Kung bibigyan ka ng pagkakataon,
.
.
.
Ahm.
.
.
.
.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, na kunyari, papipiliin ka kung saang panahon mo gustong umusbong. Kailan ang pipiliin mo? Pakiramdam mo ba, sa tamang panahon ka naisilang? Mas pipiliin mo bang, sana sa nakaraan ka na lamang nabuhay, nang sa ganon, sana namamahinga ka na sa mga oras na ito. O sa hinaharap, kung saan hindi mo alam kung maganda ba o bangungot ang buhay na imamaeobra mo. Hindi ko alam kung bakit ganitong mga bagay ang gumugulo sa utak ko. Sabihin mo. Normal pa rin ba ang mga nangyayari sa panahong ito?
Nasaan ka ngayon?
Ako, nasa tabi na kalsada, nakatingin sa mga Christmas lights sa mga poste na niluma na nang panahon. Ang lungkot, akala mo, hindi dumaan ang bagong taon.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Ikaw? Anong nararamdaman mo ngayon?
Subukan mong lumingon sa kanan, tapos sa kaliwa. Subukan mong lumingon sa paligid. Masaya ka ba? Sa mga taong nakapaligid sa iyo. Sa kumunidad mo. Sa bayan mo. Sa pamahalaan. Sa takbo ng buhay. Bakit ka nandyan? May dahilan ba kung bakit ka nabuhay? Sa tingin mo ba may magagawa ka para mabago ang abnormal na sistema ng mundo natin?
Ako, ewan ko. Bukod sa pangarap kong maging CPA, hindi ko na alam ang kasunod nun. Hindi ko alam kung anong magagawa ng titulong CPA sa akin pag namatay ako, pero wala talaga akong makitang ibang kaiga igayang dahilan kung bakit sa dinami rami ng panahon kung kelan ako sinilang, bakit nung 1990 pa. Bakit kailangan kong makita lahat ng kalokohan ng tao sa panahong ito.
Marami na akong natanong pero lahat ng pangarap nila, humahaba lamang nang humahaba hangang sa mapag isip isip kong pera lang pala ang gusto nila.
Mahigit pitumpung taon na ang nakakaraan, magulo ang mundo. Madugo. Impyerno. Kung nabuhay ka sa panahong ito, mas gugustuhin mong maging buni na lang. Sabi ng lolo ko, napakaswerte ko daw, kasi hindi ko naranasang tumago sa kakahuyan, hindi ko naranasang makasaksi ng ilang kamag anak na sinasaksak sa lalamunan, mga taong sinusunog ng buhay, walang mga babaeng pinagsasamantalahan, walang barilan, walang nakawan. Hindi ko raw naranasang masaksihan lahat nang yon. Pero yun ay nung mga panahong sarado pa ang aking kamalayan.
Napagtanto ko na, pusanggala, sabi nila, tapos na daw ang gyera. Pero bakit may patayan pa rin. Tunay bang gumagana ang mga mata natin o baka naman pinipilit lang nating sabihin sa sarili nating, ok lang yan, wala din namang mangyayari. Walang saysay ang nakakakita ng mata kung bulag naman ang pag iisip natin.
Pero naisip ko. Maswerte nga ba ako. Kung tutuusin mas maswerte pa nga ang lolo ko kasi hanggang ngayon, buhay pa rin siya. Sa panahon ngayon, namamatay na ang tao pag tungtong nya ng kwarenta, pero sya, hayun, otsenta na, nakakatakbo pa. Tsaka, meron ba talagang “swerte”. Ano ang swerte para sa tao?
Nong panahon ng lolo ko. Iisa ang ipinaglalaban ng mga tao.
Kalayaan.
Uso pa noon ang kapatiran at bayanihan. Maaaring maraming namatay pero namatay sila nang may dangal at iisa ang pinaglalaban. Ang kamatayan ng isa ang siyang nagpapaalab sa damdamin ng marami upang mabawi ang kalayaan sa kamay ng kaaway. Mas gugustuhin mong mamatay nang may ipinaglalaban.
Ngayon, ang kalayaang ipinaglaban ng mga ninuno natin ang siya ring kalayaang unti unting pumapatay sa atin.
Malaya tayong gawin ang maraming bagay. Malaya tayong maging magnanakaw, malaya tayong maging rapist. Malaya kang mag shoot ng music video sa loob ng kulungan. Malaya kang magselfie ng mahigit tatlong libong kopya ng mukha mo habang umiinom ng capuccino. Maraming pwede. Pwede kang pumatay nang pumatay. Pwede kang manira ng reputasyon ng kapitbahay. Pwede mong gawin kahit na anong bagay na labag sa batas kase pwede mong mabili ang katarungan. Malaya kang maging manloloko.
At malaya kang maging uto uto.
Kung nabubuhay si Rizal, baka suntukin ka nun.
Nasaan ang swerte ngayon. Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon, kung gaano tayo pinag isa ng digmaan ay gayun din tayong binaklas ng kasakiman. Nakahihindik kung iisipin mo kung anong mundo pa kaya ang nag aabang sa mga magiging anak at apo natin. Nakakaawa. Mas gugustuhin kaya nilang mabuhay na lamang sa nakaraan..
