The [Real] Media

Sa mahabang panahon nating nabubuhay sa mundo, konting panahon lang ang ginugugol natin sa mga magagandang nangyayari sa buhay natin. Parang wala lang. Masaya tayo, pero hindi tayo nag eenjoy. Marami tayong sagot pero hindi natin mahanap yung tanong. Umiibig tayo, nagmamahal, pero unti unti tayong nagiging buni sa mata ng mundo.

Pag ibig.

Hirap iexplain.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Hirap iexpress.

Ayon sa banal na turo ng Philippine media, ang pag-ibig daw ang katapusan ng kwento. Pag dumating sa puntong nahanap na ng tao ang pagmamahalan mula sa isa’t isa, wala nang susunod na kabanata. And they live happily ever after. Dito pa lang, ginagawa na nila tayong tanga.

Ayon sa turo na katotohanan, pag ibig ang simula ng lahat.

Ng lahat.

TV remoteDoon nag umpisa ang pagbabanggaan ng malalaking tipak ng mga bato mula sa kalawakan. Na kinompres mula sa gravity galing sa araw. Na dahil sa hydrogen, nitrogen at carbon mula sa bituin ay unti unting lumamig ang planeta at naging Earth. Na dahil sa pinaghalong oxygen at hydrogen ay nagkaron tayo ng tubig. Na dahil sa carbon ay nagkaroon ng mga bacteria. Na nagevolve sa algae. Na nagkaroon ng chlorophyl. Na naging self sustaining, na naging sea weeds. Na naging halaman. Na mula uli sa bacteria, lumabas ang mga gumagapang ng trilobites, lumalangoy na jellyfish at lumilipad na mga insecto, na ang iba ay nag evolve at nagkaroon ng gills, na di naglaon ay naging isda, na di naglaon ay naging mga pating, na di naglaon ay nagkaroon ng lungs at naging amphibians, na di naglaon ay naging reptiles at naging mga dinosaurs, na di naglaon ay nahati sa dalawang grupo: ang isa ay nagkaroon ng mga balahibo at pakpak at naging ibon at ang isang grupo naman ay tumigil sa pangingitlog, dahil mas cool daw manganak, at naging mammals.

Na di naglaon ay may isang asteroid na naligaw at tumama sa Earth kaya namatay ang mga reptiles, at nag umpisang maghari ang mga mammals. Na di naglaon ay dumami nang dumami hanggang sa ang isang grupo ay nagumpisang lumakad sa dalawang paa at naging mga tao.

Na di naglaon ay nadevelop ang utak, tumalino, umimbento, nakipagdigmaan, nagrally, bumoto, grumaduate, nainspire, nagtry, binasted, nambasted. Nabigo. Nagtry uli. Ok na. Nagpropose. Kinasal, nag away, nambabae, nanlalake, nanganak. Dumami. Lumobo ang populasyon. Nangurakot. Bumagsak ang ekonomiya. Nagreklamo. Istak sa trapik. Nafafalo sa noo. Nag abroad. Tumira sa squatter, pumatay. Nakulong. Tingin sa langit. Punta sa simbahan. Manalangin. Iasa lahat sa dasal, ok lang na mahirap, dahil andyan naman ang PBB at ang mahalaga, ok lang si Vhong.

Na di naglaon ay naging mga ignorante dahil sa mga walang kwentang palabas mula sa ABS CBN at GMA.

Lahat yan. Dahil sa pag ibig. Pero ano nga ba ang sabi ng media?

Media. Yan sila. Araw araw nating nakikita. Araw araw na nagpapakain sa atin ng kung ano anong lason para sa nag iisang layunin. Ang gawin tayong mangmang. Asan ang crab mentality doon. Lahat ng sabihin ng media, ginagawa natin. Pag sinabi nilang, .

