This is just a short translation of one of my previous articles about the MTRCB. Apparently, people want it translated since it seems that there are members of the esteemed Movie and Television Review and Classification Board who can’t even write proper English according to this here by my friend Dominic Alfred so I think I may have to make adjustments just to get my point across to them. Anyway, if my point still isn’t obvious even after posting this, I’m going to seriously consider posting my articles in Enochian just to make sure that even eldritch abominations can understand my articles (if they bother reading it at all).
Sa totoo lang, kahit ano pang sabihin ko tungkol sa media, hindi naman talaga sila ang dapat natin sisihin. Sa katunayan, ginagawa lang naman nila ang trabaho nila at, tulad nating lahat, gusto lang naman nilang kumita sa kanilang negosyo. Ang responsibilidad ng pag-bigay sa mga mamamayan ng mga palabas na kapupulutan ng aral at makapag-papaganda sa katauhan ay ang MTRCB. Ngunit sa kasamaang palad, mukhang wala na sila sa sirkulasyon dahil naglipa na ang mga maling mensahe sa ating mga kabataan at mukhang magpapatuloy pa ito mukhang mawawalan na talaga ng kahit-anong pag-asa ang bayan natin.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Heto ang aking mga obserbasyon:
Dumadami Ang Mga Nabubuntis Ng Wala Sa Edad
Sa katunayan, meron naman talagang ganito. Kahit sa Maria nga na ina ni Hesus ay nabuntis ng siya lamang ay katorse. Ngunit dahil sa pag-bomba sa atin ng ating media ng mga kuwento na pinag-pipilitan ng marami ay tungkol sa pag-ibig, parami ng parami ang mga kabataang nabubuntis ng wala sa edad. Bilang isang alalay ng isang psychologist, naalarma na ako na andami-dami ng mga kaso ng mga batang babae na nakukuha ng amo ko at pabata pa sila ng pabata. Hindi ako nagbibiro na ang isa sa mga nakaraan naming kliyente ay labing-isang taong gulang pa lamang.
Wala namang masama sa tema ng pag-ibig. Sa katunayan nga, kasama na talaga ito sa karamihan ng mga magagandang kuwento. Ngunit hindi umiikot ang buhay ng tao sa pag-ibig lamang. Bilang mga tao, hindi lang naman pag-ibig ang aspeto ng buhay natin. Pero ayon sa karamihan ng lokal na musika, palabas sa TV at pelikula sa sine, napaka-lungkot mo kung wala kang minamahal na iba. Di bale ng huwag kang kumain, wala kang pera, wala kang tahanan at wala kang matinong kinabukasan basta lamang may tao kang minamahal.
Dahil napaka-dominante ng tema ng pag-ibig sa ating media, hindi na talaga nakakagulat kung bakit andami-dami sa kabataan ang nae-engganyo na makipag-talik. At dahil napaka-“conservative” natin, napapagtakpan natin ang mga hindi magandang naidudulot ng wala sa oras na pakikipag-talik. Hindi na nga natin nako-kontrol ang “pag-iibigan” ng mga kabataan ngayon, mukhang wala pa tayong balak na bigyan sila ng babala sa kung anong puwedeng mangyari sa kanila sa ganitong mga klase ng sitwasyon. Halos ayaw nating ipakita ang mga hindi kanais-nais na katotohanan na ang “pag-ibig” na nararamdaman ng mga kabataan ngayon ay “libog” lamang na puwedeng magdulot ng wala sa panahon na pagbubuntis o sakit na nakukuha sa pakikipag-talik.
Andaming Pamilya Na Nabubuwag
Kailangan ko munang ilinaw na naniniwala ako na lahat tayo ay malayang puwedeng mamili ng gusto nating panoorin. Lahat tayo ay may kalayaan na piliin ang gusto nating palabas. Ngunit sa napapansin ko, mukhang wala ng ibang tema na maisip ang lokal nating media kundi ang pangangaliwa at mga pamilyang nawasak dahil sa pakiki-apid.
Tulad din ng mga isyu tungkol sa “pag-ibig” na naka-saad sa taas, hindi maiiwasan na tumatak ang ganitong bagay sa pag-iisip ng mga tao. Ang amo kong professional psychologist at counselor ay naniniwalang lahat ng bagay na napapanood lagi ay tumatatak sa ating isip sa gusto natin o hindi. Noong nakaraang taon na ako ay depressed, pinag-bawalan niya akong maglaro ng Warhammer 40,000 habang ako ay binibigyan niya ng psychotherapy dahil kasama daw ito sa nagpapalala ng aking kondisyon. Para sa mga hindi nakaka-alam, ang Warhammer 40,000 ay isang laro sa mesa o computer na kilalang-kilala sa Estados Unidos at United Kingdom dahil sa kagimbal-gimbal at karumal-dumal na kuwento nito. Sabi sa akin ng amo ko na dati kong counselor na ang masyadong panonood o paglalaro ng iisang bagay ay puwedeng mag-dulot ng mga maling paniniwala at pananaw sa buhay.
