Hay naku, heto na naman, nagta-Tagalog na naman ako. Sa totoo lang kaya ko lang naman napiling mag-Tagalog ngayon ay dahil kailangan kong ilinaw ng maigi ang mga kailangan kong sabihin. Gusto ko itong i-Tagalog para wala kayong dahilan para sabihing: “Hindi namin maintindihan dahil English!”
Alam niyo kasi iyan ang hirap sa inyo e. Napaka isip-bata niyo talaga. Tapos, pag may maninita sa inyo, iiyak kayong parang mga makukulit na uhuging yagit na napalo sa puwet. Anlalakas pa kamo ng mga loob niyo na magsabing: “Gusto lang naman naming sumaya e!”
SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY! Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us. Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider! Learn more |
Puwes, makukuha niyo pa bang sabihin iyan kung ikakasawi nating lahat ang pagiging “masaya” ninyo?
Tulad na lang ng video na ito na ishi-nare sa akin ng aking mga kaibigan sa FB at ng Butthurt Philippines. Kung makikita niyo, balita ito ukol sa isang endangered species na dolphin na napadpad sa dalampasigan ng Quezon at di umano ay kinatay ng mga residente doon. May pinadala ngang mga rescuer ang lokal na pamahalaan para isagip ang nakakaawang nilalang pero ang naabutan na lang nila ay mga nahiwang piraso ng dolphin. Malamang pinag-piyestahan na ng mga taga-Quezon ang karne ng kaawa-awang dolphin. Sayang at endangered species pa man din ang dolphin na ito.
Ililinaw ko lang pala sa ibang mga Pilipinong mangmang diyan ha, pag sinabing “endangered species” hindi ibig sabihin ay mga mapapanganib na hayop! Pag sinabing “endangered species” ay ibig sabihin paubos na ang nasabing lahi ng mga hayop at malaki ang posibilidad na mawala na silang lahat sa mundo. Ang magandang halimbawa ng “endangered species” ay ang Philippine eagle na kung saan nabibilang si Pamana, isang agila na ilan na lang sa mga natitirang lahi ng agila sa Pilipinas. Ang masaklap pa nga ay isa rin si Pamana sa mga walang awang pinatay ng mga Pilipinong mangmang na walang ibang inisip sa mundo kundi maghanap ng exotic na pulutan.
Ewan ko nga ba sa inyo. Siguro kumakain kayo ng mga ganyang hayop sa pag-aakalang tumutulong ang mga iyan sa pagtigas ng mga ari niyong lupaypay naman talaga sa totoong buhay. Magalit na kung sinong gustong magalit, wala na talaga akong paki-alam kung may mabwisit sa inyo dahil paniguradong wala rin naman kayong paki-alam sa kalagayan ng kalikasan ng ating bansa. Ika nga: “Bato-bato sa langit, ang tamaan TANGA!”
Ang masakit sa lahat hindi lang si Pamana at ang kaawa-awang dolphin ang nabibiktima ng katangahan at kapabayaan ng sambayang Pilipino. Tama, hindi lang sa pagpatay sa mga endangered species tulad nila ang paraan ng lantarang pambabastos natin kay Inang Kalikasan. Sa totoo lang, marami tayong ginagawa na ganap na nakapipinsala sa ating kapaligiran ngunit madalas natin itong baliwalain dahil iniisip natin na maliit lang na bagay ang mga ito.
Heto ang ilan sa kanila:
Pagkakalat
Oo, ilang beses ko na itong inuulit-ulit sa aking mga akda sa GRP. Ngunit ito siguro ang unang beses na isinulat ko siya sa Tagalog. Oo, nakakapinsala po sa kalikasan ang pagkakalat kahit gaano pa kaliit ang inyong tinatapon.
Sige, sabihin na nga natin na maliit lang na balat ng kendi ang inyong tinapon. Ang nakakatakot, pag nagkaipon-ipon iyan sa mga kanal, maari itong magdulot ng pagbabara na siya namang sanhi ng pagbabaha pag tag-ulan. Kaya kung namro-mroblema kayo sa baha, wala kayong ibang puwedeng sisihin kundi ang mga taong walang ibang ginawa kundi magkalat na lang kung saan-saan sa kalsada.
At hindi lang po diyan nagtatapos sa pagbabaha mga kababayan. Dahil sa mga naiipong tubig-baha kung saan-saan na puwedeng pugaran ng mga peste tulad ng mga daga, ipis, langaw at lamok, maari din itong maging sanhi ng mga matitinding sakit tulad ng cholera, dysentery at malaria. Kaya huwag niyong maliitin ang pagkakalat dahil kahit gaano pa kaliit ang inyong tinatapon, kung napakarami ng nagkakalat, maari itong humantong sa mga nasabi ko.
