Mag umpisa tayo kay Ginoong Thomas Edison.
Ayon sa mga libro na “nabasa” natin noong elementary at highschool pa tayo, si Thomas Edison “daw” ang umimbento ng bumbilya. Sa kanya nakatuon ang atensyon natin sa mga pagkakataong uhaw tayo sa kaalaman kung sino ang nakagawa ng napakalaking kontribusyon sa larangan ng teknolohiya. Oo. Maaaring si Thomas Edison nga ang umimbento ng bumbilya. Pero bakit?
Tingnan naman natin si Ginoong Nikola Tesla.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Isa ring imbentor. Sa parehong panahon kung kelan dinidivelop ang light bulb ni Edison, doon rin unti unting umusbong ang libo libong ideya na nasa utak ni Ginoong Tesla.
***
May tatlong bahagi ang mundo. Ang lithosphere, o ang ibabaw at kalaliman ng kalupaan . Ang hydrosphere o ang karagatan. At ang atmosphere. O ang himpapawid.
Mag focus tayo sa atmosphere. O himpapawid.
Nahahati ito sa iba’t ibang layer hanggang sa kalawakan. At isa dito ay ang ionosphere. Na hindi ko alam kung paano tagalugin.
Ang ionosphere ang layer ng himpapawid na matatagpuan walumpung kilometro hanggang anim na raang kilometro kung susukatin mo pataas sa langit mula sa Maynila. At ang buong ionosphere ay binubuo ng mga electronically charged particles na kung tawagin ay mga ions. Electronically charged na kung tawagin ay “ions” na nabuo dahil sa matinding radiation galing sa araw na hindi pa nafifilter ng ozone layer.
Electronically charged. Ibig sabihin. Kuryente. Oo. Punong puno ng kuryente ang ating atmosphere at hindi na kailangan ng power plants para ito’y likhain.
Sa bisa ng matalinong utak ni Ginoong Tesla, at limpak limpak na pondo mula kay J.P. Morgan, isang tower sa Shoreham, New York ang kanilang ipinatayo. At ang purpose ng tower na iyon ay kuhanin ang mga ions o enerhiya galing sa himpapawid upang magamit ng mga nilalang na nasa lupa.
Nang libre.
Nangarap si Ginoong Tesla na magpatayo ng mas maraming towers para mapakinabangan ng tao ang kuryenteng galing sa kalikasan. Nasa unang kabanata pa lamang ng eksperimento ni Ginoong Tesla ang naturang tower nang biglang itigil ni J.P. Morgan ang pagbibigay ng pondo sa kanyang mga ginagawa . Ang libreng enerhiya para sa lahat ay naglahong parang bula. Giniba ang tower. Ang naumpisahan ay hindi natapos at hindi nadevelop. Namatay si Tesla dahil sa sakit at ang kanyang mga pag aaral at mga naisulat ay sinamsam ng gubyerno. Nasayang ang kanyang mga pangarap. At walang nangahas na ipagpatuloy ito. Bakit?
Balik tayo kay Ginoong Edison. Sa tulong ng kuryente galing sa mga power plant na pinapatakbo ng mga fossil fuels, umilaw ang kauna unahang bumbilya na nagbigay liwanag sa libo libong mga pamilya sa America. Isang bumbilya. Ito ang inihain ni Ginoong Edison sa nagugutom na bulsa ni Ginoong J.P. Morgan. Bawat bumbilya ay may kaakibat na halaga. At bawat bumbilya ay nangangahulugan ng “kita”.
Hindi kagaya ng libreng kuryente na prinupose ni Nikola Tesla, mas maraming potensyal na “pera” sa idea ni Edison kaya mas pinili ni J.P. Morgan na pondohan ang factory ng milyon milyong bumbilya.
What’s the point?
Balik tayo sa napakagandang bansang Pilipinas, na nananatili pa ring Third World Country kahit ilang dekada na ang nakalipas simula nang mapatalsik si Marcos. Isa sa napakalaking dahilan ng hindi pag unlad ng bansa ay ang paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino.