….”ayon sa survey, mataas ang satisfaction rate ng Pangulo”,

maniniwala nga tayo. Pag sinabi nilang maging proud tayo, kasi Pinoy yan, naniniwala tayo. Mas concerned pa tayo sa mga nabubugbog na artista kesa mga napapatay na sundalo. Araw araw nila tayong binebentahan, pero hindi natin napapansin, kasi hindi tayo nag iisip.

Balik tayo sa nakaraan. Noong panahon ng Kastila, wala pang TV. At ang katumbas ng media ay ang mga pahayagan at mga aklat. Ayaw na ayaw ng mga Kastila na matuto tayo sapagkat baka sumalungat tayo sa mga interes nila. Subalit hindi mapipigilan ang damdamin ng ilan nating mga kababayan upang ilahad sa lahat ng Pilipino ang tunay na kalagayan ng bansa. At anong ginawa sa kanila. Ayun. Pinatay. Yung iba, binaril sa Luneta.

Iba na ngayon. Magkasundo na ang gubyerno at media. Bagamat may pangilan ngilan pa ring napapatay. Pero ok lang sa atin yun, kasi kinundisyon tayo ng media upang hindi mag isip.

Ano ano na ang mga naituro sa atin ng media.

So far? Wala pa. So far.

May pag ibig ka ba para sa bansa?

Alalahanin, ika nga ni Bob Ong. Ang bata ay pinapalaki ng kanyang nanay, tatay, at ng media. Malaki ang papel nila para sa pangkalahatang pag iisip nating mga Pilipino. Proud tayo kasi panalo si Pacman, kasi sikat si Charice, at kung sino sino pang ibang mga fil am half half na wala namang pakialam sa atin, pero bakit tayo proud? Kasi sabi ng media, maging proud daw tayo.

Paulit ulit nilang itatatak yan sa utak natin upang maging kontento tayo sa palakad ng sistema. Pero kelan sila nag palabas ng mga programang tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa. Kung hindi pa pupurihin ng porener, hindi tayo sasaya.

Pinoy nga naman.

Kelangan ba lagi aprubado ng ibang bansa para sabihing magaling tayo?

Pag sinabi ng media na iboto nyo ang taong ito dahil anak sya ng “mabubuting tao” at kamamatay lamang ng ina nya kaya bilang simpatya, gawin natin syang pangulo, ganun ang gagawin natin. At dahil tanga tayo, sya nga ang binoto natin.

Kawawa naman ang Pilipinas. Kay gandang bansa. Kawawa naman tayong mga Pilipino. Hanggang ngayon, parang nasa panahon pa rin tayo ng Kastila. Ayaw ng gubyerno na matuto tayo.

Pero ok lang. Andyan naman ang mga telenovela para itakas tayo sa katotohanan.

Ok lang. Andyan naman ang mga gameshows na bukod sa walang kwenta, eh tinuturuan tayong umasa sa mga doleouts. Mas mabuti pang wag na lang magtrabaho kasi marami namang pa premyo sa TV. Ok lang kahit squatter kami, andyan naman ang mga taxpayers para magbigay ng CCT at mga condom.

Ok lang kahit bumaba nang bumaba ang halaga ng piso, ang mahalaga, updated lagi tayo sa buhay ng mga artista.

Ok lang kahit hindi natin malaman na wala naman talagang demokrasya sa bansang ito. Iisang pamilya lang ang nagpapatakbo sa Pilipinas. Paulit ulit na nirarape ang bansa natin. Pero wala tayong pakialam.

Ok lang kahit hindi tayo mag isip. Hindi din naman uunlad ang Pilipinas dahil ng mga Pilipino. Panay ang reklamo natin sa gubyerno, pero nahihirapan tayong ishoot sa basurahan ang mga balat ng kendi at upos ng sigarilyo. Ang pangit daw ng sistema pero tayo naman ang nagluklok sa mga taong namamahala rito.

Pilipino ako.

Tulungan nating makabangon ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbago sa sarili natin. Kamangmangan ang kalaban nating lahat. Ang kamangmangang ito ang hatid sa atin ng media. Buksan natin ang mga mata natin kahit konti. Marami tayong nalalaman pero hindi naman natin naiintindihan.

