda ng mundo. Walang ibang ginagawa kundi palaganapin ang baluktot na sistema ng kultura at ang patuloy na maniwala nang maniwala nang maniwala sa lahat ng kasinungalingang nakapalibot sa kanila. Mga taong walang pakialam sa sariling pag unlad subalit nakikialam sa pag unlad ng iba. Mga taong tanga. Mga taong kagaya ko. Kailangang mamatay ng mga tangang taong kagaya ko para sa ikauunlad ng demonyong lugar na ito.

Itinutok ko ang baril sa aking sentido. Umalingawngaw ang huling putok. Biglang lumamig ang paligid. Nawala ang aking paningin subalit nanatiling gumagana ang aking pandinig. Madaming sumisigaw subalit nawala na rin ang aking pang unawa. Biglang lumalim ang aking pag hinga. Naramdaman ko ang kuryenteng biglang dumaloy sa aking katawan at pagkatapos noon, ay nabalot na ako ng katahimikan.

Napakatahimik ng paligid para sa alas kwatro y medya. Putang ina talaga.

[Image courtesy Fine Art America.]

8 Replies to “Alas Kwatro y Medya”

  1. Which is the true nightmare, the horrific dream that you have in your sleep or the dissatisfied reality that awaits you when you awake?

  2. “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit…”, they usually say. I still believe, that it is your Choice to live a life of poverty or life of good accomplishments. When you were young; your choices were there; if bad decisions or choices were the ones you’ve chosen. Then, you have to face the consequences/results of your choices.
    Life is a journey; opportunities are there. The government may be rotten and corrupt. However, you have the POWER to choose, the life you will live.
    To waste a life is the worst, that can happen to anybody. Life is precious; and is a gift from God…

    1. i agree that you have the power to choose the life you live..but making the choice is influenced by what is happening around you..you may have made the choice but it is not entirely your own and you may acknowledge the fact that it was your decision but if all seven situations in the above story is present can you really blame yourself?

      1. “If there is a will, there will be a way…”, an old proverb states. I have seen people in poverty who succeeded. They did not complain their situation:”hopeless”. They work their way out…

        It is easy to throw the towel, and say: “I’m done…” but, as long as you have a good goal, and is willing to work smart/hard, you can inch your way out of your situation.

  3. Personally, this is one of the reasons why I remain single and avoids to “mingle”. I am aware of my financial constraints and now is not the right time to be even in a relationship. Because if I do, I don’t know how strong will I be when temptation arrives. It’s a sacrifice. Para masabi kong di para sa akin ang “ikaanim na bala”.

    I am working hard now and planning to retire at the age of 40, live in my mother’s province and focus on farming. Para bago pa dumating ang ika-limang bala, nakaalis na ako at muli kong masabing di (o hindi na) para sa akin yan.

    As much as possible I keep myself away from watching news from local networks (with exception to weather, flood, traffic, and the like). Sometimes I can sense some bias and most of the time, they only tell half of the whole story (and lesser at times). Included in that is the desire not to know who has what and who has who. I don’t want to be influenced by the glamour of celebrities and be lured by capitalism. In my world I am the only one and God that matters and seeking my own enrichment (spiritually, financially, etc.) is enough task to keep me busy and my attention away from diversions most Filipinos usually love. That being said maybe I can say I don’t deserve the “huling bala.”

    Do I sound so conceited? Perhaps but the point is that is what I’m doing to be on the other side. And I also want to say that there are Filipinos I know that are ahead of me on this and they are my role models. I just hope that may their tribe increase asap.

  4. Trahedya. Labing anim na anak. Hindi kataka-taka. Tipikal sa mahihirap na Pinoy na ang bilang ng anak hindi bababa sa kalahating dosena. At bakit ba nalikha ang mga batang ito? Dahil sa pagmamahalan ng mag-asawa? Bumalik tuloy sa akin ang tanong na…

    Ano ang pag-ibig?

    Isa sa magandang katangian ng pag-ibig ay ang pagtalikod sa kasalanan. Kailangan mong patayin ang ‘yong sariling nagtatabing sa’yong kaligtasan.

    Ano ang pag-ibig?

    Kung mahal mo ang marami mong anak at hindi mo sila kayang suportahan ng sabay-sabay, isuko mo sila. Isuko mo ang bulag mong pag-ibig sa kanila na dahilan upang manatili sila sa piling mo… ng walang magandang kinabukasan. Isuko mo sa mga taong kaya silang bigyan ng magandang buhay. At magsumikap ka upang suportahan ang natitira sa’yo. Ang asawa mo, ang dalawa, tatlo… mga bilang ng anak na kaya n’yo nang palakihin nang hindi matutulad sa kung ano ka bago ka nagsisi sa iyong mga kasalanan. At ano ba ang kasalanang ito? Ang lumikha ng buhay na kaya mo lamang pahirapan. At dahil kalakip ng pagsisisi ang pagtalikod sa kasalanan, hindi ka na muling lilikha ng panibagong buhay na iyo lamang mapapabayaan upang mabiktima ng sistemang kaya mo lang murahin at hatulan ng bala dahil pare-pareho kayong nawalan ng konsensya.

    Ano ang pag-ibig?