Isa sa mga problema ay ang mga Pilipino mismo. Ang pag iisip.
Ulet. Ang pag-iisip.
Kung tayo ay bahagyang magbabalik tanaw sa kasaysayan ng pag unlad ng isang tao, kailan ba talaga natin natuklasan ang kakayanan nating mag-isip? Pagkalabas ng bata sa sinapupunan, hindi ka pwedeng umasa na may alam na agad sya. At ang mga unang bagay na matututunan nya ay manggagaling paligid nya, pwedeng sa kanyang mga magulang. O di kaya naman ay sa mga kikilalanin nyang mga magulang kung sakaling ampon sya.
Nasa gitna ako ng makapigil hiningang byahe sa kahabaan ng EDSA simula Makati papuntang Guadalupe. Mukhang baliw sa unang tingin, pero hindi halata kasi naka shades ako. Napukaw ang aking atensyon ng isang batang hindi ko alam kung ilang taon na. Siguro mga four. Umiinom ang bata ng softdrinks. Nakaplastic. Napakarami nyang tanong sa kanyang nanay, pero walang ibang sagot ang kanyang ina kundi “wag kang maingay, kukunin ka ng pulis!”
Uhaw na uhaw sa kaalaman ang kawawang bata dahil hindi kayang saguting ng nanay ang simpleng tanong ng kanyang anak na, “Mama, ano yung mahabang jeep.”
Gusto ko sanang sabihin na, “yun ang MRT, hindi yun jeep. Isa yung tren. Bibigyan kita mamaya ng children’s book tungkol sa mga tren tapos kakain tayo”.
Pero naunahan ako ng “wag kang maingay. Kukunin ka ng pulis!”.
Tumahimik bahagya ang bata pero muli nyang kinalabit ang nanay nya.
“Mama, ubos na ang coke.”
Pero muli syang sinagot ng kanyang nanay. “Sige nak, tapon mo na sa bintana yung plastic. Bababa na tayo.”
Tinapon ng walang malay na bata ang plastic ng coke sa bintana ng jeep. Sinundan ko ng tingin ang plastic na nilipad ng hangin. Nafafalo ako sa noo ko.
Iisang lugar lang ang binabaan namin. Gusto kong bigyan ng uppercut yung nanay ng bata pero naisip kong masasaktan lang ang kamao ko. Nanatiling lumilipad lipad sa mainit na lansangan ng EDSA ang itinapong plastic ng coke. Walang nadagdag na kapakipakinabang na kaalaman sa murang utak ng bata. Dito pa lamang, parang may mali na.
Isang bisita sa website na GetRealPhilippines ang naglahad ng kanyang saloobin. Minsan daw ay nagtanong sya sa kanyang nanay.
“San po ako nanggaling?”
At ang matalinong sagot ng kanyang magulang?
“Galing ka sa pwet!”
Malaki na daw sya nang mapagtanto nyang maraming bata sa Pilipinas ang pinalaki sa maling paraan gaya ng simpleng pagsagot sa kanilang mga simpleng tanong. Lumipat sila sa America at nashock daw sya sa paraan ng pag iisip ng mga tao roon. Buong detalye raw na ipinaliwanag sa kanya lahat ng mga sagot sa tanong nya.
Lubhang napakalayo mula sa sagot na “galing ka sa pwet!”.
Hindi ako naniniwalang lahat ng mga magulang ay gaya ng nanay ng bata sa jeep. Pero naniniwala ako sa katotohanang kulang na kulang sa mahahalagang impormasyon ang kasalukuyang kultura na humuhulma sa mga murang isipan ng mga bata. Madamot ang mga magulang sa mga kapaki pakinabang na ideya na maaari nilang ibahagi sa mga bata. Mas gusto pa nilang pasayawin ang anak nila, pakantahin, pasalihin sa kung anu anong contest katulad ng pasexyhan para sa mga limang taon. Kids edition. Papuntahin sa kung sino sino para humingi ng papasko.