Hitik na hitik ang mundo sa impormasyon. At kung mangmang ka, well. Choice mo yun.

Educate yourself.

Kasi ang mag isip ay hindi ituturo sayo ng media .

37 Replies to “The [Real] Media”

  1. Kahanga-hanga. Kahit ang isang di-mailarawan at kasuklam-suklam na halimaw na katulad ko ay ganap na aaliw at natutuwa sa mga isinusulat mo. Dagdagan po pa sana ito.

  2. Kaibigan…gamitin mo ang “sentido komon” mo…ang utak mo na binigay ng Maykapal.

    Tayo ay ngakaganito, dahil pinayagan natin sila…tayo’y maging mangmang…

    1. Sorry, but I want to count this post against Benign0’s argument that Filipino is not an intellectual language. Very articulate and completely in the pangbansang wika. Just goes to show there are no stupid languages, just stupid people.

  3. If someone Post an Article in Pilipino…it is appropriate to blog in Pilipino…only our foreign bloggers cannot understand the blogs…

    I may translate my blog in english the next time…

    1. nakakaintindihan ako kahit Amerikano ako, pero siempre hindi kaya ang mga kabayan ko, pero hindi ganyan ang dahilan dito, ang maganda itong post dahil kaya magbasa ang mga taga provensiya o ganun

      1. Thanks for understanding. The idea of this article is totally the same with the other articles here.We must admit that there are others who find it difficult to understand some of the ideas of GRP in English. Yes, they can read the words but some cannot read the meaning. So to be fair with everyone, I just want other people to know whats on our mind. 🙂

  4. I got tired of TFC because of so many bullshits they’re showing. The only shows from PI I like are Word of the Lourd and History with Loud.

    TV5 did not air Super Bowl this time because so many people did not know the game. Its always neverending basketball for them. They just missed the Halftime Show.

  5. Kung tutuusin marami talagang basura sa media at hindi naman nakakapagtaka ‘yan dahil mas marami sa ating lipunan ang mga masa. Pangkaraniwang istorya para sa pangkaraniwang tao. Suma tutal: basura in, basura out.

    Pero hindi naman natatapos ang kwento d’yan. Tandaan natin meron talagang pera sa basura. Subukan n’yong itanong ‘yan sa mga sekyutibs ng mga channels at sigurado hindi ka pa tapos sa tanong sinagot ka na ng ‘oo’ dahil ‘yon ang tutoo.

    Pero bago ba ang puna tungkol sa media bilang behikulo ng kabobohan? Tingin ko hinde. Wala pang Internet meron ng mga nagreklamo laban sa media. Mula pa nuong diktadurya hanggang sa kasalukuyang panahon ng kawalan ng peluka, sabit pa rin ang media.

    Laging nakikita, laging nasisi laging media ang may kasalanan.

    Sa tingin ko, natural lamang na kaakibat ang puna sa media dahil isa ito sa mga malalaking institusyon na may malaking impluwensiya sa ating lipunan. Pero sunod-sunuran nga ba tayo sa media? Palagay ko hinde. Kaya nga ang radyo me dayal at ang TV merong pihitan pampalit ng channel, kasi ‘yon ang kontrol ng tao. Parang sa turo-turo, ‘yung gusto mo lang kainin ang ituturo mo. Kung gusto mo ng kamangmangan, ‘yon ang oorderin mo hindi sa loob ng laboratoryo kundi sa loob mismo ng kwarto mo sa sariling bahay mo. Malinaw, ikaw ang nasunod.

    Hindi talaga tayo tuturuang mag-isip ng media kasi bago pa tayo pumunta sa kanila e marunong na tayong mag-isip. Lampas na tayo sa pagka-sanggol para pagbintangan natin ang media sa ating kamangmangan. Maliwanag bago media, eskwelahan ang dapat nating pag-usapan ukol sa kung sino ba ang nagkakalat ng kamangmangan.

