Pagmamahal sa Kahon

Ewan ko lang at pasensya na mga brod kung makakasakit ako ng damdamin, pero akala ko naabot ko na ang sukdulan ng pagka-asar ko sa administrasyon ni Noynoy Aquino. Matagal ko na rin gustong pakawalan ang mga salitang hinahasa ko, pero nagpigil at nagpasensya muna ako kasi baka naman ma remedyuhan ng mga kinauukulan ang mga sunod-sunod nilang kapalpakan.

Akala ko sukdulan na yung grabeng trapik at mataas na baha… akala ko pinaka-grabe na yung libo-libong namatay nuong Yolanda at nung namatay ang SAF 44… akala ko rin wala nang tatalo pa sa DAP at PDAF… akala ko wala nang tatalo sa kapalpakan nung Quirino Grandstand hostage taking…

Huwag na nating isama ang mga hinaing tungkol sa kaliwa’t kanang krimen, mga bulok sa iskwelahan, mga pampublikong ospital na walang silbi, ang mataas na singil sa kuryente, ang mabagal na internet, ang mga kalyeng bako-bako, ang hetot hetot na mga airport natin, at kung ano ano pang mga nakakainis na mga bagay sa araw araw na buhay nating mga Pilipino.

SUPPORT INDEPENDENT SOCIAL COMMENTARY!
Subscribe to our Substack community GRP Insider to receive by email our in-depth free weekly newsletter. Opt into a paid subscription and you'll get premium insider briefs and insights from us.
Subscribe to our Substack newsletter, GRP Insider!
Learn more

Alam niyo, lahat ng iyan, pwede pang tiisin — sa tutoo lang. Okay lang lahat yan kasi parang wala namang magagawa diyan eh kungdi tiisin.

Ang kinakapikon ko ng husto sa administrasyon ni Noynoy eh itong pagbubukas ng balikbayan boxes ng ating mga OFW.

Lahat na lang ninanakaw at pinagkakainteresan ng mga hinayupak na mga tao sa gobyerno, pati pa ba itong kakarampot na padala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya… BUBULATLATIN, PARA ANO?PARA NENUKIN? PARA SABHIN NA SMUGGLER ANG MGA OFW NATIN? PARA BUWISAN?

Nakawan mo na ang may kaya, pero sukdulan ng kawalanghiyaan ang magnakaw sa salat sa buhay.

Yang mga delata, damit, pabango at kung ano anong mga bagay na yan, may halaga yan na hindi nabibilang sa piso o dolyar. Yang mga bagay na nakapaloob sa Balikbayan Box, hindi lang basta basta mga bagay yan… Iyan ang tanging paraan para maparamdam ng isang nangungulila sa kanyang pamilya ang kanyang pagmamahal.

SINONG GAGO ANG MAKAKAISIP BUWISAN PATI ANG PAGMAMAHAL NG NANGUNGULILANG KAPAMILYA?

Pasalamat itong ang punyetang Alberto Lina na ito at pinalad siyang maging mayaman at hindi kinailangan magtrabaho sa ibang bansa, malayo sa kanyang pamilya.

Hindi mo naramdaman ang init ng araw sa desierto o ang pang-aalipusta ng mga malulupit na amo, maiahon lang ang pamilya mo mula sa kahirapan.

Manhid at walang pakialam talaga itong si Aquino sa mga taong bumubuhay ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa tutoo lang, kung hindi dahil sa dollar remittances ng mga OFW, matagal nang sadsad at bangkarote ang bansa. NAKAATANG SA BALIKAT NG MGA OFW ANG ECONOMIC GROWTH NA PINAGMAMALAKI NITONG SI AQUINO.

Screen Shot 2015-08-24 at 3.35.52 PM.png

At imbis na pumanig ito sa mga OFW, heto ang sinabi niya sa Cebu:

“Tulungan natin ‘yung Customs na gawin ‘yung kanilang trabaho at dapat naman siguraduhin ng gobyerno na wala namang karapatan ng taumbayan na mapipinsala dito sa paghahabol ng pangangalaga ng kapakanan ng lahat,” Aquino said in a media interview in Cebu.

(Basahin ang buong artikulo dito http://www.philstar.com/headlines/2015/08/24/1491678/pnoy-balikbayan-box-inspection-let-customs-do-its-job)

Wow… Ang galing mo Noynoy. Wala na akong masabi.

Mga brod, heto lang ang tanong ko… Gusto pa ba nating magpatuloy ang ganitong klase ng walang pusong pamamalakad?

21 Replies to “Pagmamahal sa Kahon”

  1. Jusme, salot mga yan, kahit bawal nga ikikampa ko na sa FB ko ang bagay umupo sa pagkapresidente maliban kay Mar, Binay and Poe..para lang mapakulong itong hayop na BS PNoy na ito kasama mga alipores niya…no wonder God didn’t gave him a wife….buti na lang hanggang diyan na lang ang lahing traidor…..

