Ang Immoralidad ng Pinoy Media

Kamakailan lamang, meron mga naki-usap na isalin ko sa Tagalog o wikang Filipino ang tatlo sa aking mga nakaraan na artikulo. Ang isa ay iyong tungkol kay Vice Ganda, yung susunod ay ukol sa Pinoy Big Brother at iyong huli naman ay naglalaman ng mga kritisismo laban sa media ng Pilipinas. Madalang talaga akong gumawa ng artikulo sa Tagalog dahil mas sanay ako sa Ingles pero dahil may nagsabi sa akin na marami daw ang mas madaling makaka-intindi sa aking mga punto, pagbibigyan ko kayo sa ngayon dahil sa tingin ko ay napakahalaga ng media sa buhay ng bawat mamamayan at ito rin humuhubog o sumisira sa kaisipan ng isang pamayanan. Kaya lapit na at makinig kay Tito Grimwald…

morality_philippine_media

Pasensya na lang talaga at hindi ako sanay mag-kuwento sa Tagalog…

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Magsimula tayo sa isang pangyayari nitong nakaraan lamang. Sumali ako sa isang kumonidad sa isang MMORPG. Para sa mga walang gaanong alam sa mga video game, ang kumonidad o “gaming community” ay samahan sa isang MMORPG ng maraming manlalaro. Dahil karamihan ng mga MMORPG ay pang-buong mundo, malaki ang posibilidad na may mga gaming community na may mga miyembro na galing sa iba’t-ibang sulok ng daigdig. Isa na dito ang aking sinalihan na kumonidad at in-interview muna ako ng isa sa mga supervisor bago ako ay tuluyan nilang isali.

Ang supervisor na naka-usap ko ay isa palang police dispatcher na taga-New York. Naglalaro siya ng MMORPG bilang isang libangan at para na din magkaroon siya ng kaibigan sa iba’t-ibang parte ng mundo. Mahaba-haba ang aming naging usapan pero paiikliin ko na lang at pipiliin ang mga pinaka-importante sa mga batas ng kumonidad na sinalihan ko.

Heto ang mga sinabi niya na isinalin ko sa Tagalog:

“Ginoong Grimwald, maraming mga batas ang kumonidad na ito. Maraming MMORPG kung saan kasama ang kumonidad natin. Medyo sikat at malaki ang samahan na ito kaya medyo strikto na kami ngayon. Ayaw kasi namin ng gulo at gusto lang namin na ma-enjoy ng bawat miyembro namin ang game world. Heto muna ang tatlo sa mga pinaka-mahalagang batas ng ating kumonidad.

“Una, maging responsable at magalang. Ang lahat ng sasabihin mo ay maaring marinig o mabasa ng ibang mga manlalaro. Kaya kung sa palagay mo ay hindi magdudulot ng mabuti ang iyong mga sasabihin, huwag mo na lang ito ituloy. Irespeto mo ang iba kung gusto mo ring irespeto ka nila.

“Pangalawa, bawal ang personal na panlalait o pangbu-bully. Wala kang karapatan na laitin ang kahito sinong tao kahit kilala mo pa siya. Wala ka ring karapatan na mambastos ng kahit anong lahi, relihiyon o bansa. Kung meron kang binastos ng personal kahit miyembro sila ng iba pang kumonidad, tatanggalin na namin ang membership mo.

“Pangatlo, i-trato ng tama ang mga batang manlalaro. Maraming mga manlalaro na menor na edad pa lang. May mga miyembro ang kumonidad na ito na labing-isang gulang pa lang. Igalang mo sila at huwag kang magkukuwento ng kalaswaan pag kasama na sila. Higit sa lahat, bawal ang pakikipag-usap sa kanila sa malaswa na pamamaraan. Sa oras na mahuli kang nag-kukuwento ng malaswa o nag-hihikayat ng kalaswaan sa mga menor na manlalaro, tanggal ka kaagad at ire-report ka sa mga pulis diyan sa lugar mo.

“Nagkaka-intindihan ba tayo Ginoong Grimwald?”

Napansin ninyo siguro kung paano na lang pahalagahan ng mga Amerikano at mga mamamayan ng iba pang mayaman na bansa ang batas sa kanilang media. Kahit sa mismong online game ay seryoso sila sa pagpapatupad ng batas at pananatili ng kaayusan. Sabi sa akin ng mga nakalaro ko ay dahil daw ito sa kagustuhan nilang maging mabuting halimbawa sa kanilang kapwa.