    Siyempre, papalag ang Sangayan ng ejukeshion. Bakit sila sisihin e sila nga ang nagpapakapagod para magturo sa mga kabataan. In fact, karamihan sa mga titser natin e pagod na ng kagagawa ng lesson plan kaya minabuti na lamang nilang mangibang bansa at subukan ang kapalaran sa international bilang domestic.

    Kung tutuusin, kahit nuong hindi pa uso ang kompyuter meron ng brain drain, hanggang ngayon merong pa rin. So, ano’ng resulta? Mataas na rating kay Marimar at walang humpay na tagumpay kay Vice Ganda. Bakit kanyo?

    Sa tutoo lang, wala naman talagang pagbabago. Kung ano ‘yung mga bintang nuon, bintang pa rin ngayon. Nakakapag-selfie ka nga lang ngayon.

    1. Kung ika’y isang nilalang na malawak ang pang-unawa, mataas ang natapos, malayo ang naabot ng kaalaman, malaki ang impluwensya, bakit mo ibababa ang iyong kaalama’t kakayahan sa lebel ng kamangmangan? Dahil gusto mong paluguran ang mga pangkaraniwan o mangmang? Upang mapanatili sila sa kanilang kinalalagyan at patuloy na mabiktima o mapagkakitaan? Kung ika’y isang nilalang na malawak ang pang-unawa, mataas ang natapos, malayo ang naaabot ng kaalaman, malaki ang impluwensya, hindi ba dapat hinihila mo ang nasa ibaba paakyat sa iyong lebel? Hindi ba sa ganoong paraan mo totoong tinutulungan ang isang taong gustong umunlad sa buhay o makatulong sa bansa? Nasa media ang kapangyarihan para sa huli. Ngunit ang una ang pinipili nilang gawin. Dahil isa rin silang buwaya.

      1. Wala akong tutol sa adhikain na iyong nabanggit subalit dapat rin nating maintindihan ang pangunahing misyon ng media at ‘yan ay ang maglahad ng impormasyon. Madaling sabihin na masama ang media at nagkakalat ito ng kamangmangan o kaya ito ay hindi tumutulong sa pagbabago ng bansa. Pero alam natin na malaki rin naman ang naitulong at naitutulong ng media sa ating lipunan.

        Oo, nagkalat ang mga programang pang-masa; mga programang kinasasabikan ng mga taong hindi kataasan ang pinag-aralan. Subalit hindi lang naman yon ang laman ng media. Marami at sari-saring klase ang pwede nating tangkilikin para sa sariling kaalaman o pang-aliw.

        Pwede nating paghanapan ang media kung ang pag-usapan ay kakulangan. Huwag lang nating kalilimutan na merong mga institusyon sa ating lipunan na may higit na pananagutan sa paghubog ng mga tao at lipunan.

        1. #hashtagaliw #hashtagdongyanwedding “Tulungan n’yo po kaming mag-trending ang pangyayaring ito sa buong mundo…” Hindi ba ito ang hinihiling ng mga kilalang host sa mga kilala ring palabas sa telebisyon? “Para po iboto ang inyong bet na singer i-type ang (numero, letra, etc)…” sa ganito nila gustong gamitin ng tao ang kanilang load, gadget, kapangyarihan sa pagboto.

          “Huwag lang nating kalilimutan na merong mga institusyon sa ating lipunan na may higit na pananagutan sa paghubog ng mga tao at lipunan.”

          Ito ang problema. Walang higit na may pananagutan sa sino mang may pagkukulang. Kung gusto mo isa-isahin na lang pero hindi pwedeng sabihin mong may higit at i-acquit mo ang isa dahil pare-parehong may pananagutan ang bawat institusyon. Ang punto ay kung ano ang iyong sakop, responsable ka roon.

