(Author’s note: This article is a translation of a previous essay I wrote entitled “Anti-Vaxxers: A Dangerous Trend the Philippines Needs to Avoid.” I found it convenient to write this version so as to have a wider reach, and to have more people be aware of an emerging dangerous trend. As with the vaccines themselves, this translation hopes to eliminate the Anti-Vaxxer disease before it spreads. Additionally, since Tagalog is not my first language, I would like to ask for pardon for the usage of such in this essay.)
Natural lamang sa mga magulang na ibigay nila ang lahat ng pinakamabuti para sa kapakanan ng kanilang anak, kahit pa man ito ay isang maayos na kapaligiran o ang kanilang mabuting kalusugan. Lumaki akong dala ang kaalaman na maraming sakit ngayon ay maaaring maigamot sa pamamagitan ng simpleng pagbabakuna. Kahit nga ba tila nakakatakot ang proseso nito, lalo na sa mga batang takot sa tusok, alam ko na noon pa na ang mga gamot na ito ay upang makaiwas ako sa mga sakit. Hindi ko na maalala, ngunit alam ko na noong sanggol pa ako ay nabakunahan na ako laban sa mga sakit ng rubella, diptheria, tigdas, biki, TB at polio. Hanggang ngayon, naglalaan ako ng kaunting halaga ng pera kada taon upang mabakunahan ako laban sa trangkaso, at katatapos ko lang makumpleto ang mga bakuna ko laban sa tetanus. Dahil nakikita ko ang sarili ko na aktibo sa gawaing pisikal, ayoko rin namang ipabahala ang aking kalusugan.
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Nagulat na lang ako isang araw nang may ipinalabas ang isang kumpanyang cable dito sa Baguio, kung saan ako nakatira, tungkol sa mga inaakalang “panganib” ng mga bakuna. Ipinapakita ang mga ito kada dalawang oras sa apat na channel; ika nila, ang mga bakuna daw ay may mga “mapanganib na sangkap” na naninira ng kaisipan ng tao, o di kaya’y nakamamatay. Ang sagot ng mga “Anti-Vaxxers” o “Kontra-Bakuna” na ito ay maging “natural” daw, at puntahan ang mga website katulad ng “Natural News” na nagbibigay ng mga alternatibong remedyo, at nagpapayo sa mga magulang at kanilang mga anak na umiwas sa mga doktor na konektado sa mga malalaking kumpanya ng gamot.
Sasabihin ko na lang ng tuwiran: mali at delikadong kaalaman ang dinadala at kinakalat ng mga Kontra-Bakuna.
Ang kadahilanan ng mga Kontra-Bakuna sa ganitong paniniwala ay isang pananaliksik noong 1998 na isinagawa ni Dr. Andrew Wakefield, na inilabas sa The Lancet sa taon ding iyon. Dito itinulak ni Wakefield ang kanyang haka-haka na ang bakunang panlaban sa tigdas ay nakakadulot ng autism; ginawa niya ang pananaliksik sa 12 na bata. Ipinulot ng media sa England ang balitang ito at tuluyang kumalat sa buong mundo. Ngunit hindi maulit ng ibang siyentipiko ang kinalabasan ng pananaliksik ni Wakefield, at nalaman din na nandaya siya sa mga proseso ng kanyang pananaliksik. Bukod dito, nalaman din na gumawa lamang siya ng kaalaman na hindi sumunod sa proseso ng agham, at binale-wala din niya ang mga ibang karamdaman ng kanyang mga ginamit na bata. Dahil sa mga kamalian ni Wakefield, ang pananaliksik niya ay tuluyang tinanggal ng The Lancet.
Bale wala lamang ito sa mga naniniwala pa kay Wakefield, na nagsasabing ang mga malalaking kumpanya ng gamot, o “Big Pharma,” ay nagtatago ng malaking lihim na may intrigang katulad ng Illuminati at “Truther” ng 9/11. Ang ganitong pag-iisip, kahit ba may mga katotohanan nang nailantad galing sa iba, ay nagtulak sa akin na isipin na isinusugal lamang ng mga taong ayaw ipabakuna ang kanilang anak ang kanilang buhay. Katatakutan ang kanilang sandata upang maitawag nila ang ibang tao sa kanilang panig.
Halimbawa, tama nga lang ang mga nagsasabi na may formalin ang mga bakuna. Ayaw nga lamang aminin ng mga Kontra-Bakuna na mas-maraming formalin ang isang pirasong peras (pear) sa isang bakuna.
Isa pang mas-nakakatindig na paratang ng mga Kontra-Bakuna ay ang paniniwalang ang mga bakuna ay nagdudulot ng autism, ika ng pananaliksik ni Wakefield. Dito maraming natakot, at pati na ang Amerikanong artista na si Jenny McCarthy ay naniniwalang ang mga bakuna ay nagdulot ng autism sa kanyang anak. Una sa lahat, wala pang pananaliksik ang nagpapatunay na ang mga bakuna ay nagdudulot ng autism dahil ito ay isang karamdaman at hindi ito sakit. Pinupuntahan ng mga Kontra-Bakuna ang mga kaduda-dudang “remedyo” laban sa mga karamdaman, ngunit napatunayan nang ang mga sangkap ng mga remedyong ito ay walang sapat na basehan upang maging tunay na panlaban sa mga di-kanais-nais na karamdaman.
Marami pang mga haka-haka na ibig ipahayag ng mga Kontra-Bakuna, at ako mismo ay naiinis na ang kanilang maling paniniwala ay nakarating na rin sa Pilipinas. Gayunpaman, masaya ako dahil ang Department of Health ay may komprehensibong programa para sa pagbabakuna upang tuluyan nang masugpo ang iba’t-ibang sakit sa mga bata. Daan-daan pa ang pwedeng mahanap sa internet tungkol sa mga mabuting dulot ng pagbabakuna, at siguro naman ay hindi ko na rin kinakailangang ilathala pa kung ano ang pwedeng mga website ang pwedeng puntahan upang kalabanin ang mga Kontra-Bakuna. Inaamin din naman ng siyensya na may mga bakunang di nasasang-ayunan ng kalusugan ng ilang bata, ngunit ang mga pambahay na “remedyo” ay di kailanman makakapanggaling sa mga karamdamang dati na sa bata. Kung may duda pa ang mga magulang, mas mabuti pa at sila’y pumunta sa isang doktor; siya ang huling makakapagsabi kung ano ang pinakamabuting panggamot sa mga bata.
Hindi dapat nagiging laruan o martir ang mga bata dahil lamang sa isang maling labanan kontra sa bakuna. Kailangan pa rin na iligtas sila sa mga nakakamatay na sakit katulad ng tigdas, gamit ang bakuna, kahit ano pang sabihin ng mga artista o mga nagpapanggap na “eksperto.”
Mas-maraming kaalaman ukol sa paano kontrahin ang mga Kontra-Bakuna ang pwedeng makuha sa Facebook group na Refutations to Anti-Vaccine Memes.
(“Pagbabakuna” leaflet image courtesy of Media Materials Clearing House. Poster image courtesy of KAB Designs.)
But enough about me.