Kung ganoon ay nalulungkot na lang ako dahil parang tila walang paki-alam ang mga kababayan ko sa media at kung paano nito sirain ang kanilang mga kaisipan…

Heto kasi ang napapansin ko sa mga lokal na palabas natin:

Puro Na Lang Ka-Walang Hiyaan Ang Tema Ng Mga Palabas Natin

Halos lahat na lang ng mga teleserye natin ay umiikot sa pangangaliwa, kalaswaan at patagong pakikipag-talik. Tapos andami sa ating nagtataka kung bakit pabata ng pabata ang mga nabubuntis at padami ng padami pa kamo sila. Totoo man na kahit ang mga anime na pinapalabas noon ay may halong konting kahalayan tulad ng Tenjo Tenge at Air Gear, hindi mo naman masasabi na kabastusan ang iniikutan ng kuwento. Ngunit ang mga lokal na teleserye ay lagi na lang naka-sentro sa tema ng pakikipag-talik sa hindi mo asawa, pag-iingit ng kapwa sa pamamagitan ng kalaswaan, paghihiganti at “pag-ibig” na sa bandang huli ay kalibugan lamang ng kabataan.

Ang Panlalait At Pananakit Ng Tao Ay Nakakatawa 

Isa ito siguro sa mga pinaka-malalang bagay na napapansin ko ngayon. Maraming nagsasabing nakakatawa daw ang mga patawa ni Vice Ganda pero, kung ako ang tatanungin ninyo, walang nakakatawa sa panlalait ng kapwa. Bandang huli, nananakit ka lamang ng damdamin ng iba at sinsira mo lang ang dignidad na iyong kapwa. Maging sino ka pa, ang panlalait sa mga taong hindi kaguwapuhan o kagandahan, mga may kapansanan o mga mahihirap sa pampublikong lugar ay kailanman hindi naging tama. Katanggap-tanggap pa siguro ito kung sa loob lang ito ng isang comedy bar, ngunit hindi ito nararapat na ipalabas sa buong bansa lalo na kung may mga batang nakakanood nito. Lagi po sana nating tandaan na kahit ang mga bagay na mali, pag nakikita ito ng isang bata, ay nagiging tama lalo na kung walang magulang na mag-gagabay sa kanila sa panunood.

Ang Pagsama Sa Mga Bata Sa Kalaswaan

Alam niyo na siguro ang isyu tungkol kay Andrea Brillantes, tama ba? Tapos, sa palagay ko, meron pa din ang nakaka-alala kung paano pinilit ni Willie Revillame na magsayaw sa malaswang pamamaraan ang isang batang lalake sa telebisyon. Ngayon, siguro naman may ideya na kayo kung bakit gustong-gusto ng mga child molester na magpunta sa Pilipinas. Karamihan sa atin ay masaya na sa pagbibigay ng kung anong gusto nila na walang paki-alam kung makakabuti ba sa kanila ito o hindi basta lang manahimik sila. Wala na rin tayong paki-alam kung maaring kursunudahin sila ng mga child molester dahil ayaw nating isipin na maaring malaswa na ang ginagawa o ang pinagagawa natin sa kanila.

13 Replies to “Ang Immoralidad ng Pinoy Media”

  1. For one, Grand Theft Auto may be seen by many as immoral or filled with nothing but wanton violence, but if you look into it it’s actually a brilliant piece of satire written as a stark commentary on what is wrong with society, e.g. racism, gun politics and ideologies, among other things. Most of those who watch teleseryes or other such melodramas would be shocked with my choice of game, but the question is, which of the two has more substance to it?

    Even though Michael De Santa was shown to be a hypocrite, he lamented in the opening chapter of Grand Theft Auto V that his son was addicted to vices and criticised what children are up to nowadays, just as what former child actress Diana Serra Cary warned in recent interviews.

  2. The Failipino people are sheep. The Failippines media is the shepherd. The media is the right arm of anarchy.

    A nation of sheep will beget a government of wolves. Whoever controls the media, controls the mind.

    1. which reminds me of these lines from Longfellow in his The Psalm of Life….just finished discussing the poem with my Grade 9 students

      “Be not like dumb, driven cattle!
      Be a hero in the strife.”

  3. Wikang Filipino – sabi ni Rizal mahalin natin. E bakit Hindi Nya sinulat ang noli at fili sa Tagalog? Kurakot na Kastila ba target audience niya? O Baka naman tila masyadong limitado ang vocubulary ng wika natin. Halimbawa ang salitang “cute” , “interesting”, o “convenient” – wala along alam na exact Filipino translation.