Pag-Ubos Sa Mga Likas Yaman
Walang masama sa pangingisda. Wala din masama sa pagpitas ng mga bunga ng mga puno. Wala rin namang talagang masama sa simpleng pagputol ng kahoy.
Pero hindi makakabuti sa ating lahat kung lahat na lang ng isda ay huhulihin natin, lahat ng mga bunga ay pipitasin natin at lahat ng kahoy ay puputulin natin.
Ano na lang matitira sa iba kung lagi natin uubusin ang mga likas yaman sa paligid natin?
Pero iyon na nga e. Halata naman kasi na karamihan sa atin ay wala naman talagang pakialam kung maubos ang likas yaman ng Pilipinas. Sa totoo lang, mukhang likas na nga talaga sa halos lahat ng Pilipino na walang ibang pinagkaka-abalahan kundi ang pagkasarap at magpakasaya.
Masakit isipin pero para sa karamihan sa atin, di bale na lang kung wala ng isda o prutas na makakain ang ating mga anak at apo basta masaya tayo ngayon. Di bale na rin na kalbo na ang kabundukan at kagubatan ng Pilipinas basta nandiyan ang paborito nating mga palabas at produkto. Di bale na kung halos lahat ng dati nating kinakain sa Pilipinas ay may lason na dahil sa polusyon na humahalo sa tubig at lupa na binabahayan ng maraming hayop at halaman.
***
Hindi ko nga alam kung bakit wala tayong paki-alam sa atin kapaligiran kahit tayo rin naman ang napeperwisyo pag may dumadating na sakuna. Mas mahalaga pa nga sa atin ang mga popular na love-team sa TV tulad ng Kathniel, Aldub at kung ano man ang nangyayari kay Pastillas Girl ngayon. Wala talaga tayong paki kung ang kapabayaan, katangahan at kalupitan natin ay puwedeng magdala ng mga matitinding trahedya sa ating mga buhay. Basta “masaya” tayo, wala na talaga tayong iba pang inaatupag.
Ngayon pa lang, binabalaan ko na kayong lahat. Kung wala talaga kayong respeto para sa kalikasan, huwag na kayong umasa na gaganda o titino pa ang klima ng ating bansa. At bago niyo pa ito sabihin, huwag niyong ira-rason sa akin na hindi lang naman tayo ang bansang ganito. Totoo man na maraming bansa na hindi rin maganda ang kalagayan, hindi ito dahilan para pabayaan na lang natin ang ating kapaligiran sa Pilipinas. Hindi ibig sabihin na porke mali ang ginagawa ng kapit-bahay mo ay may karapatan ka ng gumawa rin ng mali. Bakit, kung rapist ba ang iyong kapit-bahay, ibig ba sabihin noon ay puwede ka na rin mang-rape?
Sige, ituloy niyo lang iyan Pilipinas. Sana huwag kang itangay ng malakas na hangin sa susunod na bagyo. Sana hindi ka malunod sa susunod na bumaha. Sana hindi gumuho iyang bahay mo pag lumindol. Andaming “sana” no?
I HAVE RETURNED TO LAY WASTE TO OUR ENEMIES!
I hope you get as wide a readership outside of the ‘Katagalogans’ as you have in it. I don’t begrudge the fact that, despite having studied in Manila, after being raised in Iloilo, I still have difficulty reading and writing in Tagalog. What pains me is that I would have been the richer for reading your blog, in Tagalog, but couldn’t.. for being versed in Ilonggo. But that’s OK.. I’ll just watch out for your English..or Ilonggo ones.
Thanks for pointing that out, vagoneto. I have been saying this all along. Some people have this mistaken notion that publishing articles in Tagalog will somehow reach more audience. It won’t.
I agree, Ilda.
Thanks.
Actually, I speak, rather fluently, in Tagalog, Cebuano and Ilonggo. It’s just that reading and writing in all three is rather difficult. I, also, don’t have a problem with the fact that ‘Tagalog’, was chosen and, was developed to become the ‘National Language’. If Garcia, a Boholano; Macapagal, a Pampanggo; or, Marcos, an Ilocano were all OK with this, why should we object? What I have a problem with is ‘Taglish’. I can’t see the logic in getting used to, and, propagating an idiom that has no, (and never will have)..currency outside of the Philippines. In contrast, our ‘Wikang Pambansa’, at least, has dictionaries in libraries abroad and , is carried as one of the alternative languages in ‘Wikipedia’. Seriously, what’s the point in becoming good in the usage of yet another variety of ‘Pidgin English’, or another version of ‘Chabacano’? Instead of using this mutated jargon, we should best polish both our English and Tagalog, that we may speak and write comfortably in these real, authentic and official languages. Believe me.. it will pay off over time.