    Ang pag-ibig ay pagtalikod sa katangahan at kawalang pag-asa. Ang pag-ibig ay pagtatanong ng mga bagay na kailangan mong itanong upang makuha mo ang kinakailangan mong sagot. Ang pag-ibig ay pakikipagtunggali sa problema gamit ang armas ng paghahanap ng solusyon. Ang pag-ibig ay pag-aming mahina ka, dahil tao ka lamang, pero huwag mong kalimutang dahil sa pag-ibig ng Diyos, hindi ka nalikha na mahina at nag-iisa upang hindi kayaning maging malakas sa pagbuhat ng krus sa’yong balikat.

    —-

    1 John 4:18 “There is no fear in Love; but perfect love casteth out fear: because fear hath torment. He that feareth is not made perfect in love.”

    1. PRESIDENTIAL DECREE No. 603

      THE CHILD AND YOUTH WELFARE CODE

      Article 1. Declaration of Policy. – The Child is one of the most important assets of the nation. Every effort should be exerted to promote his welfare and enhance his opportunities for a useful and happy life.

      http://www.lawphil.net/statutes/presdecs/pd1974/pd_603_1974.html
      http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2009/ra_9523_2009.html

      —-

      Excerpt on CCT:

      Q: Will it cover all the poor and non-poor nationwide?

      No. To be eligible beneficiary of the Pantawid Pamilya, the household must be tagged as poor based on the National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR). The household must also satisfy the following:

      a. The household must have children aged 0-14 or
      b. Have a household member who is pregnant at the time of the enumeration.

      http://www.gov.ph/2013/10/31/faqs-on-the-conditional-cash-transfer/

      —-

      Title I
      NATIONAL MANPOWER DEVELOPMENT PROGRAM

      Art. 43. Statement of objective. It is the objective of this Title to develop human resources, establish training institutions, and formulate such plans and programs as will ensure efficient allocation, development and utilization of the nation’s manpower and thereby promote employment and accelerate economic and social growth.

      http://www.dole.gov.ph/labor_codes/view/3

      —-

      [ REPUBLIC ACT NO. 10354 ]

      AN ACT PROVIDING FOR A NATIONAL POLICY ON RESPONSIBLE PARENTHOOD AND REPRODUCTIVE HEALTH

      SECTION 1. Title. – This Act shall be known as “The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012″.

      SEC. 2. Declaration of Policy. – The State recognizes and guarantees the human rights of all persons including their right to equality and nondiscrimination of these rights, the right to sustainable human development, the right to health which includes reproductive health, the right to education and information, and the right to choose and make decisions for themselves in accordance with their religious convictions, ethics, cultural beliefs, and the demands of responsible parenthood.

      The State shall also promote openness to life; Provided, That parents bring forth to the world only those children whom they can raise in a truly humane way.

      (f) The State shall promote programs that: (1) enable individuals and couples to have the number of children they desire with due consideration to the health, particularly of women, and the resources available and affordable to them and in accordance with existing laws, public morals and their religious convictions: Provided, That no one shall be deprived, for economic reasons, of the rights to have children; (2) achieve equitable allocation and utilization of resources; (3) ensure effective partnership among national government, local government units (LGUs) and the private sector in the design, implementation, coordination, integration, monitoring and evaluation of people-centered programs to enhance the quality of life and environmental protection;

      (h) The State shall respect individuals’ preferences and choice of family planning methods that are in accordance with their religious convictions and cultural beliefs, taking into consideration the State’s obligations under various human rights instruments;

      (k) Each family shall have the right to determine its ideal family size: Provided, however, That the State shall equip each parent with the necessary information on all aspects of family life, including reproductive health and responsible parenthood, in order to make that determination;

      SEC. 20. Public Awareness. – The DOH and the LGUs shall initiate and sustain a heightened nationwide multimedia-campaign to raise the level of public awareness on the protection and promotion of reproductive health and rights including, but not limited to, maternal health and nutrition, family planning and responsible parenthood information and services, adolescent and youth reproductive health, guidance and counseling and other elements of reproductive health care under Section 4(q).

      http://www.gov.ph/2012/12/21/republic-act-no-10354/

      —-

      Sa lahat ng ‘to, bakit hindi busy ang mga tao at ang gobyerno? Bakit mas may panahon pa sa kulturang maglulublob sa mahirap sa kahirapan at sa pananamantala gamit ang kapangyarihan?

  5. If the story-teller has died, then how did he manage to tell his story? After shooting himself, he would have made it clear that he was now a spirit. He would, by now, be watching all the goings-on from above, rather then saying he had lost all his memory and consciousness because that becomes a huge loophole in the story. If a person has died instantly, there’s no chance in hell he would be able to think quite as lucid as this:

    “Madaming (sic) sumisigaw subalit nawala na rin ang aking pang unawa. Biglang lumalim ang aking pag hinga. Naramdaman ko ang kuryenteng biglang dumaloy sa aking katawan at pagkatapos noon, ay nabalot na ako ng katahimikan.”

    “Napakatahimik ng paligid para sa alas kwatro y medya. Putang ina talaga.”

    It would have been more acceptable if he changed the point of view of the storyteller from a conscious living person to a disembodied soul—to continue the last two remaining paragraphs. It would have been more convincing to read the conclusion from the point of view of a ghost. A little technical glitch in writing has rather ruined the narrative—shattering the story’s integrity in the end.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.