Magulang ang unang huhubog sa isipan ng mga bata, at sa eskwelahan na ang susunod nitong kabanata.
Halina’t sumama tayo sa makabuluhang paglalakbay ng isang bata sa mundo ng kaalaman. Umpisahan natin sa Pre school at elementary. Iisa ang educational system na sinusunod ng lahat ng school. Kto12 ang latest. Correct me if Im wrong.
Tuturuan nila tayong magbasa, bumilang, magsulat. Ika ni Rizal, tayo ang pag asa ng bayan. Pero sa tingin ng gubyerno, isa tayo sa milyon milyong bumbilya na pwedeng magbigay ng kita sa gubyerno. Binigyan tayo ng walang kwentang mga palabas sa tv para maniwala tayong lahat ng masasamang nangyayari sa Pilipinas ay “normal”.
Pero simula Grade 2, marunong na tayong magbasa at dito na mag uumpisang manipulahin ng gubyerno ang utak ng mga bata. Marunong na tayong bumasa at kapansin pansin na ang “Government Property” na nakatatak sa mga libro natin.
Punta tayo sa highschool years natin. Sa panahong ito, medyo kumakalas na tayo sa mga magulang natin. Lahat ng malalaman natin tungkol sa kasaysayan ay ayon sa mga libro nina Zaide o kay Agoncillo. Maraming mahahalagang bagay tungkol sa kasaysayan ang hindi ituturo ng gubyerno sa atin.
At kapag nag uumpisa na tayong maging “adult”, dito na tayo hahainan ng media ng idea na pangit sa Pilipinas kaya kailangang mag abroad ka na lang. Oo. Mas maraming pera sa abroad, kaya imbis na matuto, ang mag abroad at kumita ng maraming pera ang magiging layunin mo sa buhay.
Wala ang layunin ng “pag-aaral”. Papasok ka lamang para magpataas ng marka, hindi para matuto. Mas magcoconcentrate tayo sa pagsasaulo, imbis na umintindi. Pag nagtanong ang teacher ng “is there any questions?”, walang sumasagot.
Nawala na ang tunay na diwa ng edukasyon. Ayaw nilang matuto tayo. Kailangang sumunod tayo sa idinidikta ng pamahalaan. Karamihan ay papasok sa kolehiyo hindi dahil sa sining at pag unawa kundi dahil sa pera. Mag aaral tayo nang mag aaral para maging empleyado. Mag eengineer ka hindi dahil gusto mong paunlarin ang mga istruktura ang Pilipinas, kundi dahil gusto mong mag abroad. Mag na nurse ka hindi dahil gusto mong umangat ang estado ng kalusugan ng Pilipinas, kundi dahil mag abroad. Mag pupulis ka hindi dahil gusto mong pababain ang kriminalidad sa bansa , kundi dahil gusto mo ng kapangyarihan. Mas makapangyarihan mas maganda. Mas marami kang pwedeng gawin. Masama man o mabuti.
Mag ti teacher ka pero kontrolado rin ng gubyerno kung anong mga ituturo mo. Hanga ako sa mga guro. Walang masama sa pagiging guro. Ang sistema ng edukasyon ang may problema. Siguro panahon na para taasan ang grade sa Values Education dahil kulang na kulang na tayo sa pagpapahalaga.
Naniniwala akong malaking bahagi pa rin ng populasyon ang may natitira pang pagpapahalaga sa mga ginagawa nila. Marami sa atin ang magagaling pero umaalis sila ng bansa dahil wala silang mapapala sa Pilipinas. Nakakalungkot isipin na marami pa rin ang hindi man lang nakaranas magsuot ng uniform o pam PE. Marami pa rin ang nagtatrabaho na pagkatapos ng highschool, at marami pa rin ang ok na sa TESDA, para magkaroon man lamang ng konting bala para makipaglaban sa hagupit ng katotohanan. Malamig ang luha ng inang bayan.