    Kaya tuloy wala tayong choice kundi mag ingles. Back to English mode ( this iPhone auto speller is already pissing me off) – our command of the English language has in some way been both a strength and a weak spot . Northern Asians come here to learn while Pinoys are top hires among multinational companies for their trainability. But for this very reason our country is suffering a massive brain drain with so much talent going offshore – all because they are so fluent in English.

    English – the blessing that is a curse for the Failippines. Unless we can change the mind of the next generation… Sorry off topic – but Grimwald started it – cheers!

    1. Well, what frustrates me even further is that the word “eldritch” has no Tagalog translation. “Eldritch” actually means “elfish” so “mala-enkanto” is the closest we can come to it. But even that is wrong. “Eldritch” is something that is almost impossible to fully comprehend.

    2. Wikang Filipino – sabi ni Rizal mahalin natin. E bakit Hindi Nya sinulat ang noli at fili sa Tagalog? Kurakot na Kastila ba target audience niya? O Baka naman tila masyadong limitado ang vocubulary ng wika natin. Halimbawa ang salitang “cute” , “interesting”, o “convenient” – wala along alam na exact Filipino translation.

      1. Rizal’s literary language is Spanish. He may know or speak other languages, but Spanish is his main literary language.

      2. Rizal wanted to maximize the number of people reached mainly in the Philippines, and Tagalog isn’t the best language, Spanish is.

      English a good language to learn today simply because it’s the dominant global language (thanks, USA!). It’s spelling is terrible, I need to rely on spelling checker to watch out my mispel … misspellings. (Spelling Bee is a joke, if you ask me). Filipino languages are way easier to spell.

      Tagalog has less vocabulary? Simple, borrow from another language, just like English, starting when Norman conquered England. The English language itself has most of its common words from French, Latin, a bit of Greek and from other countries (anime, anyone?).

      I don’t mind if English replaces Tagalog as the working language amongst Filipinos*. Personally, I think that accusing Tagalog as having less vocabulary is baseless because English borrows words from other languages.

      * More likely, the practical working language will be a mash up of Philippine languages and English, just take a look a Tok Pisin for how a real world languages in a region converges and evolves.

    3. para naman sa akin, sa pag-gamit ng kahit anong wika, pagiging malikhain ang kailangan. ngunit hindi makakamit ito kung hindi malalamim ang pagka-ugat ng wikang pinag-tubuan.

      300 years of Spain tyranny. forcing their language and culture with the tagalogs. then americans came and forced English and their culture. talagang wasak.

  4. Ang Panlalait At Pananakit Ng Tao Ay Nakakatawa

    Aking teknikal na pananaw:
    Maari kong idagdag ditto na karamihan sa nilalait ni Vice ay ang ating mga kababayang lahing “Austronesian”. ang mga halimbawa ay sina Pacman, Celia Veloso, at ang mga kapulisan at MMDA. tignan lang natin sila at makikita natin ang lahing “Austronesian”. Dito lang ata sa pinas nilalait ang kalahiang ito. di kaya’y dahil sa “colonial mentality”?

  5. What’s more, they claim we should support Pinoy Media because this is “sariling atin”; in other words, for nationalistic purposes. Uhm, hello,have you checked the contents of this so-called “Pinoy” media? Are you sure you’re not using foreign equipment? Are you sure you’re not getting actors and actresses with foreign blood? Are you sure the themes of your shows are not foreign? :v

    Tsaka, kasi daw pag daw mga kalandian ang pinapalabas, mas “mature” daw kaya mas okay daw kesa sa mga “pambatang” anime. Hahaha, the mere fact that everything in telebasuras is crappy,grom production, acting, writing, etc., makes it more childish…… XD

    Man, it’s so irritating that I’m surrounded with people who prefer these “mature” shows. I feel I’m becoming more insane every minute….. @.@

    1. “What’s more, they claim we should support Pinoy Media because this is “sariling atin”; in other words, for nationalistic purposes. Uhm, hello, have you checked the contents of this so-called “Pinoy” media? Are you sure you’re not using foreign equipment? Are you sure you’re not getting actors and actresses with foreign blood? Are you sure the themes of your shows are not foreign?”

      Indeed. It seems pinoys are obsessed with this concept of puritanical localism, or this idea that filipinos must use “pinoy only” products just so they could brag about their “racial purity.” It’s a complete waste of time and utterly meaningless.