  2. This time they’re making sure they can hold what they take: conquest is always easier than subjugation.

    And BS Aquino and his horde of stupid minions are keeping tabs and doing it.

  3. sukdulan na talaga ang kahayupan ng administrasyong aquino lahat grupong halimaw sakim magnanakaw walang awa walang sympathy sa mga mahihirap wla yatang puso lahat ng nsa gobyerno palibhasa itong si bs aquino walang di makatao

  4. PANAWAGAN: HOY ABNOY KANG NAKAUPO SA TRONO NG MALACAÑANG. TUMAYO TAYO KA NGA DIYAN SA KINAUUPUAN MONG MONGOLOID KA MAGMASID, WAG KANG UMASA SA MGA ALIPORES MONG PURO PANSARILI ANG INIISIP. MGA SIPSIP, PAPOGI AT INUTIL.

    TINGNAN MO AT PAG-ARALAN MO NG MABUTI ANG KALAGAYAN NG PILIPINO. NASA TAMANG LANDAS KA BA TALAGA? HUWAG MO AKONG SAGUTIN NG “EH DI WOW” PUYETA KA.

    ANG KA ABNORMALAN HINDI YAN MAGAGAMOT NG MILYON-MILYONG SALAPING NINAKAW MO.

  5. wala akong pinapanigan customs o OFWs. Lumalagay ako sa katwiran at tama, may mga taong sinasamantala Ang Balikbayan box , ginagamit sa smuggling sa mga bawal at mga mamahaling Bagay na pan sariling pagkikitaan , ok Lang sana Kung dahil sa kahirapan nila , Pero Kung itong smuggling na Ito ay ginagamit sa mga bawal na Bagay katulad ng droga, mga armas, explosibong Bagay Ito ay dapat sugpuin sa kapakanan ng bayan…mga electronics na Bagay para pagkikitaan ng mga big time smugglers para sa akin ,Ito ay dapat sugpuin…Kung sariling paggamit dapat kaunti Lang Ang buwis…ngayon Ang tanong????L tama Ba na Ang customs na sugpuin Ang mga Bagay na illegal na Ito. karamihan sa mga sagot ng mamamayang ofw o Filipino …..ehhh bakit ako magdurusan , Hindi naman ako Ang smuggler na iyon tapat akong mamamayan…..Ito Ang ugaling Filipino na Hindi ko gusto,,,,, dahil pan sariling interest Lang Ang kanilang isipan at Hindi para sa kapakanan ng Pilipinas…iyon mga kababayan Ang ugaling Filipino na para sa akin ay Hindi tama…dapat Kung sa ikabubuti ng Bayan dapat maintindihan…..lahat ng Bagay o privilehiyo na kapag inabuso ng Iba, nadadamay ang marami……..Iyan Ang problema ng pilipinas na Kahit hanggang ngayon ay nakakahadlang sa progreso ng Bayan….Tama Ang suspecha ng madami na mayroong customs inspector na ninanakaw Ang Bagay na ini-inspection Isa pa Iyan na dahilan Kung bakit walang progreso Ang pilipinas….Tama bang mag suspecha Ang mga mamayan sa kagawad ng gobierno…….natural na mawawalan ng tiwala Ang mga mamamayan…..Kung papalawakin ninyo Ang inyong mga isipan….dapat sugpuin ng gobierno Ang Bagay na Ito na nawawaln ng control sa customs…Iyan Ang panawagan ni Pinoy Aquino..let customs do its job……Ang tanong ayyyyyyyy what jobssss??????to steal the people’s help to their families or to control the flow of illegal good to the Philippines..Where is the trust of the people to the agency of the government…and where is the government actions to eliminate the mistrust of the people….How can that be corrected……The answers to that is the solution to this fiasco….

      1. Baka bata ni Lina yan? Alam mo naman dyan sila binabayaran ngayon yung pabanguhin yung pangalan nila dahil nakakasulasok na amoy hindi na maitago…kung naitatago sa TV, Radyo..sa social media eh basang basa sila…#NoVoteMar4President #ZeroVote4LPBets

      2. I salute you Paul Farol for being straightforward sa mga dapat Iparating sa mga kapwa nating pilipino upang maliwanagan sila sa sa kanilng pagiisip.
        Hindi na talaga dapat i tolerate ang pang aabuso sa ating gobyerno. Siguro nmn mstatalino na ang mga tao ngayon dahil sa social media.