Tulad ni Ginoong Tesla, napakaraming matatalinong idea ang hindi napapahalagahan ng gubyerno dahil babagsak ang negosyo ng mga pulitiko. “Tao” mismo ang ginagawang produkto ng gubyerno para iangkat sa ibang bansa. Hindi natin napapansin na bawat graduates ay mga “potential finished products” ng gubyero na nakahanda nang ilagay sa package papunta sa ibang bansa. Mas nagko concentrate ang gubyerno na magpadala nang magpadala ng mga manggagawa sa abroad kesa gumawa ng trabaho dito mismo sa Pilipinas.
At dahil mahal ang palitan ng dolyar at piso, mura para sa ibang bansa ang bayad nila sa mga OFW, samantalang malaki na para sa atin ang katumbas nito. Maraming bansa ang nakikinabang sa murang labor galing sa atin. Uunlad ang ibang bansa pero hindi ang Pilipinas. Patuloy na sasabihin ng simbahan na ok lamang na magparami kayo nang magparami sapagkat pagkakakitaan ka ng gubyerno balang araw.
Wala na ang good intentions ni Ginoong Tesla. Mas nananaig ang business sense ni Edison. Ganyan ang takbo ng mundo ngayon. Ika nga ni Bob Ong, mahina ka pa nung nag umpisa kang mag aral, pero mahina ka na pagkatapos mong magretiro. Ganyan tayo eh. Simula umaga, gising na tayo bago pa man magumpisang umikot ang gulong ng ekonomiya. Hindi tayo binibigyan ng pagkakataong matuto dahil ang tanging purpose natin ay magtrabaho.
Pinag aral ka ng mga magulang mo para balang araw, “makatulong ka sa kanila”.
At malamang na kaya mo pag aarilin ang mga magiging anak mo ay para “makatulong sila sayo”.
At hindi matatapos ang paulit ulit na nangyayaring ito dahil habang parami nang parami ang iskwater, parami din nang parami ang mga condominium na walang laman at malalawak na golf courses na wala namang ibang pakinabang kundi ang……oops, wala akong maisip na pakinabang ng golf courses. Sorry.
Amininin na natin. Marami tayong alam. Pero hindi natin naiintindihan. Marami tayong natututunan sa school, pero kulang. Kulang tayo sa pag intindi at pagtatanong. Oo na lang. Basta makagraduate. At marami ring mga bagay ang hinding hindi ituturo sayo ng eskwelahan. Sabi ng mga Kastila, walang karapatan ang mga Indyo na matuto dahil wala silang ibang dapat gawin kuni ang sumunod at magbayad. Tumingin ka sa paligid mo ngayon. Sa tingin mo ba malaya ka, o isa ka lang sa milyon milyong bumbilya mula sa malaking pabrika ng pesteng oligarkiya.
Kailangan nating malaman ang mga nangyayari. Ang “tunay” na nangyayari. At kung mas mahalaga sayo ang magselfie at manood ng walang kwentang mga palabas sa TV, well, mag isip isip ka.
“ Don’t just teach your children to read…
Teach them to question what they
read.
Teach them to question
everything.”
-George Carlin
When I die, please don’t use coffin and chemicals. Please just bury me, and put a seed of mango in my grave.
No wonder, Pinoy parents have this phrase when a budding child questions them:
“Aba, sumasagot ka na? Ang haba na ng sungay mo!”
Wow. This is an amazing piece of work. Dumangsil, you are spot on esp ur methapors. Kudos!
Salamat din sa pagsulat sa wikang Filipino. Para maintindihan ng segment ng populasyon na sila nmang higit na dapat makaintindi ng ginagawa ng ating gobyerno at media.
>>Salamat din sa pagsulat sa wikang Filipino.
And thanks from me as well. For a while it seemed that this blog was fixated on the idea that Filipinos needed to speak English all the time in order to advance as a country. I’m glad to see that the editors seem to be reconsidering that viewpoint and are now posting more articles in Tagalog.