Well, you may not have a problem with Tagalog but a lot of people do. And if I may quote what you said earlier, you “have difficulty reading and writing in Tagalog.”
Cebuano would have more readership- it’s the most widely used dialect. Plus, Tagalog-speakers don’t like reading – they like listening to stuff instead.
I can almost predict how Ilda will react: “what makes you think Cebuano-speakers are any different?” Maybe DU30 can answer that,
But going back to the point of the article- I think this is already taught in schools and mostly common sense to anyone with half a brain, but Pinoys still keep littering OUTSIDE their premises. It’s like “my house is my kingdom, outside is yours”.
Intermarriage will help fix the next generation of kids. Japanese fathers will shout “Dame!” if their Japinoy kid does anything stupid as to mess up the environment.
I’ll try to be a little bit unpredictable by not saying it. 😉
Oh don’t get me wrong Ilda. I’m actually amused whenever you say it – like “nice supalpal!” Plus, I think we should ask these thought provoking questions to make Pinoys THINK. So if you don’t mind I think I’m gonna start using it (unless it’s patented of course).
In exchange, anyone in GRP is welcome to use my missile called SYTYSSH (so you think you’re so smart huh?). Cheers
Haha…no worries! I’ll let you borrow it. After all, you’re part of the gang.
I’m a native Tagalog speaker and I can’t even bear reading Tagalog article. If I would, I’ll exert much effort just to read the article.
Nonetheless, I’ve enjoyed reading some Tagalog books, like the one authored by Bob Ong.
:'(
Ansama mo…
Oh, no, I’m not referring to your article :-). I’m referring my struggle to read Tagalog articles in general.
Dahil walang interest ang 32 years of MADPnoy hacienda luisita self interest yellow oligarchs deception, upang makaahon sa kahirapan ang mga taong Juan delacruz dahil sa MAsagana99 apo lakay marcos legacy of converting a quarter of a million Pilipino Peasants into homeowner and landownder farmers, which is the opposite of these zero conversion of farmers that make the Philippines third world status.
kung napatakbo lang iyong 400 million project Bataan Nuclear Power Plant, wala sana tayong ganito ka bahong pollution na ginamit ng Meralco, upang ang Pilipinas ay napapabagsak ng Japan from 2nd world status to third world status Philippines. Japan has less pollution because of their nuclear plant legacy of Herosima and Nagasaki, which is now regenerating good less pollution environment.
Seriously, it took me a while to finish reading this! It felt horrible on my tongue. Well, I wonder how others react to this. ????
It doesn’t matter though as long as people get the message because I am PISSED OFF again!
What makes you think this article was for you? If it’s in Tagalog – then it’s for the stupid local zombies – unless of course you’re one of them.
Grimwald,
That’s because everything Failipinos do is always in the name of voraciousness (timawa), conceit (kahambugan), and seflishness (makasarili).
Aeta
Ang kalikasan natin ay yan lang ang mapa-imana sa susunod na henerasiyon.
Ingatan natin ang yaman natin na kalikasan. Ang mundo, ay parang buhay na tao. Kung hindi mo, itrato na maayos; siguradong ga ganti ito sa atin. Sa pamamagitan ng: lindol, baha, tuyot, o kawalaan ng ulan, pagsabog ng mga bulkan, tsunami, at iba pa…
Kung mahalin natin ang mundo, na ibinigay ng Diyos sa atin, na tirahan. Tayo ay mamahalin din ng mundo.
Tayo lang ang namumuhay dito, na sumisira sa atin tirahan. Hindi ang mga ibang naninirahan dito, tulad ng mga hayop, at iba pa..
Bakit nga ba may mas malasakit pa sa kapaligiran at sa kalikasan ang mga katutubong Pilipino kaysa sa atin? Tapos ang lakas ng loob nating sabihin na sibilisado tayo.
Respect is always diminished in proportion to the number among whom the blame or praise is to be divided.
tingin nyo mas nakakataas kayo pag nag sasalita kayo ng ingles? Nais nating makisabay at makibagay sa mundo sa pamamagitan ng ingles, at dahil natin tingin natin mga elite tayo kapag proficient tayo sa ingles. pero hindi, ang linggwaheng ito ay para sa mga potensyal na consumer, laborer at business partner sa labas ng bansa ng mga kapitalista. itong globalisasyon na tinatawag ay para sa ikakaunlad nila, at mukang nagtagumpay sila.