    1. Ikaw ba ay marunong umintindi?
      Ang point ng mga OFW ay bakit bulatlatin ang mga kahon kung kaya nmn nilang maglagay ng xray machines.meron budget na 3.2billion para sa kanila. At tama lang din na walang tax dapat na babyaran ang mg OFW sa sobrang laki ng tulong na ibinigay sa ekonomiya ng gobyerno!!
      Isng pulpol ka rin mag isip!

  6. Bakit Kasi Balikbayan Box Pa More?
    OMG!
    Sobrang dami ng reactions tungkol sa bukasan ng mga balikbayan boxes ng customs (or costumes, apparently to some people). Madaming naki-angkas sa bandwagon ng customs-haters. Hindi po dahil sa pumapanig ako sa Bureau of Customs, naisip ko lang po…
    Sa buong mundo, tayo lang pong mga pinoy ang may balikbayan box mentality. Napaka-sweet nga naman at tunay na kahanga-hanga ang ganyang katangian nating mga pinoy. Mapagbigay at mapagmahal. Yan ang sinisimbolo ng balikbayan boxes. Sa pamamagitan nito, naipapadala natin, sa pisikal na anyo, ang ating pagmamahal sa ating pamilya at mga mahal sa buhay. Pinagtyagaan at pinagkahirapan yang ipunin, kaya talaga namang nakakainis ang isiping bubulatlatin lang ito pagdating sa Pilipinas. Di nga naman tama ang pagnanakaw ng ilang empleyado ng Customs. Dapat ngang masugpo ang ganyang gawain.
    Pero teka, ang Bureau of Customs lang ba ang dapat magbago?
    Sa panahon natin ngayon, dapat nating tanungin kung makabuluhan pa ba talaga ang balikbayan boxes? News flash lang po, globalized na po tayo, maging sa Pilipinas. Mabibili na natin halos lahat ng gusto mong maisiksik sa box mo, sa inyong suking tindahan at department stores…nationwide. Kalimutan mo na kung state-side o hindi, may tatak man o wala; malamang, gawang China lahat yan.
    Ang rason kaya tayo hinihikayat ng gobyerno para magtrabaho sa ibang bansa ay dahil sa kinikita ng ating bansa tuwing nagpapadala tayo ng pera.
    In short po, imbes na magreklamo po tayo na bubuksan ng Customs ang ating boxes, turuan natin sila ng leksyon. Huwag na po tayong magpadala ng boxes! Imbes na pahirapan pa natin ang ating mga sarili sa pag-iipon, pagbili at pamomroblema ng mailalagay sa boxes, ipunin na lang natin yung pera at ipadala sa wastong pamamaraan. Kikita pa ang Pilipinas.
    Normal lang po ang ginagawang pagbubukas ng boxes sa Customs. Napapanood natin sa tv ang Airport Security programs, at kelangan talaga natin ang mag-ingat sa kung anong mga bagay ang pumapasok sa bansa natin. Ibang issue po yung pagnanakaw sa boxes, na nangangailangan ng naiiba ding solusyon.
    Kung hindi ka pa natauhan, at kelangan talagang magpadala, sumunod lang din naman po sana tayo sa patakaran. Syempre, yung tinago mong brand new na Iphone sa box mo ay mapapatungan ng karapat-dapat na buwis. Huwag na po tayong magulat. Ganun din ang patakaran sa lahat ng gustong mag-importa ng kahit na ano mang bagay, kahit sino, kahit hindi OFW. At kung ayaw mong manakawan ng pera, wag na po sana nating ilagay ito sa box. May banko naman, o remittance. May konting renta man, mas sigurado ka naman na makakarating sa paroroonan, at hindi sa bulsa ng isang custom official.
    Ang walang kamalay-malay na balikbayan box, talaga namang trending ngayon at nagiging sanhi ng katakot-takot na attention. Maganda man ang ating intentions, maigi pa sigurong lumihis tayo ng konti sa inaakala nating tuwid na daan. Kalimutan muna yung inggit ng mga kapit-bahay pag dini-deliver na yung box sa harap ng bahay. Hindi mababawasan ang pangungulila ng pamilya mo sa yo kahit magpadala ka man ng kahon. Madami pa sigurong paraan para magpakita ng pagmamahal.
    Saludo ako sa mga kababayan nating nagpapakahirap at nagtatyaga sa ibang bansa.
    —At yun naman po ay sa akin lang smile-humørikon

    1. Simple lang naman po ang paliwanag sa naghuhuramentadong reaksyon ng mga kababayan natin sa insidenteng ito:

      WALA silang TIWALA sa mga nakaupo. Kung napupunta man lang sana sa tama ang mga buwis na sinisingil at TUNAY ngang MATUWID yung mga namamalakad eh di sana wala nang ganitong drama.