Signed,
An American studying Tagalog
Salamat sa pagpapakilala sa aking tinitingalang imbentor na si Nikola Tesla. Tunay na nakakalungkot ang kanyang kwento. Noonpa man at kahit sa ibang bansa, pera pa rin ang nananaig laban sa kapakanan nh nakakarami.
Salamat din sa napakagandang pagmumulat tungkol sa bulok na sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa aking palagay, kahit may K-12, madami pa rin ang makakatapos nito at hindi pa rin dalubhasa sa wikang Ingles. Kabisote pa rin… Caregiver at Technician (marangal na trabaho ito at hanga ako sa lahat ng nagsasakripisyo sa ibang bansa para pamilya) ang karamihan sa OFW. At kailangan pa rin ng OFW para mabuhay ang ekonomiya at makabuhay ng pamilya.
Napaganda at napakalungkot isipin ang mga isinulat mo dito. Bilang karagdagan sa iyong mga isinulat gusto ko lamang ibahagi sa iyo ang aking mga napapansin sa aking pamamahay.
May mga kasama akong kasambahay at karamihan sa kanila ay mga tipikal na Pinoy viewer. Sila iyong tipong mga tao na laging nanunuod ng Showtime tuwing tanghali at mga Pinoy action movies tuwing umaga. Pinipilit kong makisama sa kanila kahit tila nag wewelga na ang mga neurons ko tuwing maririnig ko ang mga hosts ng Showtime o kahit malapit ko na talagang tuluyan ang sarili ko pag naririnig ko ang mga cheesy na linya ni Lito Lapid at kung sinuman ang leading lady niya. Pero isang araw…
Aaminin ko na hindi talaga ako magiliw sa mga bata. “Bully” ang tingin sa akin ng karamihan pag dating sa mga bata at hindi ko iyon itatanggi. Pero habang ako ay kumakain ng aking tanghalian, tinanong ako ng anak ng isa aking mga kasambahay.
“Kuya, tutoo po ba na pag nagbabasa kayo sa gabi, mumultuhin kayo?”
Muntik na akong mabulunan sa aking kinakain na pancake.
“Sino naman ang nagsabi niyan sa iyo?” Tanong ko.
“Si Mama ko po.”
Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo. Naisip ko kung ano na nga lang ba ang itinituro ng mga kasambahay ko sa sarili nilang anak.
“Iho, alam mo bang napakahalaga ng pagbabasa? Dapat nga lagi kang nagbabasa para may matutunan ka at mas tumalino ka. Huwag ka nga lang nagbabasa sa madilim dahil nakakasama ito sa iyong mga mata.”
Nalulungkot na lang ako sa patutunguhan ng anak ng mga kasambahay ko. Walong taong gulang na pero hirap pa rin magbasa ng mga salita. 🙁
This is a gold essay. Funny, interesting, reflects what is really happening, and makes you want to read it from beginning to end. Thank you, writer, much appreciate your time in sharing it.
I love this so much~ I have not lost hope for our country yet and this just serves as a positive reinforcement! Thank you so much!
I’m a firm believer of being kind and sa tingin ko dapat pinapairal ang kaalamang ito sa mga kabataan~
Maging mabuti hindi lamang sa kapwa pero pati sa kapaligiran at lahat ng creatures sa mundo 🙂
Sorry my tagalog is not so good :C
Growing up to know that one of your purposes is to take care of your parents. They invest in you because you are meant to give them back what they gave to you. You are existing because of that sole purpose. Their kids they will volunteer to become child stars because it is one way to get wealthy. Kids are brainwashed. They will have 5 or more kids so the eldest can send the remaining siblings to school. The eldest will sometimes deprive himself of having his own family because his entire income goes to supporting the family and cannot afford if he will have his own. Then when the siblings started their own families but without enough income, will give birth continuously until the the entire family run out of means to live decently, They go back to whoever has the money. Then one will be guilty for not helping out and they will all think one is being selfish. These people will blame you, the government, anybody as an excuse for their own failure. This is the structure of families in the Philippines, except for the highly educated.