        2. Problema talagang tutuusin kung tatangkain nating mag-acquit o ipawalang sala ang isa sa mga malalaking institusyon sa ating lipunan na may kinalaman hindi lamang sa paghubog ng ating opinyon at kaisipan kundi na rin pabutihin ang ating kaalaman.

          Tanong, aba, e sino ba ang nagsabing tayo ay mag-acquit?

        3. Wala nga hong nagsasabi at sa katunayan ang mga Filipino ay hindi na naghihintay na sabihan pa. Ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan at napatunayang nagkasala at nagsamantala sa mga Filipino ay muli pong naluluklok sa pwesto. Ang mga palabas na hindi nakakatulong sa pag-unlad ng ating buhay manapa’y nagtutulak sa atin upang maging biktima ng lipunan ay patuloy nating pinapanood at sinuportahan. Magaling po tayong mag-acquit ngunit iyon ma’y hindi pansin.

        4. Hindi ako naniniwala na tayo ay ‘tinutulak’ ng mga palabas na napanood natin. Bago pa dumating sa kaalaman natin ang mga palabas na ‘yaon, bago pa natin ito mapanood, alam na ng mga taong gumawa no’n na panonoorin natin ‘yon.

          Repleksiyon ang media ng ating lipunan. Dahil mas nakalalamang sa dami ang masa, naturalmente ang mga tema ng istorya na napapanood natin ay angkop sa buhay at pag-iisip ng mga masa. Meron din namang de-kalidad na palabas na pwede nating panoorin kanya lamang mas marami talagang nanonood ng mga kabakyaan.

          Huli na ba ang lahat para sa atin? Hindi naman. Kailangan lamang na umayuda rin ang ibang institusyon, mailban sa gubyerno, sa ating lipunan, gaya ng Simbahan at ang sektor ng kalakal, hindi lang media, upang gabayan ang mga mamamayan tungo sa tamang pagpili o pag-iwas sa kung ano ba ang kapaki-pakinabang na panoorin.

  6. Kung target market mo talaga ay mga Pilipino mabuting ihayag ang iyong kaalaman at saloobin sa saliting “atin”. Ang mensahe naman ay para sa kapwa niya Pilipino at hindi para sa ibang “race”. Sang-ayon ako sa sinabi mo na mahilig tayo magreklamo sa gobyerno pero simpleng mga bagay tulad ng pagtapon ng basura ay hindi magawa. Karamihan kasi sa mga Pilipino ay uto-uto, iilan lamang ang may kusang mag-isip. Sana sa darating na eleksyon ang payagan lang bumuto ay ang “karapat dapat” lang bumuto. Iyong mga nagbabayad ng tax at may sapat na kakayanan para magdesisyon ng tama para sa ikabubuti ng bansa. Marami kasing botante ang galing sa lugar kung saan wala silang ginawa kundi magparami at manood ng mga telenovela.
    Mabuti at naisipan mong gumamit ng salitang atin, ang mga bansang China at Japan ay hindi nakiki-uso sa salitang Ingles upang pamulatan ang kanilang bansa. Magaling!

    1. “Kung target market mo talaga ay mga Pilipino mabuting ihayag ang iyong kaalaman at saloobin sa saliting “atin”. Ang mensahe naman ay para sa kapwa niya Pilipino at hindi para sa ibang “race”.”

      Kahit target market ay mga Pilipino, ang tanong ay ilang porsyento ng mga Pilipinong ito ang nanamnamin ang nasabing artikulo? Wala ‘yan sa kung anong lenggwahe ang ginamit kundi sa kung sino ang gustong magbasa at matuto. ‘Yong ibang Pilipino kasi akala nila superior sa kanila kapag ang isang tao nag-i-English o magaling mag-English kaysa kanila gayong madali namang matutunan at maunawaan ang lengguwaheng ito. Lagi rin nilang ikinakabit ang paggamit ng sariling lenggwahe sa pagiging makabayan. Nakakalimutan natin na ang lenggwahe ay kasangkapan upang magkaintindihan at matuto. Filipino should start looking at English language as a necessity since almost all helpful reading materials are written or are translated in English and it is being used to communicate and do business with people of different nationality. At alisin natin ang nosyon na nosebleed. Ang karamihan sa nagsasalita sa ibang dayalekto ay mas magaling mag-English kaysa Tagalog. Huwag nating gawing excuse na hindi natin lubos maintindihan ang mga nakasulat sa wikang Ingles dahil lahat tayo ay nagdaan sa pag-aaral nito at nagbabasa ng mga English paperbacks at nangunguna sa sinehan na Ingles ang palabas.