Kung hindi kayo naniniwala na hindi na maganda ang ginagawa ng ating media, sasabihin ko ngayon na parami din ng parami ang mga kliyente naming paniwalang-paniwala na kinakaliwa o balak silang kaliwain ng kanilang mga asawa kahit wala naman silang pruweba na patunayan ito. Sa bandang huli ay pinag-bawalan silang manood ng amo ko na manood ng mga teleserye at, pagkatapos ng ilang buwan, ay naging maayos din ang lahat.
Hindi ko sinasabing dapat ipag-bawal ang mga ganitong palabas. Ang sinasabi ko lamang ay dapat natin itong bawasan at mag-bigay naman ng oras sa sa ibang mga palabas na puwedeng kapulutan ng magandang aral para sa mga manunood.
Mga Batang Namo-Molestiya
Siguro naman, alam niyo na ang isyu tungkol kay Andrea Brillantes. Puwes, huwag kayong mag-alala. Hindi siya ang pag-uusapan natin. Ang pag-uusapan natin ay bakit tila wala tayong paik-alam sa mga maling gawain at pagpapakita ng mga bata sa ating media.
Bakit nga ba parang wala na tayong paki-alam kung nasasama ang mga bata sa kalaswaan na ginagawa ng mga matatanda sa TV? Bakit nga ba walang na-alarma pag nakikita nilang naka-suot ng “sexy” ang mga bata sa TV at bakit naiisip pa silang pasayawin ng mga producer sa malaswang paraan? Bukod sa lahat, bakit wala man lang nakaka-isip na may mga taong naghahanap ng ganitong klaseng alindog?
Hindi na talaga natin maitatanggi na maraming mga dayuhang pedophile ang nagpupunta sa Pilipinas dahil alam nilang wala talaga tayong paki-alam sa mga bata kahit masankot pa ang mga ito sa kalaswaan. At ang masaklap pa nga, meron pang mga naghihikayat nito.
***
Sabi nila, tinanggal daw ang anime sa hapon dahil wala daw itong maganda na naidudulot sa mga manunood nito. Kung totoo man iyon, masasabi ko na kahit ganoon, wala naman silang naidulot na masama sa mga nanunood di tulad ng mga lokal na palabas natin. Kaya puwede ba, kung hindi niyo ibabalik ang mga anime, sana naman bawasan niyo ang masamang impluwensiya ng lokal na media.
GUMISING KAYO MTRCB!
I HAVE RETURNED TO LAY WASTE TO OUR ENEMIES!
I sent this article link to MTRCB admin inbox. I wonder what will be their reaction.
Or wonder if they will ever read the link?
Hi, Grimwald,
Nabasa ko na yung post mo nito in English. If I remember correctly, you’re of foreign descent, so medyo hindi ka sanay sa Filipino. Konting edit lang sa sumusunod: (tulong lang, hindi pang-iinsulto. Not at all.) (At pwede mong burahin tong comment ko after ka mag-edit, or just totally ignore me. I won’t mind.)
Dumadami Ang Mga Nabubuntis Ng Wala Sa Edad
*Dumadami Ang Mga Nabubuntis Nang Wala Sa Edad
parami ng parami
parami nang parami
Andaming Pamilya Na Nabubuwag
Andaming Pamilyang Nabubuwag
Mga Batang Namo-Molestiya
Mga Batang Namomolestiya
(At marami pang ibang gaya nyan. Sorry, di ko na ipo-point out lahat.)
Para lang maging tama rin ang Filipino grammar ng site, hindi lang English. You guys are already doing a great job here.
Thanks sa posts. 🙂
At saka yung sa anime, I cannot agree more. Si Son Gokuu kaya ang huwaran. Halos lumuwa na ang puppies ni Bulma, aba, walang malisya si kuya! 😀
Pa’no kaya sila nakabuo ni Chi-chi? May bribe na pagkain? LOL
Alam ko na, baka yung gayuma din sa Gintama ang ginamit kay Goku…
Pwede~~~ hahah~
No, I am not. Amerikano ang lolo ko pero hindi ko siya kamag-anak. Asawa siya ng tita ng nanay ko.
Pero siya kasi ang nagpalaki sa akin kaya hindi ako sanay magsulat ng Tagalog…
Pero salamat din sa pagpuna sa mga mali ko. Kailangan din natin tanggapin na marami din tayong mga kahinaan.
I see. Kala ko may American blood ka. Sorry naman. Hahah~
Anyway, I’m still reading your articles here, and enjoying most of them. Kudos to you guys!