Internet, facebook, cellphone, appliances, computer, mga gusali, magagandang daan, Starbucks, Jollibee, SM, Big Brother, mga telenovela, teleserye, gameshow, casino, lotto, , baluktot na sistema ng edukasyon, baluktot na sistema ng relihiyon, Clash of Clans, ang sarap mabuhay ngayon ano? Sa dami na ng naiimbento ng tao, dadating ang panahong sarili nating mga pangarap ang gagamitin nila upang kumita. Hindi mo ba napapansin kung papaanong umiikot ang buhay natin sa maiitim na balak ng dambuhalang pamahalaan…….. Pamahalaan. Sayang. Isinilang ako sa maling panahon. Mas gusto ko pa yung payak na pamayanan kung saan nangingibabaw ang bayanihan. Mali ang lolo ko. Mas maswerte sya sapagkat alam nya kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng kalayaan. Kung nabuhay lang sana ako sa panahon nya, baka hindi na ako mangangamba sa darating na hinaharap kung saan ang kamatayan ay dumadaan lamang bilang bahagi isang walang kwentang buhay.
Isa lang ang paroroonan nating lahat. Lam mo kung ano? Kamatayan. Dyan tayo lahat patungo. Mas malawak ang saklaw ng kamatayan kumpara sa buhay. Hindi lahat ng tao nabubuhay, pero lahat namamatay.
Kaya kung ok lang sayo ang mga nangyayari sa paligid, mag isip isip ka. Tayo ang mga Anak ng Bayan pero tayo tayo rin ang nagpapatayan. Kawawa naman ang Pilipinas.
Ayaw mo ba ng magandang Pilipinas para sa mga anak mo?
Ngayon. Kung bibigyan ka ng pagkakataon. Sige lang.
When I die, please don’t use coffin and chemicals. Please just bury me, and put a seed of mango in my grave.
” Ngayon, ang kalayaang ipinaglaban ng mga ninuno natin ang siya ring kalayaang unti unting pumapatay sa atin. ”
– Dumangsil
goosebumps
Maraming Pilipino ang gusto ng pagbabago pero ang problema ng iba, balat sibuyas at hindi makatanggap ng constructive criticism at ang laging bukambibig ay mag good vibes na lang. Pag pinipintasan si Ngoyngoy, maka Binay ka na. Pag bobo ang tingin mo kay Trillanes, si Grace Poe ang manok mo sa 2016. Andaming gago at mabababaw na nabubuhay sa ganitong false logic. Pinalaki kasi sila sa corrupt system na mas mahalaga ang relihiyon at may kinakampihan kesa gumalaw para sa sarili nila. Tinuturuan tayo ng mga magulang natin na maging palaasa at utu uto sa ibang tao at walang tamang disiplina para mabuhay na independent. Ilang Pilipino ang nakatira pa rin sa mga magulang past their 30s? Ilang college graduates ang hanggang ngayon ay hindi makabuo ng basic english sentence at nagkakamali pa rin sa resume? Gaano karaming tao ang mas gusto pang manood ng korean novela maghapon kesa magtrabaho at baguhin ang buhay nila? Maraming gusto ng pagbabago pero puro hanggang salita lang.
Kung ang balak ng mga Filipino sa buhay nila ay pasikatin at itataas ang sarili sa mga ibang tao sa paligid, eh wala talagang balak magbago yan. Gusto talaga, “ako ang una!” “ako ang sikat!” “ako ang mayaman!” Yan ang dapat baguhin sa tao.
We reap, what we sow…if we do something good for the next Filipino generation…they will reap this good.
Hardship, evil, crimes, etc..happened in any time of our world’s history…there were good also that happened…
We think of the “good old days”…but they were like the ordinary days now.
We all cannot escape History…the future, whereby, no PR is there, to work for us…
Good and Wicked things happen in every time, in ever generation.
I’m still lucky to be born in this Information Technology time..
Anihin natin and atin itinanim…Kung maganda ang atin tinanim …maganda ang manahin ay ng mga anak natin…
Kahirapan, kasamahan, criminalidad, at iba pa…ay nangyari sa bawat tiempo ng historiya ng mundo…mayroon din mga magagangang nangyari.
Tayo ay palaging lumilingon sa nakakaraan…pero yung mga tiempong yun, ay mga ordinaryong tiyempo din…
Hindi natin maiwasan ang paghuhukom ang mga susunod na henerasiyon sa atin..
May mga masama at maganda, ang nanyari sa bawat generasiyon.
Mapalad ako na ipinanganak sa “Information Technology” generation..
Ako, masaya na ako na ipinanganak kesa inilaglag. Kesehoda kung ano’ng dekada o henerasyon ako isinilang, ang importante nandito ako himihinga at nakikibaka sa kung ano ang ibinibigay ng buhay.