        1. Nirerespeto ko po ang inyong opinyon. Ang sa sakin lang, iilan lamang ang pinagpala na magkaroon ng mataas na pinagaralan. Sa lahat ng Pilipino sa bansa hindi na nila kailangan pagaralan pa ang salitang ingles. Katulad ng mga magsasaka,mangingisda at alin mang profession na tulad ng sa kanila. Wag mo sana akong masamain pero sa tingin ko ang pagiging mahusay ng Pilipino sa Ingles ay nagiging daan para maging depende pa rin tayo sa bansang Amerika. Sa paraang ito nagiging alila pa rin nila tayo.Diba’t nagkalat ang mga call center na tayo pa ang nagsisilbing tampulan ng hinanakit nila sa mga bagay bagay. Maunlad ang Japan pero majority ng populasyon nila hindi marunong mag-Ingles. Hindi ba kataka-taka na nabibilang sila sa 1st world country pero di nila tinatangkilik ang salitang Ingles. Tayo lang ata ang bansang hindi gumagamit ng lenggwahe natin sa mga isyung pampamahalaan. Hindi ko sinasabi na huwag tangkilikin ang salitang Ingles pero hindi kaya isa rin ito sa mga dahilan bakit hindi tayo umuunlad bilang isang bansa. Ang pagkakaroon natin ng “colonial mentality”.

        2. Wala pong problema roon. Katunayan ganyan din po ang adhikain ko noong una na Filipino o Tagalog ang pangunahing maging medium ng bansa sa pakikipagsalitaan dahil ito ay “sariling atin”. Ngunit naisip kong lumalabas na bias iyon sa ibang kapwa natin Filipino na iba ang pangunahing salitang namumutawi sa kanilang mga bibig. Una na po, hindi ba ang mga magsasaka, mangingisda at alin mang propesyon na tulad nila magkaminsan kapag iniinterview o kinakausap ng mga taga-Maynila ay kailangan pa ng translator dahil hindi rin marunong mag-Tagalog? Kung ating titignan, ang pangunahing wika sa iba’t ibang panig ng bansa ay iba-iba. Marami po tayong lenggwahe na sariling atin. Maging si Rizal nakakaintindi na ang sariling wika ay hindi nangangahulugan ng Filipino o Tagalog lang (una na dahil Spanish ho ang kanyang main language at maging ang mga pangunahin niyang akda ay ini-translate lamang po sa Tagalog). Kung ide-describe ko po ng maganda, dahil sa kolonyalismo tayo ay naging “diverse” nation. Siyang tunay dahil hindi naman po tayo self-made country gaya ng mga 1st world country na inyo pong nabanggit. Ang pagkakaroon po natin ng “colonial mentality” ay dahil sa katotohanang hindi tayo totoong natuto sa mga nanakop sa atin kundi tayo ay tumutulad lamang. Kung ganoon po, malibang kaya na nating tumayo sa sarili nating mga paa, saka pa lamang po natin tunay na mapapahalagahan ang “sariling atin”.

  7. @ Dumangsil

    I don’t even think you know what you’re talking about. Ang kamangmangan ng maraming Pilipino ay hindi dahil sa “MEDIA DISINFORMATION”. Ang kamangmangan ng maraming tao ay nagsimula sa kanilang sariling tahanan o kapaligiran, o ng kanilang mga magulang, o ng kanilang financial situation.