Can we have an English translation of this article please?
The guy said that Philippine government and media are working side by side to brainwash the minds of the children, to think that everything bad that is happenin are “normal things”. Since, parents are once in their lifetime, were also children who grew up in this kind of society, their mindsets are the same. So, with this kind of set up, most elites consider the children of today as “resources” . The author said that the Philippine educational system is like a giant factory that produces “finished products” in the form of warm human bodies to be shipped worldwide as ofw’s. The guys got a point. How can a nation build a country if everyones mind is to leave. Im an american, by the way. I just know Tagalog very well.
Nalungkot ako bigla nung nabasa ko to.
Welder ako dito sa saudi. Working student ako noon. Gustong gusto ko talaga dating kunin yung course na Political Science, kaso, 1. Wala kaming pera. 2. Sandamakmak ang advertisements na maghihikayat sayong mag abroad ka. 3. Ma eengganyo ka kasi wala ka ngang pera, tapos walang trabaho sa pinas. So ayaw ko man, napilitan akong mag tesda. Then apply ako sa abroad kase, para matulungan ko mga magulang ko. Then. Ngayon, matanda na ko. Wala pa akong naiipundar para sa sarili ko.
So. Bigla kong naramdaman yung feeling na “isa ako sa milyun milyung bumbilya mula sa pabrika ng pesteng oligarkiya”
Isa ako sa mga “finished products” na inexport ng Pilipinas papunta sa Dubai.
Naiyak ako. Gusto kong konyatan yung writer nito.
wow! two thumbs up for the author. I’m gonna share this.
thanks!
I owe this to my Uncle for saving me from the tight clutches of this monster called Philippine Oligarchy.
He gave me a new purpose by asimilating to a different system that will both benefit me and to the society I’m working with.
I like Get real Philippines,, more article to read. kudos to all who contributes their brilliant observations in the society.
I would like to Blog in Pilipino, but I can do better in English…
Nicolai Tesla was a Serbian Engineer, who migrated to the U.S. He invented the Alternating Current (AC) Electricity. Edison invented the Direct Current (DC) Electricity.
Tesla also tried to let Electricity move thru the Atmosphere…so the Tesla tower was erected.
He also developed a Ray Gun to shoot down Planes, during World War II. Some sort of a LASER GUN…
There are many patents yet, that Tesla had…they are in the possession of the U.S. government…
I am a Technical Man, an OFW…My questions in Science and Technology, cannot be satisfied in the Philippines…so, I moved to the U.S.A.
In the U.S., you can have student loan, and get higher education. Corporations can pay your tuition also…”Sky is the Limit”…You can work with Best and the Brightest in any field…
You can get rich using your brains and guts…
I remember the debate about the rh bill. Where tito sotto oppose the idea of birth control because we will be cutting the supply of the number one commodity in the philippines, which is man power. The author is right the govt. only see us as product for export. Sad but true. Thumbs up.
@ Dumangsil
Alam mo ba na may mga scientist at conspiracy theorist na naniniwala na si Tesla was a time traveler from the future who was transported into the past. He claimed to hold a secret to build a machine that could split the Earth in two. Si Nostradamus daw time traveler din kaya mga prediction niya hindi talaga prediction kundi mga events na nakita niya.
The world is a book and those who do not travel read only one page.
Sumali ako sa “Family Day” sa paaralan ng anak ko na nasa ikalawang baitang sa mababang paaralan. Nang awitin ang Lupang Hinirang sa simula ng programa, nakita ko mga tao, bata at matanda, tuloy lang sa ginagawa nila, naglalakad, nag kukwentuhan, kumakain, at iba pa. Hindi man lang lumingon sa “flag pole”. Sa isip ko, wala talaga patutunguhan ang Pilipinas kung sa simpleng bagay na pag galang sa watawat ng Pilipinas ay di kayang gawin ng mga tao. Ano na kaya sa mas malalaking bagay? Ganito na ba talaga ka manhid ang Filipino?