Sammie, it’s really refreshing to see a Filipino/Tagalog grammar Nazi. I wish there were more of your kind on social media.
We tend to attribute the decline of English proficiency here to the introduction of Tagalog/Filipino as a medium of instruction in schools back in the 70s. Pero, ‘anyare’?
It is natural to expect proper Tagalog to have propagated since then. But I lurk around social media now and, qué horror! Somebody has been spreading the wrong Tagalog!
@JustineD
True!
Nakakalungkot, sa totoo lang. Mas “marunong” pa sa English ang karamihan sa mga bata ngayon. (Pero, in quotes yan… alam mo na.) Tapos, yung Filipino, iniiwan sa talahiban. Madali rin kasing isawalang-bahala yung grammar natin lalo sa texting kasi syllabicated tayo magsulat.
Thanks sa comment! 🙂
Sa totoo lang, mas na-intindihan ko yung English version ng topic na ito.
Yep, I gotta work on that, I know.
eto ang pinapanood ko sa channel 5:
Word of the Lourd
Kasaysayan noon, tsismis ngayon (history)
GMA 7:
iWitness
Maganda rin ung Motorcycle Diaries ni Jay Taruc
at kay Ms. Kara David na umakyat siya sa Mt. Olympus. hindi ko alam ung pamagat ng palabas na iyon.
May magaganda pa rin naman na palabas ngayon pero majority sa ABS-CBN puro teleserye. marami kasi sila pinapasikat na artista kaya puro telenovela na lang. kaya ang resulta, pag-ignorante ng taumbayan.
Sang ayon ako sa lahat ng sinabi mo…
Most of the time, maganda ang docu (or doco) sa GMA NewsTV, pero yung iba, I think are poverty porn na rin minsan. Depende na rin siguro sa pananaw ng manunuod.
If the media keeps propagating jologs, scandals and love stories, it is natural to expect an economy based on jologs, scandals and love stories – A “That’s Entertainment” economy.
Compare that with a media that propagates new skills/trade, or something like the kickstarter culture happening in the US.
There is no hope, however, on wishing that media outfits would become socially responsible. Our only hope is through legislation. Double-whammy though! Our legislators are from the That’s E crowd themselves!
I really wish your article would become viral. There is a formula for this, BTW. Simply translating the write up into Tagalog doesn’t look enough. Ilda did it just recently.
The write up has to be scandalous! There has to be a mention of some well-loved idol in it. Or you can do a very obvious blind item ala-Boy Abunda/Kris Aquino (just don’t make it too deep for their kukotes). And – It has to hurt. This is the only way to hit into the very hearts of the JSLS aficionados. Watch them come in hordes in defense of their idols. If it’s controversial enough, only then might we have a chance of getting some action from their peers in the legislative.
Guess we also have to promote reading. What TV withheld from the people, we learn via reading newspapers, magazines, blogs and books. If majority of Pinoy are glued in their TV, we can’t expect their little knowledge to be expanded especially if they only watch to be entertained (as there are those who argue that they just watch TV for entertainment and most popular shows doesn’t benefit their brain).
Binasa ko iyong blog ng kaibigan mo. Mukha ngang weak AI na ang namamahala ng MTRCB base sa movie reviews na nakasaad doon. Maaaring may mga nangongolekta na lamang ng sahod habang pinapaubaya sa weak AI ang pagre-review ng mga palabas kung kaya’t mabenta ang indecent programs sa telebisyon. At sa tingin ko accurate naman ang review ng AI kung ang pinagkukuhanan niya ng data ay ang mga Pinoy rin na mahihilig sa mga nasabing palabas at walang pakialam kung may hindi magandang epekto iyon sa kabataan.
Kidding aside, if the MTRCB board is failing, trabaho dapat ng mga nag-appoint na itama o palitan sila. Hindi ba kasama ang MTRCB sa audit?
Hindi gigising ang MTRCB, dahil may lagay sila galing sa mga may negosiyo ng Media.
Lahat ng immoralidad, ay pinapalabas na. Para tayo na ang “Sodom at Gamorah”, sa Biblia ng mga Hudyio at Kristiyano.
Ang mga nabubuntis na menor de edad. Ang mga dayuhan na nag aakay sa mga bata, para makipagtalik sa kanila; ay bunga ito sa mga maling ipinapalabas sa mga Media; at kunwari natutulog na MTRCB.
Ang administrasiyon Aquino ay walang ginagawa, tungkol dito…
To simplify things.
Sa Japan, ang censorship, hindi ganun katindi. Pero matitino sila. Dito ang tindi ng censorship, mga asal barbaro pa rin ang karamihan sa mga Pilipino.
What went wrong?
The fact is that censorship always defeats its own purpose, for it creates, in the end, the kind of society that is incapable of exercising real discretion.