    Remember that “media disinformation” has nothing to do with a persons station in life. The purpose of it is to “divert peoples attention from knowing the real truth” about the country’s overall situation, and I agree with this practice because most people can not handle the truth. Entertainment so far is the diversion of choice, political scandals, weather calamities natural or man made, the crime situation and I can go on and on.

    Secondly, I think your goal to educate the future generation of this country is set on the wrong direction and let me tell you why. A. Your belief that the universe was created by chance is not possible even in a trillion years. Modern science through the study of quantum physics now agree of an intelligent design by a Creator. Darwin’s theory have all been proven wrong.
    B. Your assertion that moros are the rightful owners of Mindanao is wrong. Moros are known as “people of the sea” like the “Gypsies or Roma’s” who are stateless wanderers of Europe. Also on your other article, you wrote that the Moros are the only ones that fought the Spaniards and drove the colonizers away is again, a big lie. The Spaniards left Mindanao because they were engaged in other battles in the Americas, they decided Mindanao was too far to waste Spain’s resources.

      1. I respect all religions, whatever they believed in…what I do not like is if, you follow your religion “fundamentally” and “radically”…no one religion is greater than the other. All leads to our belief in a loving , merciful and good Creator…

        The Muslims in Mindanao, had also contributed in our Philippine History. Spain was under the Islamic Moors, for many centuries…they were driven back to North Africa by “El Cid” and his battle tested Spanish soldiers. This may be the reason, the Spaniards were not successful in conquering them…

  8. The Pattern of “DisInformation” of the Media is like the pattern of the Germany Nazi “Disinformation” campaign…who was head by the late : Joseff Goebbels…lies were fed to German people. Cinema shows were used for propagandas and dumb the German people.

    So, Hitler became the Dictator and led his people to destruction…there were also “Employed Hacks” of Goebbels, who dispute anything that were against the Nazi propagandas. Anyone caught criticizing Hitler, is thrown in those Death Camps…and people were fed with news of victories after victories of the Nazi Troops. In truth, the Nazis were suffering defeat, after defeat. They were even fed a news that that Hitler was developing a “Wonder weapon” to win an ultimate victory…

    I see History repeating itself on the Philippine Media , under Aquino…

        1. When are you going to back up your allegation? You make statement and when question you ran away?

          You have been talking to your self all along here. I responded to give you an audience and to find out if there is something in what you are saying.

          Don’t tell me you will duck again? If you cannot explain what you wrote, ‘hyperbole’ is fine with me.

        2. @Jamegirl:

          I don’t reason to people who cannot understand, because they are YellowTards…Read the Nazi Germany History about its Nazi Media…

  9. In my opinion, I think the government has been providing us with sufficient opportunity for education. (Note: sufficient only–still far from ideal) Anyone will a real desire to get educated can find a way to finish school.

    The problem I think lies with the people themselves. I think that in urban poor communities, people would just prefer to loaf around, becoming “tambays” or kanto-boys. The problem here I think is because of peer pressure and media as mentioned in this article. Notions of kilig and brainless dancing sexy babes are poisoning these “idle minds”. The problem is compounded because of poor parental supervision which means that peer pressure from kilig-minded friends will ensure that their friends will stay just as mindless and drug crazed as they are. These are people in need of direction more than they need dole outs from government. Yes. I agree with the author that Media is largely to blame for this.

    Among the rural poor, I see that the reason for children not going to school is because their parents prefer that they worked in the farms. Media penetration is much less than in the cities, so at least the out-of-school youth would not be as kilig-crazed as their urban cousins and would be better supervised by their parents. But this is a problem on its own–labor is backbreaking and the child would be ill-equipped to deal with life in the cities when they begin the inevitable transformation into a migrant squatter–their urban descendants would be just as kilig-minded and drug crazed as the urban youth are today.

  10. interesting words coming from someone ‘proud to be’ “Descended from the great bloodline of Tagalog clan”

    guess that didn’t come from media, right?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.