  6. Ang Media ay magtuturo ng sapat na moralidad sa mga tao. Maari rin gawin silang kasangkapan ng mga pulitiko.

    Ang Media natin ay walang kontrol. Kung ano ang gustong panoorin ng mga tao. Yun ang pinapalabas…

  7. Teleserye/telenovela/teledrama is originally aimed for female audiences. I doubt if there are many men watching it except maybe if that’s the only show on TV or they were “encouraged” by the girlfriend or wife to watch it with them or the family only have one TV and the female in the family has the authority over the remote control and there’s no agreement on what and just when to watch. However, these teleserye seems to be everywhere because the thing with Pinoys is that they love gossip stories. The immoralities in the show are a feast for gossipers. And there are people who find comfort in something they can relate into that they no longer separate fiction from reality especially if it depicts the real incidences happening to them or around them.

    The problem start and grow with the Philippine media like ABS-CBN breaking their code of ethics because they become a for-profit company/corporation (sometimes I think Lopezes are the real-life Valentine of Kingsman aiming for Philippine domination after they released their ABS-CBNmobile and ABS-CBN TV plus). Teleseryes should only be shown on prime time meaning that’s anytime after dinner but their shows are like back-to-back-to-back afternoon teleseryes and then non-stop teleseryes at night. I also noticed that teleseryes starring children have contents more for adults than children. It’s a far cry from “Cedie, Ang Munting Prinsipe” or “Princess Sarah”. Noon time shows is supposed to be just a breather from busy work hours that’s why it was shown during lunch hours. But entertainment doesn’t have to be degrading. It’s more relaxing if they will show wholesome comedy, showcase real talents, wit or intelligence, and there would perform certified singer, dancer or rock band or guest individuals with amazing talents to show. And it’ll really be worth watching if it promotes honest public service (like giving startup business grants what they call “kabuhayan showcase” or giving prizes for games that involves skills or knowledge). During break sa trabaho nakakapanood ako ng Eat Bulaga or Showtime kasi ‘yon ang palabas sa canteen. I must say I am more entertained with Eat Bulaga (with Pinoy Henyo, All-for-One Bayanihan. The last that I watched All-for-One is there’s this Ka-Voice contest; it was entertaining to hear an average Pinoy imitate atleast five different voices of prominent people). Showtime kasi offending most of the time (yes, like you said, Grimwald, ginagawa ni Vice na comedy bar ang noon time show nila) at obvious na mas nafo-focus ang show sa mga host and that they are only copying good shows of Eat Bulaga because they can’t produce better segments.

    Since one of the staples in Philippine television is the teleserye, ABS-CBN, GMA7 and TV5 should at least make their teleseryes worth watching. The creators should put substance to it where people can analyze and have their mind opened. For example, stories like that of the lives of farmers (how they produce crop yield) and fishermen in the Philippines (how they fish), the beauty of farming and living on the seaside, respecting nature and environment, also their constant struggle in the country and how they can become a force for food self-sufficiency in the country; how government workers work in LGU’s especially government agencies that served people on the daily basis, the kind of services our government gives, better services yet to be given; how police and military forces work, the crimes they have to face, how they solve those crimes and violent revolution. They should also produce teleseryes about the life of notable Filipinos like Agapito Flores who was able to produce his own version of flourescent bulb by his own undertaking and knowledge, or struggles and successes in studies of students, student inventors, situation in Philippine schools, let’s also have characters like a teacher who’s as good as Rizal and students as good as Tiffany Uy and the UP student before her who got a GWA of Uno. The true to life works on disaster rescue and rehabilitation, how regular Filipinos faced and should face usual calamities that hit the country. These way the Philippine media also stick to social realism which I think is the main purpose of our teleseryes before romance teleseryes become a hit on TV. They should have made our teleseryes about what people does, what made them succeed or fail in their profession, their ideas that are useful in their profession, the things they imagined for their surroundings and how they make it work; conspiracy theories; and all that you’ve mentioned in your article about rekomendadong palabas.

    Code of ethics is important. Without it, one will just contribute to the fall of others. Philippine media should again start producing shows that will not only inspire people but that will also challenge their mind, where they can learn something for their benefit. At present, MTRCB is working on cancelling shows like Pinoy Big Brother teen edition and if MTRCB work harder and stick to their code of ethics, a lot of shows will have to be cancelled or have to change and host like Vice Ganda will again be suspended for degrading their audiences. People should also air their concern about shows that they think is not good for their children to watch, gives misinformation and not fit to be shown on TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.