      1. Ano yang argumento mong yan? Eh di para mo na rin sinabing dahil wala kang tiwala sa mga pulis eh tama lang na lumabag sa batas. Hindi mo maitutuwid ang isang pagkakamali sa pamamagitan ng pag-gawa ng iba pang pagkakamali. Nakana ba nya, Paul Farol? Sumasang-ayon ako kay Cesar. Mas may punto ako sa sinabi nya. Kelangan nating palawakin ang pag-iisip nating mga Pilipino. Mga sarili lang kasi ang iniisip natin pagdating sa issue na yan. Ilang dekada na tayong nagpapakasasa sa tax exemptions ng balikbayan boxes. Namihasa na lang tayo kaya tayo nagre-rebelde ngayon. Tayo lang sa buong mundo ang may ganyan. Bakit, lahat ba ng mga pinapadalang boxes ay legal? Paano ka makakasigurado kung wala kang control? Uulitin ko, hindi ko pinapanigan ang BOC, alam kong maraming kurakot dyan. Pero tulad ni Cesar, iniisip ko lang ang tama at makatwiran, at hindi lang kung ano ang trending na issue ngayon.

  7. Maraming “smuggler” diyan na kasabwat ng mga matataas at makapayarihan na pulitiko.

    Ang pagpapadala ng Balikbayan Boxes ng mga OFW, ay napakaugalihan na. Mayroon akong kakilala na asawa ng “Kano”. Pinupuno niya ang Balikbayan Box niya , sa Filipino store. Dahil galit , ang asawa niyang magpadala ng Balibayan Box sa pamilya niya. Pagkatapos ang trabaho niya. Diyan siya sa Filipino Store, pinupuno ang Balikbayan Box niya.

    Aywan ko, kung ano ang tunay na dahilan, na pinag-initan ni Aquino at Lina, ang mga OFW Balikbayan boxes.

    Mayroon diyan mga “Freight Trucks”, puno ng smuggled goods, nakakalusot sa Customs.

    1. Tawag d’yan, maling solusyon, sa maling problema. Para lang may masabi na gumagalw ang Customs.

      Hangga’t maari ayoko paglaanan ng sobrang oras at pansin ang gobyerno ni Noynoy, may mga nakatokang bumatikos d’yan (kung sino man silang Poncio Pilato). Pero ‘tong huling pakana na ‘to, medyo kumulo ang dugo ko kay Panot.

      Wala eh. katarantaduhan na ‘to eh.

  8. The netizens’ overwhelming reactions over the “Balikbayan Boxes Random Sampling” is a reflection of the general public perception on the Philippine Bureau of Customs. I hope that this will be an eye opener for the government to make the necessary reforms and initiate change for the better.

  9. Ang problema kasi sa BOC at sa pamahalaan ni BS Aquino ay mahilig sila sa mga walang kwentang surpresa. Sa kaso ngayon, naglabas sila ng bagong rule sa BOC ng walang pasabi o paghahanda sa panig ng ating mga OFWs. Gaano kahirap ang sabihan muna ang ating OFW na pansamantalang itigil muna ang kanilang Balikbayan Box sa layong magsagawa ng isang malawakang pagbabago at mas epektibong inspection ng BOC at paglilinis ng sistema ng ahensya lalo’t mismong ang mga namumuno ay alam na may nakawang nangyayari rito? Hindi ba pwedeng tuligsain ang isang krimen gaya ng “smuggling” nang hindi isinasakripisyo ang kapakanan at kaginhawahan ng mga nagsasakripisyo na nating mga manggagawa sa ibang bansa? Mahirap bang mag-isip ng isang win-win na sitwasyon para sa ating mga manggagawa at sangay ng pamahalaan na responsable sa mga manggagawa? Hindi masamang hingin mong magsakripisyo ng ilang buwan ang mga OFW sa pagpapadala ng kanilang Balikbayan Box ‘yon eh kung totoong may malalim at magandang layon. Una sa lahat, karaniwan ba na ang mga smuggled goods ay naitala nang nagmula sa mga Balikbayan Boxes? Saan ba karaniwang nagmumula ang mga smuggled goods? Sa shipping containers ba o mula sa backdoor ng Mindanao? Kung ang layon lang nila ay ang pagtuligsa sa “smuggling” ngunit kaya naman ito nangyayari ay gawa ng pagpapabaya ng mga tauhan ng ahensyang dapat ay tumutuligsa rito ngunit sila rin nama’y magnanakaw at ang epektibong pamamaraan nila upang tuligsain ito ay ang “random checking” ng Balikbayan Box ng ating mga OFW, mababawasan ba talaga ang smuggling of illegal goods and drugs papasok sa Pilipinas?

  10. Eh teka muna. Parang nasa bill of rights ba ang balikbayan box?

    Let us face it, maraming OFW rin ang nag smuggle ng laman na hindi man nila nakikita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.