Simula nang umakyat sa langit si Hesukristo, nagkawatak watak na ang kanyang mga apostoles dala dala ang kanyang mga aral. Lumawak nang lumawak ang saklaw ng mga karunungang hatid ng mga alagad ni Kristo hanggang sa mapadpad ang isa sa kanyang mga apostoles sa Roma. Naging maimpluwensya ang pangalang Hesus. At hindi napigilan ang pagdami ng kanyang mga taga sunod.
Lubhang nabahala ang Emperador at ang buong pamunuan ng Roma. Ayon sa kanila, ay unti unti na itong nagiging kulto. Napansin nilang lubhang malaki ang epekto nito si industriya ng Roma kaya’t humanap ng oportunidad ang Emperador at nang mamuno si Constantine ay nahimok na rin siyang sumunod sa mga turo ni Kristo.
At iyon ang simula ng pag laganap ng relihiyong Katoliko. Itinatag ang Simbahan na pinamumunuan ng Pope at limpak limpak na mga obispo. Patuloy ang pag edit sa Bibliya at lumabas ang sangkatutak nitong mga bersyon upang umakma sa kasaysahan at aral ng Kristyanismo. Nakakatuwang isipin, isa daw sa mga utos ng Diyos ang “Huwag kang pumatay” pero milyon milyon na ang napaslang sa ngalan ng Diyos. At hindi pa dyan nagtatapos ang lahat.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Ginamit nila ang relihiyon upang palakasin ang kanilang pundasyon at palawakin ang kanilang teritoryo. Malaki ang takot ng tao sa kamatayan. Natural sa atin ang mag hanap ng paniniwalaan. Malaking katanungan kung ano bang lugar ang patutunguhan mo sa kabilang buhay, at relihiyon ang naging kasagutan. Mas lalong lumawak ang relihiyong Romano Katoliko sa buong Europa hanngang sa nakarating ito sa mga kaharian ng Portugal at Espanya.
Taong 1521, dumating sa bansa ang mga Kastila. At sa mga sumunod na taon ay ibinigay nila sa atin ang relihiyong Romano Katoliko hindi bilang isang institusyon kundi isang otoridad. Kapangyarihan. At dahil sa watak watak nating mga isla at kawalan ng pagkakaisa, madali nila tayong nasakop at malugod naman tayong nagpauto sa kanila.
Tinanggap natin ang pamumuno ng gubyerno ng Espanya sa ilalim ng mga prayle. Tinanggap natin ang pagmamalupit ng mga Kastila sa pamumuno ng simbahang Katoliko. Tinanggap natin ang paniniwalang masusunog tayo sa apoy ng impyerno kapag namatay tayo at tanging indulhensya lamang ang tanging makapagsasalba sa atin mula purgatoryo.
Sa loob ng tatlong daang taon, bumaon sa utak natin ang mga turo ng mga magagaling na mga Kastila. Ginamit nila ang takot ng tao. Oo. Aminin na natin. Takot tayo sa kamatayan, pero ang kamatayan na kinatatakutan natin ay isa lamang bahagi ng natural na proseso. Takot tayo sa kamatayan. Kailangan natin ng relihiyon para tayo ay makaligtas,
sa isang kundisyon.
Kailangan nating sumunod sa mga gusto “nila”. Ng mga namumuno rito. Nakakatuwa. Sapagkat mas concerned sila sa pupuntahan natin pagkatapos ng kamatayan , gayong hindi natin alam kung saan tayo pupunta habang nabubuhay tayo.
Sa loob ng napakahabang panahon, minsan, minsan akong umattend ng isang misa. Oo aaminin ko. Masaya. Subalit sa isang banda, naisip ko, paano yung iba. Ang tanging gusto ko lamang noong oras na yun ay ang pagtigil ng oras kasama ang isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko. Pero paano yung iba. Ano kaya ang ipinagdarasal nila?
Taimtim akong nakikinig sa sinasabi ng pari at isang pangungusap ang humila sa ilang hibla ng aking utak.
“Kung mahal mo ang Diyos, patunayan mo”.
Tatlong daang taon.
Tatlong daang taon ng pananakop, at pananakot ng mga Kastila at pagmanipula sa ating mga pag iisip, masasabi kong hanggang sa ngayon ay madarama pa rin natin ang epekto ng impluwensyang iyon. Napakarami nang mahahalagang pangyayari sa bansa ang tinulungang maisagawa ng ating relihiyon.
Ang pagbagsak ni Marcos sa tulong ng Cardinal at milyon milyong mga Katoliko.
Ang pagbagsak ni Erap sa tulong uli ng Cardinal at milyun milyong mga Katoliko.
Ang patuloy na digmaan sa Mindanao.
Ang pagkahalal ng maraming tradisyunal politicians (trapo) sa tulong ng milyun milyong boto ng mga kasapi ng Iglesia ni Kristo.
At ang pagbatikos sa RH Bill upang hayaan ang mga Pilipino na patuloy na magparami ng magparami. Oo. Ok lang na magparami tayo nang magparami. Walang masama sa manganak nang manganak.