Ang kalayaang ipinaglaban ng mga ninuno natin ay mahalaga hindi dahil sa ipinaglaban nila ito kundi sila ang maswerteng nagkataong lumaban para dito. Aba, kung tayo ang pinanganak nuon, di tayo sana ang nakipaglaban hindi sila.
Kung ano meron tayo ngayon kasi wala sila no’n. Kung meron sila ng mga meron tayo ngayon, sigurado ako ayaw na nating magkaro’n no’n. Luma na kasi.
Ang nakaraan ay nakaraan na. Hindi na natin dapat panghinayangan sapagkat kaya tayo ganito ngayon, mabuti man o masama, ay dahil sa nuon. Hindi pwedeng paghambingin ang nuon at ngayon dahil ito ay parehong parte lamang ng isang kabuuan.
Ang buhay. Bow!
it’s very clear the yellow army’s regime is nearing its end. but beware of a fake coup rumors it might be a yellow coup, so watch out for the one who they will replace pnoy, he might be another yellow.
An article 4 Filipino’s only,eh?
As far as a coup d’tat goes, it would be snuffed out in a few minutes by the United States Air-Force, if there were a military take-over of the palais, they would bomb they shit out of it and rebuild it….just to make a point. Do not forget who runs things in S.E.Asia. The USA doesn’t mind how the Fail-ippines runs its country/economy but when it comes to regime change, NOT SO FAST THERE BUCK-O,as the Italiano’s are want to say….. KAPECHE?
and if there were to be a regime change, the people doing the changing would do themselves a service by asking permission, FIRST.
If you mount a “coup d eat”, you don’t spread rumors….the People of the Philippines, must remove Aquino…
Remember the French Revolution…it was the ordinary French People, who removed the King of French…
The King of French was guarded by the finest Swiss Mercenary Army Guards…the Swiss Guards were butchered…
You can see their memorial in Switzerland:the “Wounded Lion”…
@ H007T …YES, of course. The referrence was made to a MILITRAY take-over which is what a ‘Coup De Tat’ actually is…
A revolution is what happens when the people of a country overthrow a current regime.
as far as a ‘revolution’ goes in the Philippines, if it has not happened by now….it aint gonna happen.The people have been neutered.The French had balls and were willing to die.
BTW, the leaders of the French ‘Reign of Terror’ were the “Jacobins”,and depending on which history book you read they either were highly organized and backed by some parts of the military (Napoleon)OR they were just the ordinary people.I think it was both.
@James Gang:
French Revolution was the work of French People…then was led by Robespierre and the Jacobins. It led to the : Declaration of the Rights of Men;then to the: Abolition of Feudalism…the Philippines has yet to abolish Feudalism.
Then, came the :Reign of Terror. Many perished in the French Guillotine, including the leaders: Robespierre and Denton.
To have sanity and stop the Reign of Terror. Napoleon Bonaparte made the coup d’ etat…and grabbed power…
Everyone thinks of changing the world, but no one thinks of changing himself.
Ako sa totoo lang naiisip ko na sana nabuhay ako noong unang panahon pa! Bago dumating ang mga relihiyon ng Islam at Kristyano sa ating mga isla! Walang dayuhan na Kastila, Amerikano o Hapon na nais sumakop!
Ang tao noon nakapamuhay ng mapayapa at ng sarili! Magtayo ka ng kubo mo at magtanim sa tabing lupa nito ayos na! Ngayon kelangan mo pa bumili ng lupa, tituluhan ito at mag bayad kada taon ng amiliyar sa gobyerno! Tubig na sanay libre kelangan mo na bayaran! At ano susunod? Pati hangin na hinihinga baka singilin narin tayo!
Ngayon panahon kelangan narin magbayad ng buwis sa gobyerno na napakabulok ng serbisyo!
Kaya di mawala ang mga rebelde sa bansang ito dahil patuloy tayo inaalipin ng gobyernong dapat sanay manilbihan sa mga tao nag tiwala at nagluklok sa kanila sa pwesto!
Sana nabuhay ako sa panahaon na ang mga isla natin noon ay di pa nabansagan Pilipinas! Nakakabwisit isipin na ang ating bansa ay naipangalan sa hari ng Espanya noong mga panahon ng tayo’y sakupin ng mga Kastila!
Sa mga pinatutupad ng mga gobyerno at ng UN para sa buong mundo ayoko ng ganitong pagbabago! Gusto ko ang bawat tao ay tuluyang maging Malaya!
sinasabi natin palage na ang nangyayare ay itinatadhana ng kapalaran, kapag may mga pangyayare na labag sa ating kagustuhan o mga bagay na di tayo sang-ayon ngunit nagsawalang-kibo na lang tayo dahil sinasabi natin palage yan ang kapalaran eh! kaya naging ganito ang bansa natin dahil nadadala lang tayo palage ng emosyon at kung ano lang ang nakikita at nababasa natin, takot tayong humarap sa mga pagsubok at sa pagbabago , dapat kumikilos tayo para sa kapakanan ng lahat at dahil yun ang ibig natin mangyare……