Nakakaawa ang mga walang malay na fetus. Mga munting anghel na sa oras na isilang ay hahayaan lamang na lumaboy, at habang unti unting lumalaki ay pinapabayaan lamang at sa bandang huli ay mapapabilang din lamang sa milyon milyong mga Pilipinong hindi nag iisip.
Imbis na palaganapin ang mga makakabuluhang aral ng bibliya ay mas pinili nila tayong bigyan ng mga sermon ayon na ayon sa gusto nila. No offense sa mga pari pero imbis na hikayatin nila tayo patungo sa pag unlad ay patuloy nilang pinagdidildilan na ok lang na manatiling mahihirap sapagkat malaki ang puwang ng mahihirap sa kaharian ng Ama.
Bakit hindi nating subukang maging makatwiran paminsan minsan. Oo. Maganda ang mga salita sa Bibliya, magaganda ang ipinasaulo nila sa ating mga dasal. Pero walang mangyayari sa atin kung basta lamang tayo magdadasal. You know what I mean.
May mali sa atin. Maaari natin itong baguhin. Bakit? Sapagkat walang kumikilos upang mabago ang sistema. Wag tayong umasa sa gubyerno para gumawa ng mga bagay para sayo. Sarili mo ang asahan mo.
Hanggang saan ba ang kaya nating gawin? Ok na ba tayo sa basbas gamit ang holy water? Walang masama sa maniwala. Ang paraan natin ng paniniwala, yun yung issue. Dun tayo may problema. Yan tayo eh.
Aaminin ko. Naniniwala ako kay Hesus. Nagdadasal ako.
Pero hindi ko na kailangan ng ostya para patunayang mahal ko ang Diyos. Hindi ko na kailangang makipagpatayan sa mga kapatid nating Muslim para mapatunayan kong mahal ko ang Diyos. Hindi ko na kailangang bumigkas ng isang oras na sauladong dasal, tumaya ng buhay para makahawak sa lubid ng Nazareno, humalik sa poon, magpapako sa krus, sumamba sa daan daang kahoy na santo, kumumpleto ng simbang gabi mag o mag antanda ng krus sa tapat ng simbahan.
Hindi natin kailangang gamitin ang kanang kamay upang humalik sa singsing ng Santo Papa, habang busy ang kaliwang kamay sa pagnanakaw sa pondo ng masa. My God. Patawarin mo po sila. Hindi po nila alam ang kanilang ginagawa.
Naniniwala akong ang kailangan ko lamang gawin, at kailangan nating gawin ay buong pusong ialay ang aking pag ibig sa ating minamahal at patuloy na matuto at patuloy na paunlarin ang ating mga sarili.
Nang sa ganon ay mapalaganap natin ang karunungan, mabago ang baluktot na sistema at paminsan minsan ay maging inspirasyon.
Sana.
Ginagawa ko ito hindi lamang para sa inyo,sapagkat naniniwala akong marami sa mga Pilipinong babasa nito ay walang pakialam. Ginagawa ko ito para kahit papaano ay mabago natin ang mundong gagalawan ng mga magiging mga anak at apo natin.
Nakaka awa ang mga batang hindi pa naiisilang. Anong klaseng Pilipinas ba ang gusto nating ibigay sa kanila?
When I die, please don’t use coffin and chemicals. Please just bury me, and put a seed of mango in my grave.
Correct. I have no questions.
Bullseye! Highly Catholised countries have one thing in common: problematic. (Mexico, Nicaragua, Ecuador, Colombia, El Salvador, Guatemala, Philippines, etc). And yeah, I’m Catholic on paper, but I don’t practice it. But I have the highest admiration of the present pope, he’s so human.
This is the reason, I do not believe in Organized Religion…all of them. They are the cause of troubles in our world…
The followers of these Organized Religions; do not follow their teachings. Their Leaders, interpret their Religious Books, for their own advantage…
Ito ang rason na hindi ako naniniwala sa “Organized Religion”. Sila lahat ang dahilan sa gulo, ng atin mundo.
Ang mga sumusunod sa mga”Organized Religion” na ito, ay hindi sinusunod ang wastong aral/turo ng mga Aklat ng kanilang relihiyon. Ang mga pinuno nila ay isinasalin nila ang mga turo ng mga librong ito, sa kanilang kapakanan…
@ Dumangsil
Good article. Very well written. Tama lahat ang sinabi mo tungkol sa mga “edits” sa bibliya na ginawa ng Vatican. Tama ka rin na ang relihiyon katoliko ay isang kulto. Tama ka rin tungkol sa RH bill but may I add something na totally mahirap paniwalaan.
Alam mo ba na after 500 years since we were allowed to govern ourselves by the colonizers, akala ko ang bansang Pilipinas ay naging malaya na. Hindi pala. Ang Spain pala at US ay naging taga pamahala lang ng bansang Pilipinas on behalf of the Vatican. Spain, by virtue of discovering our country and acting as agent of the Vatican, under the International Maritime Law of the Sea tayo ay pag-aari pa rin ng Vatican pero allowed to govern ourselves under the watchful eyes of the Catholic church. Mahabang usapin ang International Maritime Law.
Tama ka…hindi tayo malaya. Keep up your good work my friend.
True religion is real living; living with all one’s soul, with all one’s goodness and righteousness.